Habang nasa byahe ay tahimik lang ang lahat. Malamang dahil iyon sa pwesto ng mga upuan nila kaya walang naglakas ng loob na maunang magsalita. Nasa likod siya kasama sina Michael at Zonia. Habang si Andrew naman ay katabi sina Rhean at Kesha. Mula noong lumabas sila ng bahay ay halos hindi na niya magawang lumapit kay Andrew. Hiyang-hiya kasi siya sa ginawa nito kanina sa kanya.
"Ang tahimik naman guys. Kumanta na lang kaya tayo. Andrew patugtog ka naman diyan." sabi ni Alfred na katabi ng driver.
Kinuha naman nito ang gitara at nag-umpisang tumugtog. Tinutugtog nito ag kantang paborito ni Carmie ang "You're still the one" subalit nahihiya siyang kumanta.
"Anong kanta yan Andrew?" tanong ni Rhean.
"Kantahin mo Carmie." sabi nito sabay lingon sa gawi niya.
Ngumiti ito at tinulungan pa siyang mag intro.
"Second verse na lang ako". saad niya.
Tumango naman ito habang ipinagpatuloy ang pagtugtog at pagkanta hanggang sa makapasok siya sa second verse . Ang ganda din ng kalabasan ng duet nila sa chorus. Napataas at kumakaway ang kamay nina Zonia, Alfred at nakisabay na rin si Michael. Habang inis na inis naman ang dalawang babae sa kanila lalo na kay Carmie.
"Andrew yong love story naman by Tailor Swift". request ni Rhean.
Pinagbigyan naman ito ni Andrew at tumugtog ng gitara. Pagkatapos ng kantang iyon ay sinundan pa ng fireflies, the girl like you is impossible to find, at ang way back into love na na-enjoy ng lahat hanggang makarating sa Zambales.
Pagdating doon ay napag- alaman nilang magkakaroon sila ng team building. At ang inakala nilang sila lang ang nandoon ay mayroon pa palang mula pa sa iba't-ibang lugar sa Luzon.
"Surprise guys!" masayang saad ni Zonia.
"Ano to Zonia akala ko ba mag ce- celebrate lang tayo? Bakit tayo nandito?" takang tanong ni Alfred.
"Pasensya na kayo guys ha. Tinawagan kasi ako ng church pastor namin para pumunta dito sa Zambales para sa aming team building eh. At naatasan akong mag invite ng mga friends. Yon nga lang eh wala naman akong ibang friends sa school."
"Pero hindi ka na dapat nagsinungaling pa Zonia pwede mo namang sabihin ang totoo eh".
"Pasensya na talaga Carmie ha ginamit pa tuloy kita".
"Parang siya lang din naman ang dahilan kung bakit kami sumama." nakangiwing tugon ni Rhean.
Kahit hindi naman aminin ng mga ito ang totoong dahilan kung bakit sila sumama ay alam na rin niya ang dahilan ng mga ito. Pero ano naman kaya ang dahilan nina Michael at Alfred para sumama sa kanila.
"Hello everyone Good afternoon. Thank you for coming in to our 2 days of camping. You're from Quezon City right?" tanong ng lalaking sa unang tingin ay mas matanda pa naman sa karamihan sa kanila.
"Yes sir". sagot nila.
"Ok... first of all you don't have to call me sir. Just simply call me kuya or bro. Again welcome to our team building . We invite thousands of youth around Luzon to participate the said event for free. At we guarantee you na marami kayong matututunan dito as we are able to build friendship with the other guest from other places in Luzon. So enjoy and be safe around. By the way this is kuya Marlon one of the Youth for Congress representatives."
BINABASA MO ANG
"You're still the one"
RomancePagkatapos ng maraming taong paghihintay ay matatapos na rin ang kurso ni Carmie at makakauwi na rin siya ng Pilipinas. 5 taon din siyang nanirahan sa America at nag aral. 5 taon din ang matuling lumipas miss na miss na niya ang kanyang buong pam...