"Hi". bati ni Andrew ng makauwi galing sa school.
"Hi". ganting bati niya dito.
"Nobela na naman?"
"Hilig ko eh".
"Hmmm take you're time". sabi nito bago pumasok ng kwarto.
Paglabas nito ay umupo ito sa tabi niya at nanood na rin ng palabas na pinapanood niya. Napatingala ito sa mga kurtinang nakasabit at sa mga inilagay niyang mga drawing sa mga dingding.
"Ayos lang ba sayo ang mga yan?"
"Ayos lang..."
"Talaga?.. gusto mo bang ayusin ko rin pati ang kwarto mo?"
"Naku huwag na. Ayos na ang mga yan."
"Ok". nakungusong sabi niya.
Hindi na lamang siya nagsalita pa ulit. Nagpapasalamat na lamang siya dahil hindi naman ito nagalit sa mga ginawa niya sa sala maging sa kusina.
"Ikaw ba ang gumuhit ng mga yan?"
"Oo nagustuhan mo ba?"
"Maganda... I mean you have the talent."
"Salamat". natutuwa niyang sabi.
"Kaya mo bang mag- drawing ng science?"
"Kapag may ginagaya at hindi ko kayang mag perfect".
"Ayos lang.. ang mahalaga lang naman ay maintindihan ng mga tao kung anoi yong tinitingnan nila".
"Tama naman". nakangiting wika niya.
"Anong tittle niyan?" hindi nito napigilang magtanong.
"They kiss again. Maganda ang storya niyan a childhood sweetheart at nagustuhan ang isa't isa at nagpakasal. Kasabay ng pagtupad ng kanilang mga pangarap ay naging inspirasyon at sandigan nila ang isa't isa. Hanggang sa pareho nilang natupad ang mga pangarap nila sa buhay." pagpapaliwanag niya sa storyang pinapanood.
"Ano sa tingin mo ang makukuha mo diyan? Sa halip na manood ka ng mga educational movies ay yan ang pinapanood mo?"
Alam niyang tanong iyon na kailangan ng matinong sagot kaya bumuntong hininga muna siya at nagsimulang mag paliwanag.
"Alam mo iba- iba tayo ng mga goals sa buhay. May iba't ibang paninindigan at prinsipyo. Hindi lahat ng mga nobelang nasa tv ay makakasira sa mga estudyanteng tulad natin. Mayroon pa rin namang nakaka inspire at kapupulutan ng aral. Nagkaroon ng mga successful novelist dahil sa paglikha ng mga nobela. Naniniwala akong ang hobbies natin ang sandata natin para magkaroon ng kulay ang buhay natin. Hindi dahil may hobbies ka magpapakabaliw ka na lang din yon ang hindi tama. Ngayon kung may time limit ka at kaya mong limitahan ang mga nakaugalian mo na ay malaki ay pag- asang may mararating ka sa buhay. Pero kung magpapaiwan ka na lang at hahayaang lamunin ng hobbies mo ang oras mo ay mamamatay ang iyong pangarap at mawawalan ng saysay ang iyong naumpisahan. Pero kung magpapatuloy ka dala ng pag asa at tiwala ay matutupad ang iyong mga minimithi". mahabang tugon niya.
BINABASA MO ANG
"You're still the one"
RomancePagkatapos ng maraming taong paghihintay ay matatapos na rin ang kurso ni Carmie at makakauwi na rin siya ng Pilipinas. 5 taon din siyang nanirahan sa America at nag aral. 5 taon din ang matuling lumipas miss na miss na niya ang kanyang buong pam...