Part 17

8 2 0
                                    

Naupo si Andrew sa sofa at hinintay na muling lumabas ng banyo si Carmie.

Habang nasa loob ng banyo ay napaupo si Carmie sa kubetaat ipinagpatuloy ang kanyang pag iyak.

Halos kalahating oras na rin ang matuling nakalipas subalit hindi pa rin lumalabas ng banyo ang dalaga kaya't minabuti na lang dn niyang lapitan ito at katukin.

"Carmie?... mahinang tawag niya rito."

"Hindi pa ako tapos..."

"Okay take your time".

Naghintay na lamang ulit siya saglit na makalabas ito doon.

Maya-maya ay bumukas naman ang pinto at lumabas na rin si Carmie. Namumugto ang mga mata nito at halatang katatapos lang umiyak. Nagulat din ng makita siyang nakaabang lang pala sa labas ng banyo. Hinawakan ni Andrew ang kanyang kamay at mabilis siyang niyakap.

"I'm sorry hindi ko intensyon ang saktan ka Carmie."

"Wala yon Andrew... naiintindihan ko naman ang gusto mong sabihin eh. At nakuha ko na rin kung bakit mo nagawa ang mga bagay na yon kanina. Kaya ayos lang ako... don't worry ...excuse me". iwinaksi niya ang kamay ni Andrew at umuloy na sala.

Natutop ni Andrew ang kanyang noo ng makapasok sa banyo. Alam niyang nasaktan sa sinabi niya si Carmie subalit hindi naman talaga yon ang gusto niyang mangyari. Bakit ba kasi lagi na lang siya nitong nami miss interpret.

Nagmamadaling naglatag n higaan niya si Carmie. Naisipan niyang magpanggap na tulog na kapag nakalabas na si Andrew sa banyo.

Nakita ni Andrew ang mahimbing nang natutulog na si Carmie. Kaya hindi na lang muna niya ito iistorbohin. Pumasok na siya sa loob ng kanyang kwarto at humiga na rin. Hahayaan na muna niyang makapag isip ng maayos ang dalaga baka sakaling magiging maayos din ang lahat kinabukasan.

Subalit halos isang oras na rin ang lumipas mula noong pumasok siya sa kwarto at mahiga na para matulog ay hindi siya dalawin ng antok. Mui siyang bumangon at sumilip sa pinto. Bahagya pa niyang tinawag ang pangalan ni Carmie subalit hindi na ito sumasagot. Malamang nakatulog na rin ito kaagad. Tuluyan na siyang lumabas at lumapit dito. Tumabi siya sa higaan ni Carmie.

"Andrew?.. gulat na gulat na napabalikwas si Carmie.

Hindi nakapagsalita agad si Andrew. Akala kasi niya kanina pa natutulog ang dalaga kaya minabuti niyang lumapit dito ng hindi siya makatulog sa kwarto niya,

"Hi,.. hindi kasi ako ma... makatulog dahil sa pag aalaa sayo kanina kaya... ah ....ahm..."

"It's ok Andrewdumito ka na lang muna sa tabo ko matulog ngayong gabi."

"Sa... salamat!".

Umayos na lamang ng higa si Carmie katabi si Andrew. Maya-maya ay nakatulog na rin naman agad silang dalawa.

Subalit nagisig na lamang sila kinabukasan na katapat na ang kani-kanilang mga ina. Dumating ang mga ito ng madaling araw para masundo di umano ang mga ito para magbakasyon sa probinsya nila.

"Ihanda niyo ang lahat ng mga papeles niyo." saad ng ina ni Andrew.

"Para saan naman po yon ma?" takang tanong ni Andrew.

"Siyempre para saan pa eh di para sa kasal niyong dalawa." saad ng ina ni Carmie.

"Po...?" takang tanong ni Carmie.

"Pero ma.. tita mga bata pa po kami pareho ni Carmie. May mga kanya kanya pa kaming gustong marating sa buhay pareho."

"Pero kasalanan din ba naming nagtabi ayo sa higaan?"

"Wala naman pong masamang nangyari sa amin ni Andrew tita eh. Kaya wala po kayong dapat alalahanin. Saka ginagawa lang naman namin yon dahil sa nang..."

Hindi na natapos pa i Carmie ang iba pa niyang sasabihin dahil magkasabay na dumating ang kanilang mga ama. Nagulat din sila ng husto dahil sa mga nangyayari. Bigla na lamang dumating ang kanilang mga magulang at gusto ng mga itong maipakasal sila sa lalong madaling panahon.

hinawakan ni Andrew ang kamay niya at tumingin ito ng seryoso sa kanya . Kahit na hindi ito nagsasalita alam niya kung ano ang gusto nitong sabihin ang magtiwala siya rito. Kaya naman ng bitawan nito ang kamay niya ay hindi na siya muling ngasalita at hinayaan itong makipag usap sa mga magulang nila. Marami na silang mga napag usapan subalit walang pumapasok sa isipan niya hanggang sa muling magsalita ang kanyang ama.

