Part 22

7 0 0
                                    

Umupo si Carmie sa kabilang dulo ng mesa katapat ng upuan ni Andrew. Hindi siya halos makatingin sa mga sulyap ng binata sa kanya. Ang mga kaibigan niyang nagtataka pa rin sa kinikilos nilang dalawa ay humanap ng paraan para magksarilinan silang dalawa. Napagtanto ng mga ito na parang gusto nilang makausap ang isa't- isa kaya lumayo muna ang mga ito sa pagkain. 

Noong una ay walang kumibo sa kanila pero kalaunan ay lumapit at tumabi na sa kanya ang binata. 

"Kumusta na ang mga magulang mo Carmie?"

"Ayos lang naman sila".

"Galit pa ba sila sa nangyari?"

"Hindi ko masasabi ang tungkol doon".

"Papayagan ka pa kaya nilang bumalik ng Maynila?"

"Hindi na ata ako makakabalik pa doon".

"Kasalanan ko ang lahat. Hindi na lang dapat ako sumamang magbakasyon hindi na sana nangyari ang ganun."

"Bakit ka bumalik?" nairita siya sa sinabi nito kaya naitanong niya 'yon. Hindi na rin dapat siya bumalik pa dahil maaaring lumala pa ang problema at mas lalo siyang magsisisi.

"Namiss kita, ewan ko ba kung bakit perokahit anong gawin ko lagi kang sumasagi sa isipan ko. Mababaliw na yata ako kapag hindi kita makita kaya hinikayat ko si Michael na mag pasko dito."

"Ganun ba?" hindi maitago ni Carmie ang tuwa sa mga sinabing iyon ni Andrew.

"Na miss mo ba ako?"

"Oo naman sobra."

Wala nang umimik sa kanilang dalawa nang makabalik na ulit ang mga kaibigan nila sa hapag kainan. Masaya silang pinagsaluhan ang mga pagkaing nasa mesa ng gabing iyon.Habang kumakain ay napagkatuwaan ng lahat ang pag vi videoke kaya salitan sila sa pagkanta habang kumakain. Kinanta ni Carmie ang "You're still the one" subalit ang ikinagulat ng lahat ay ng makipag duet si Andrew sa kanya. Nagulat din siya kung bakit alam nito ang kantang paborito niya. Napangiti ng lihim si Carmie doon. Sobrang nag- enjoy ang lahat sa gabing iyon. Buong gabi silang kumanta at sumayaw na para bang walang bukas hanggang sa maramdaman nila ang pagod at antok. Doon na rin sila nakatulog sa mesa kung saan sila kumain.

Bago pa makatulog si Andrew ay sinuri muna niya ang lagay ni Carmie. Naka patong ang mukha nito sa kamay na nakaharap sa kanya. Dahan dahan siyang siyang yumuko at hinalikan ang ang labi nito. Eksakto namang napadilat nga dahan dahan si Ryan kaya nasaksihan niya ang ginawang iyon ni Andrew kay Carmie. Bigla siyang bumaling at humarap sa kabilang dako ng bahay. Napatingin si Andrew kay Ryan. Alam niyang nakita nito ang ginawa niya pero wala siyang ginawa kundi humarap at gayahin ang pagkakaayos ni Carmie at nakatulog na rin.

Nagkasundo silang maligo sa dagat ng araw na iyon. 

"Antok pa ako eh". pagrereklamo ni Amber ng gisingin siya ni Carmie ng tanghali.

"Tanghali na. Saka diba maliligo tayo ngayon sa dagat diba. Bangon na diyan namalengke na sila ng mga pagkain natin ihahanda pa natin ang mga dadalhin". sabi ni Carmie habang hila hila si Amber.

"Oo na saglit lang 10 minutes na lang ok."

"Hindi sa sasakyan ka na lang ulit matulog okay. Sige na dali na."

"Antok pa ako eh", sabi nito saka nagkumot ulit.

"Sige na naman Amber please." pagsusumamo ni Carmie sa kaibigan.

Nang marinig ni Amber ang pakikisamong iyon ni Carmie ay agad siyang bumangon at hinarapan ang kaibigan.

"Teka lang... sabi nito na hinarang ang kamay sa mukha niya. ...may gusto lang sana akong malaman. At gusto kong sabihin mo ngayon sakin ang totoo."

"Ang alin?" 

"Ang tungkol sa inyong dalawa ni Andrew."

"Wala namang tungkol sa aming dalawa eh". 

"Ayaw mong sabihin?..."

"Wala naman... humiga ulit si Amber at nagkumot para matulog ulit.

"Ano ba Amber nagkasundo tayong maligo sa dagat ngayon hindi ba? Bangon na kasi diyan para makapaghanda na tayo sa mga dadalhin natin sa swimming."

"Ayuko, hangga't wala kang aaminin sa akin hindi ako babangon dito."

"Wala  naman akong aaminin sayo eh..."

"Huwag ka ngang nangloloko kilala kita alam kong may mga bagay na hindi namin alam ni Ryan at balak mong ilihim sa amin. Kung ganon eh di hindi na lang tayo mag kaibigan tapusin na natin ang lahat dahil itinatago ka na sa amin eh."

"Ano ba... hmmm... sige na bumangon ka na diyan ikukukwento ko sayo habang nagliligpit tayo ng mga dadalhin natin sa dagat."

"Promise?..." sabi nito at inilabas pa nag hinliliit para makipag pinky secret sa kanya.

"Promise".

Agad namang bumangon si Amber at nakangiting abot tenga habang nililigpit ang higaan. Sinimulan niyang ikwento ang lahat ng nagyari sa kanilang dalawa ni Andrew mula sa Manila hanggang sa umuwi sila sa probinsya para magbakasyon.

"Aahhh.... talaga nag kiss kayo?" napatili ng maikwento niya rito ang nangyari.

"Ano ba hinaan mo nga yang bibig mo baka may makarinig nakakahiya."

"Ano naman ang nakakahiya doon?"

"Aksidente ang nangyari okay... walang may gustong mangyari ang ganun".

"Ang tawag destiny. Destiny na ang unang gumawa na paraan para sa inyong dalawa para maramdamanwang wagas na pab- ibig... mmmuah."

"Ano ba... iyon na ang problema ngayon eh nagalit si papa ng makita niya ang bagay na yon. Pano kung hindi na niya ako pabalikin ng Manila?" 

"Aalam mo marami pang pwedeng mangyari. Baka naman magbago pa ang pasya niya kapag pabalik na ang klase."

"Sana nga lang".

"Kaya pala blooming ka ngayon eh. Inlove ka diba?" sinundot ni Amber ang tagiliran. 

".. hehe ewan ko sayo."

"Hmmm.... halata kaya ang spark sa mga mata mo kaya mahirap na mag kunwari no."

Eksakto namang kakauwi lang ng mga lalaking nag presintang mamili ng mga pagkain at tapos na rin silang mag ligpit ng mga dadalhin kaya nakaalis na sila agad. Sa sasakyan ay nag uunahan sina Michael at Andrew na makatabi kay Carmie. Buti na lang nauna si Andrew bagay na lihim na ikinatuwa ni Carmie. Nginitian din siya ni Amber habang nagtataka sa mga nangyayari si Ryan na walang ka ide ideya. Umabot ng halos dalawang oras ang byahe bago sila makarating sa resort na gusto nilang puntahan. 

"You're  still the one"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon