"Juliana Barbara Aquino Benitez! Bumangon ka na! Hapon na tulog ka pa! Ano yan hindi ka na matutulog mamaya?"Bunganga ni Nanay ang gumising sakin sa mahimbing kong pag kakatulog. Ano ba naman yan, ang nasakit ulo ko.
"Nay naman e, five minutes pa please."
"Anong five minutes pa? Nandiyan sila Ava at Carla sa baba nakakahiya at kanina pa yung mga yun nag hihintay."
"Paakyatin niyo nalang po rito."
"Nako tong batang to talaga pasaway." Nang tumahimik ang kwarto ko ay binalak ko ulit bumalik sa pagkakatulog ng narinig ko namang bumukas ang pinto at umingay muli ang paligid.
"Hoy B! Bakit tulog ka pa? Hapon na!"
"Bumangon ka na diyan aalis tayo dapat diba? Ayan na cancel tuloy dahil sayo."
"Barbara Benitez Satander bumangon ka na diyan kundi papapuntahin ko rito si Benedict." Matapos kong marinig ang sinabi ni Carla ay napabangon naman ako ng wala sa oras galing sa pag kakahiga ko. Kahit kailan talaga itong dalawang to! Mga loka loka! Nakita ko naman silang naka ngisi ng makita nila akong bumangon.
"Ang ingay ninyong dalawa." Sabi ko sakanilang dalawa.
"Ang magic word lang pala para bumangon ka ay ang pangalan ni Benedict di sana-" Hindi na natapos ang sasabihin ni Ava ng nanlalaki niyang mata at tinuro ako.
"Bakit?" Pag tatanong ni Carla kay Ava.
"May..."
"May ano?"
"May chikinini si B!" Bulong ni Ava kaagad din namang nanlaki ang mata ni Carla ng marinig yun kaya kaagad din itong napatingin sakin.
"Chikinini? Anong chikinini?" Takang lag tatanong ko bago ako napahawak sa mukha ko matapos ay sa leeg.
"Halika ka nga dito." Saad ni Carla bago ako hinatak palapit sakanila ni Ava.
"Bakit?" Pag tatanong ko. Nag katinginan muna silang dalawa bago humarap sakin si Ava. Ano bang problema ng dalawang to?
"Kayo ba ni Benedict nag ano?" Pag tatanong ni Ava na kinabigla ko naman. Muling nanumbalik ang alaala ko nung Friday sa nangyari samin ni Benedict. Naisip ko palang yung pag halik sakin ni Benedict namumula na ako.
"Omg! Namumula ka! So mag nangyari nga sainyo?" Pag tatanong ni Carla.
"Oo, pero hindi naman sa-"
"Sinuko mo na ang Bataan? Bakit?"
"Ang bilis mo namang isuko! Hindi ka man lang nag pabebe!"
"Hindi mo man lang kwinento kaagad samin!"
"Ano? Daks ba siya? Anong lasa?"
"Masarap ba siya?"
"Naka ilang round kayo?"
"Masakit parin ba hanggang ngayon?"
"Paano kayo nag ano?"
"Inaakit mo ba siya? O inakit ka niya?"
"Gumamit ba kayo ng protection?"
Napatakip naman ako ng tenga dahil sa pinag sasabi nila sabi na nga ba at ganito ang mangyari. Pinatigil ko naman sila sa pag tatanong at kwinento sakanila ang nangyari simula ng pumasok kami sa condo ni Benedict. Matapos kong ikwento ang nangyari ay patungo tungo naman ang dalawa.
"Si pag gising mo kinabukasan wala na si Benedict sa CR niya kahit sa condo niya?" Tumungo naman ako bilang sagot.
"Mukhang matinding pag pipigil ang ginawa ni Benedict." Saad ni Carla.
BINABASA MO ANG
Sana ✔
RomanceDownfall Series 1 [ COMPLETED ] Nag lalaro sila. Nakaratay siya sa kama. Nasa labas sila mag hapon. Nasa loob siya the whole year. They enjoy their lives. She doesn't. Having a typical teenager life is not really given to Barbara. Nasa hospital, na...