Pasado ala una na ng hapon ng pumunta ang SSG president ng SHS campus upang i-announce na simula ngayong ala una ay walang mga estudyante ang pwedeng umuwi maliban lamang pag patak ng alas kwatro.Wala rin kasi mga teacher na mag ka-klase ngayon sa kadahilanang may biglang meeting din ang mgaa ito at kabilang na rin ang mga staff ng school. Madaming naging masaya dahil walang teacher ngunit madami ding nainis dahil bakit hindi na lang mag pauwi kung wala naman palang magaganap na klase.
Ngunit ang sabi lang samin ng SSG president ay iyon ang utos ng principal kaya wala kaming nagawang iba kundi gumala at mag hintay hanggang alas kwatro.
Samantalang sa classroom naman namin karamihan sa mga lalaki ay lumalabad upang mag gala at ang iva naman ay nasa loob lang ng classroom. Katulad namin ni Ava na nag paiwan sa classroom masyado pang tirik ang araw para mag gala.
Nag ce-cellphone lamang si Ava habang ako ay well naka tulala lang sa labas ng bintana at nag hihintay ng kakaibang mangyayari sa labas katulad na lamang ng suntukan, biglang uulan ng yelo, biglang mag kakaroon ng apoy at may dadaan na unicorn.
Pero syempre ni isa sa mga naisip ko walang nangyari. Well except lang sa mula sa pagkaka silip ko sa bintana ay nakita ko lang naman ang swabeng pag lalakad nilang tatlo na para bang lupa nila ito at nasa teritoryo nila kami.
Nakita ko rito ang pagkaka tulala ng mga babaeng nlalampasan nila kabilang na ang mga lalaki na napapatigil pa at napapakilala nalang sakanilang tatlo.
Nang makarating sila sa destanasyon nila which is sa harap ng classroom namin nag simula na akong makarinig ng mga bulong bulungan at mga pag singhap.
Standing in front of our dear beloved classroom is the student supreme government president of college department Benedict Satander together with his friends Kurt Bautista and Francis Altamirano.
"Oh my gosh girl! Diba yan yung SSG president ng college?"
"Oo! Ang gwapo niya! Ang lakas pa ng appeal!"
"Omg! Kahit bago pa lang ako rito madami na akong makalap na information about sa kanya."
"Yeah, ang alam ko rin madami yang girlfriend! As always." Hindi ko alam na sikat pala siya rito sa Saint Sebastian University.
"Ang gwapo niya pala talaga sa personal."
"Pero bakit siya nandito?"
"Baka naman may itatanong lang o hinahanap?"
At madami pa akong narinig na pag uusap mula sa mga classmates ko mapa babae man o lalaki. Well recently ko lang rin nalaman na ang magaling na lalaki na si Benedict ay kabilang pala sa SSG at ito pa ang president.
Hindi lang ito matalino, ma-appeal, president rin pala ito ng school na pinapasukan namin! Nang mapatingin ulit ako sa pintuan ay nandun parin sila.
"Good afternoon grade 11 Genesis, sorry to interrupt what you are all doing but I'm looking for a girl name Juliana Barbara Benitez." Panimulang saad ni Benedict. Napatingin naman sakin ang mga classmates ko. At kaagad din naman napatingin sakin si Benedict at ngumiti.
"So the boyfriend is here matapos hindi nag paramdam ng almost one month! Girl super great!" Sabi ni Ava in a sarcastic way na ikinatawa ko naman. Medyo inis parin talaga siya kay Benedict ngunit boto naman siya rito.
Matapos sabihin yun ni Ava kaagad naman itong tumayo sa upuan niya at nag lakad papunta sa pintuan kung nasaan nandun sila Benedict. Oh no,ito na naman si Ava at sa pag gawa niya ng big entrance.
"So your the boyfriend huh?" Sabi pa nito bago sumandal sa hamba ng pintuan ng classroom namin.
"Uhm... Excuse me? Who are you?" Pag tatanong ni Benedict dito na ikinatawa ko. Hindi muna ako tumayo at pinapanood sila.
BINABASA MO ANG
Sana ✔
RomanceDownfall Series 1 [ COMPLETED ] Nag lalaro sila. Nakaratay siya sa kama. Nasa labas sila mag hapon. Nasa loob siya the whole year. They enjoy their lives. She doesn't. Having a typical teenager life is not really given to Barbara. Nasa hospital, na...