Dahil sa nangyari parang wala ng mukhang maihaharap pa kay Andrew si Carmie. Pinakikiramdaman muna niya ang buong bahay bago lumabas ng banyo. Subalit hindi niya nakita sa kusina at sa sala ang binata kaya alam niyang nasa loob pa rin ito ng kwarto niya. Dahan-dahan siyang lumabas ng banyo at naghanda na lamang ng pagkain. Natapos na siya pero hindi pa rin lumalabas ng kwato niya si Andrew kaya naglakas loob na siyang kumatok sa pinto.
"Andrew?..." sabi niya kasabay ng tatlong mahihinang katok.
Nakailang tawag at katok na siya sa pinto pero hindi pa rin ito lumalabas ni hindi ito nagsasalita.
"Andrew.... andyan ka lang ba? Kakain na." nilakasan na niya ang boses niya pati ang mga katok niya sa pinto para paniguradong maririnig siya nito.
Maya-maya ay nagbukas naman ito ng pinto at lumabas.
"Hmm?..." tanong nito at pupungas-pungas.
Nakatulog pala ito kaya hindi nito naririnig ang mga katok at tawag niya kanina.
"Ka... kakain na tayo." nauutal na sabi niya ng hindi sinasadyang matuon ang paningin niya sa mga mapupula nitong mga labi.
Naalala tuloy niya ang halik na nangyari kani -kanina lang.
"Saglit lang." muli itong pumasok sa kwarto.
Siya naman ay tumuloy na sa hapag-kainan para maupo at magsimulang kumain. Nakita niyang nagdala ng towel si Andrew at pumasok sa banyo. Nagpatuloy na lamang siya sa pagkain. Itinabi na lamang niya ang pagkaing para kay Andrew pagkatapos kumain at nagtungo sa likod bahay para makapaglaba.
"Tapos ka ng kumain?" sumilip pa ito sa kanya.
"Oo nauna na lang ako ang tagal mo eh gutom na gutom na kasi ako."
" Ok... Pakilaba na lang din tong akin ha".
"Sige iwan mo na lang diyan."
Nasanay na kasi silang dalawa na salitan sa paglalaba. Minsan si Andrew ang naglalaba lalo na kapag may period siya dahil may dysmenorrhea siya at hindi makakilos kapag dinatnan. Ni load niya ang mga damit sa washing machine at pumasok na sa bahay para manood ng tv.
Pagkatapos kumain ni Andrew ay niligpit na niya ang pinag kainan at nilinis na rin ang mesa. Tahimik lang siya habang sinusulyapan si Carmie na nooy tutok na tutok na sa kanyang pinapanood.
"Carmie, bukas na ang simula ng tutorial nating dalawa."
"Huh?... anong tutorial yon?"
"Diba nga sinabi ng mama mo na turuan kita sa studies mo? Kaya mag-uumpisa na tayo bukas. Malapit na ang ikatlong pagsusulit ngayon mo kailangang humabol kung gusto mo pang mapasama sa honor student."
"Hmmm.... ok". maikling tugon niya at ibinalik ang sarili sa pinapanood na palabas sa tv.
Tutok na tutok na talaga siya sa kanyang pinapanood na kahit na nakalapit na si Andrew sa tabi niya ay hindi pa rin niya ito napansin.
"Ano na naman ba yang pinapanood mo ha?"
"Princess hours".
"Anong makukuha mo diyan?"
Nainis siya at pinatay ang tv.
"Bumalik ka na nga sa kwarto mo matutulog na ako."
BINABASA MO ANG
"You're still the one"
RomancePagkatapos ng maraming taong paghihintay ay matatapos na rin ang kurso ni Carmie at makakauwi na rin siya ng Pilipinas. 5 taon din siyang nanirahan sa America at nag aral. 5 taon din ang matuling lumipas miss na miss na niya ang kanyang buong pam...