"Walang kasalang mangyayari". saad ng galit niyang ama ...magligpit na kayo at uuwi na tayo ng probinsya." doon natapos ang kanilang mahabang usapan. 

Walang umatak sa utak niya pero isa lang ang malinaw sa kanya hindi pa handa si Andrew na pakasalan siya. inamin nitong mahal siya nito subalit  dahil sa hindi pa tamang panahon para sa kanila ay gusto mua nito n konti pang kalayaan. Hindi pa ito handa sa piakamalaking commitment sa buhay niya. Kahit sa mga sumunod na pangyayari ay nakalutang pa rin ang isip niya. Napapitlag pa siya ng hawakan ni Andrew ang kamay niya.

 "Okay ka lang Carmie?" takang tanong ni Carmie?

"Oo ayos lang ako Andrew?" saad niya. Bahagya pa siyang lumayo ng makitang nakatitig sa kanila ang kanyang ama. 

Pagdating nila sa bahay nila ay kinausap siya ng masinsinan ng kanyang mga magulang.

"Ano ba talaga ang relasyon niyong dalawa ni Andrew ha Carmie?"

"Wala naman kaming ralasyon pa eh".

"Pero bakit kayo nagkatabi sa pagtulig? Hindi mo ba talaga alam na ang mga bagay na yon ay gawain lang ng mga mag asaw ha?"

"Pero wala naman pong masamang nangyari sa amin dalawa pa."

"Tumigil ka kesa meron o sa wala nagtabi pa rin kayo sa higaan. Walang hindi mag iisip ng masama kapag nalaman ang mga bagay na yon. Nag iisip ka ba bata ka huh?"

"Pasesnsya na po".

"Tigilan mo na nga yang anak mo Anton. Kaslanan mo yan dahil matigas ang ulo mo. Kung hindi ka lang kumontra kanina eh di naipakasal na sana ng mas lalong madaling panahon yang dalawa. Eh di  wala na sana tayong inaalala pa."

"Isa ka pa alangan namang sapilitan nating ipagkaloob yang  anak natin kay Andrew. Wala na tayong magagawa dahil may prinsipyong pinghahawakan ang batang yon. Kaya ikaw mag iingat ka kung ayaw mong mapahiya ang pamilya natin. Wag kang tumatabi tabi sa kahit sinong lalaki nakuha mo?"

"Opo."

Nagtungo sa likod bahay si Carmie at matamang nag isip. Tumingin siya sa kawalan at tiningnan ang napakaraming magagandang bituin.

 "Hi."bati ni Andrew sa kanya.

"Ikaw pala Andrew."sabi niya at nagpatuloy sa pag tinga sa mga umiilaw na mga bituin sa langit. 

Umupo si Andrew sa tabi niya.

 "Napagalitan ka ba nila?"

"Hindi naan sila galit. Napagsabihan lang naman nila ako."

"Kasalanan ko yata ang lahat."

"Hindi Andrew tama lang naman ang ginawa mo at niririspeto nain ang disisyon mo. Alam mo bag hanga ang tatay ko sayo. Minsan lang kasi siya makakilala ng taong may matibay na prinsipyo."

"Pasensya ka na sa mga nangyari Carmie huh".

"Wala yon Andrew".

"Talaga?...  parang naiisip ko tuloy kung ano ang mangyayari kung mas maaga tayong magpapakasal..."

"Huwag mo nga akong binibiro ng ganyan.." sabi ni Carmie at mabilis na umalis.

Napapailing at natatawang pinaggmasdan ni Andrew si Carmie habang papalayo. Totoo ang nararamdaman niya para rito pero ayaw niyang pinapangunahan siya ng iba. Siya ang kusang magdidisisyon para sa sarili niya at ayaw niyang makialam ang mga magulang niya sa pag ibig niya. 

Balang araw ay pakakasalan din naman niya si Carmie dahil itom na ang una at huling pag ibig na para sa kanya. Ayaw na niyang maghanap pa ng iba si Carmie ang sapat na para sa kanya. Pero ayaw niyang madaliin ang lahat. Alam niyang may tamang panahon para sa kanilang dalawa. At may tamang panahon para sa pag ibig niya para sa dalaga.

"You're  still the one"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon