"Sa wakas nasa senior high na rin tayo dalawang taon na lang nasa college na". excited na sabi ni Amber.
"Oo nga nakakita na ba kayo ng bagong school?" sigunda ni Ryan.
"Wala pa eh. Ikaw Carmie may nakita ka na ba?"
Bumuntong hininga si Carmie bago magsalita.
"Sabi ni mama sa Maynila na raw ako mag-aaral ng senior high hanggang college." malungkot niyang turan.
"Ang swerte mo naman Carmie. Kami ni sa panaginip hinding-hindi kami makakaapak ng Maynila." nakasimangot na sabi ni Amber.
"Parang gusto ko naman talaga. Eh doon lang naman ako mag- aaral dahil pinagtatrabaho ako ng kaibigan ng mama ko sa bahay nila. Kapalit ng libreng pagtira ko sa bahay nila." nakatungong wika niya.
"Swerte pa din naman yon ah sa hirap ng buhay ngayon bihira na ang makatuntong sa college tapos ikaw secure na ang future mo". saad ni Ryan.
"Sabagay may point ka Ryan yon nga lang ay malalayo na tayo sa isa't-isa." malungkot niyang turan.
"Ganun talaga ang buhay Carmie mapalad ka dahil nagkaroon ka ng ganyang opportunity kaya wag na wag mong sasayangin ang bihirang pagkakataon na ganyan." panghihikayat na sabi nito.
"Basta walang kalimutan ha. Baka pag dumating ka naman doon at makakilala ng mga bagong kaibigan eh makalimutan mo na kami".
"Hinding-hindi ko kayo makakalimutan dahil kayo na ang pinakabaliw na kaibigan sa buong mundo mahirap kaya maghanap ng mga tunay na kaibigan at mga baiw na tulad niyo." nakangiting turan niya.
"Siyempre naman tayo yata ang unbeatable trio hehehe". natatawang sabi ni Ryan. iyon ang bansag sa kanila mula noong makuha nila ang black belt sa larangan ng taekwondo ng sabay sabay.
Kahit na pasaway at laging napapagalitan ng kani- kanilang mga magulang dahil sa paglalakwatsa ay napapanatili pa rin naman nila ang malalaking grades at ang galing nila sa sports gaya ng archery at Taekwondo. Nangako sila sa isa't isa na hindi mawawala araw-araw sa chatroom na nilikha nila para lamang sa kanilang tatlo.
Sa kabilang dako pauwi na rin ng Pilipinas si Andrew galing Amerika. Ang totoo tatlong araw pa sana siya bago umuwi pero hindi na siya makakatiis pa sa dalawang buwan na bakasyon niya sa States. Parang araw-araw gusto niya ng bumalik at umuwi sa sarili niyang bahay sa Quezon. Ang totoo sa Amerika na nanirahan ang kanyang pamilya matapos maging successful business man ng kanyang ama na agad namang sinang ayunan ng ballerina niyang ina dahil sa pangarap nito.
Habang nasa eroplano ay hindi mapigilan ni Carmie ang umiyak. Iyon ang kauna unahang pagkakataon na malalayo siya sa kanyang mga magulang at mga kapatid at maging sa mga kaibigang itinuring na rin niyang mga tunay na kapatid. Pagdating niya ng Maynila ay dumiretso na siya sa address na ibinigay sa kanya ng kanyang ina. Madali lang namang matunton ang lugar na iyon kaya hindi na siya nangamba na baka maligaw siya. Narinig niyang tatlong araw pa mula noon ay darating ang anak ng kaibigan ng mama niya. Kaya magagawa niya pa ang gusto niyang gawin bago ito dumating. Naisip niya pa tuloy kung makakasundo niya kaya ito. Sabi kasi ng mama niya isa itong nerd at laging nagkukulong sa kwarto. Sobrang matalino din di umano nito dahil lagi itong top 1 mula day care hanggang magtapos sa junior high. Ganun pa man confident rin naman siya kahit papano dahil nasa top students din naman siya.
Buti na lang dinala niya ang kanyang mga gamit sa drawing. Mahilig kasi siya sa anime at ginuguhit niya sina inuyasha, kagome, sakura the card capture, at ang fruite basket. Iyon ang libangan niya. Nakasundo niya dahil doon si Michael ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya pero bigla na lamang itong naglaho na parang bula. Pinilit niya itong kalimutan subalit handi ang kanyang nakaugalian. Laging si Michael ang pangalan ng mga character na iginuguhit niya. Hilig niya ring manood ng mga asian nobela at ginagawa niya iyong collection doon naman niya nakasundo sina Amber at Ryan. Nagkataon lang din na pareho din silang mahilig sa sports kaya naging sandata nila ang isa't-isa para umabot ng ganun kataas ang grades nila sa larangang iyon.
BINABASA MO ANG
"You're still the one"
RomancePagkatapos ng maraming taong paghihintay ay matatapos na rin ang kurso ni Carmie at makakauwi na rin siya ng Pilipinas. 5 taon din siyang nanirahan sa America at nag aral. 5 taon din ang matuling lumipas miss na miss na niya ang kanyang buong pam...