Inihanda na lamang ni Carmie ang mga pagkaing dala ni Michael. Habang ang dalawa ay nasa sala at masayang naglalaro ng Clash of Clans.
"Lagi ba siya dito noon?" mahinang tanong niya ng lumapit sa kanya si Andrew.
"Hindi, sa labas kami madalas maglaro saka lang niya nalaman kung saan ako nakatira. Sinundan niya kasi tayong dalawa."
"Talaga? Ibig sabihin nagpunta siya dito dahil sakin?" tanong niya sabay turo sa sarili.
"Ano pa nga ba?"
Kumuha ito ng tubig at uminom saka bumalik ulit sa sala. Tiningnan niya ang mukha ni Michael at alam niyang malaki na ang ipinagbago nito. Pati na ang ngiti nito noon ay nagbago na rin. Malayo na ito sa Michael na nakilala niya noon.
Dahil masyadong nalunod na silang dalawa sa laro ay naghanap na lang si Carmie ng pwede niyang gawin. Nilabhan niya ang kanilang mga damit. Pero natapos na rin siya't lahat lahat ngunit hindi pa rin tapos ang dalawa sa paglalaro. Binuksan niya ang kanyang account at nag online. Dahil hindi naka online ang kanyang mga kaibigan ay nag iwan na lamang siya ng mga mensahe para sa mga ito. Ibinalita niya sa mga ito ang mga achievements niya sa bagong school at ang papalapit niyang match sa kanyang archery. Pati na ang mga magulang niya ay binalitaan na rin niya. Nakatulog siya sa upuan dahil sa paghihintay na matapos ang dalawa.
Hindi na nakuwi si Michael dahil sobrang lalim na ng gabi. Tumawag na rin siya sa bahay nila at nagpaalam na doon muna sa bahay ni Andrew matutulog sa gabing iyon. Nang makatulog sa sofa si Michael ay nilapitan niya si Carmie na dasa kusina at natutulog sa upuan. Binuhat niya ito at ipainasok sa kuwarto niya. Kinumutan niya ito at muling lumabas ng kuwarto. Inilatag niya ang higaan ni Carmie at nahiga na doon. Nang pumikit ay naamoy niya ang mabangong amoy na dumikit sa unan nito. Matagal siyang nakatulog ng gabing iyon dahil sa kakaibang samyo ng pabangong naamoy niya.
Kinabukasan nagising na lamang si Carmie dahil sa liwanag na tumatama sa mukha niya. Nakalimutan ata niyang isara ang bintana. Pero ng magdilat siya ng mata ay natuklasan niyang nasa kuwarto pala siya ni Andrew. Napabalikwas siya ng higa at hinagilap sa loob si Andrew. Nagtataka talaga siya kung papaano siya nakatulog sa kuwarto ng binata. Lumabas siya at nakitang nanonood ng tv si Andrew. Tiningnan niya ang orasan . Magtatanghali na pala.
"Good morning!" bati nito sa kanya.
"Good morning. Umalis na ba ang kaibigan mo?"
"Oo kanina pa"
"Ahhh ok... ahm ikaw ba ang naglipat sakin sa kuwarto kagabi?"
"Si Michael ba ang inaasahan mong bumuhat sayo?"
"Hindi ah".
Napapangiti siyang pumasok sa CR. Wala silang pasok sa araw na yon kaya hindi siya gumising ng maaga.
"Carmie tumatawag ang mama mo".
"Pakisagot naman nag sa shower pa ako eh".
Narinig niyang nag hello naman ito sa kabilang linya.
Pagkatapos niyang mag shower ay hinagilap niya si Andrew pero hindi niya ito makita.
"Saan naman kaya siya nagpunta?" takang tanong niya sa sarili.
Nag almusal na lamang siya na mag-isa. In fairness naman kay Andrew dahil inihahanda na siya ng breakfast nito kapag hindi siya nakakapaghanda.
Nanood siya ng bagong palabas na korea nobela ng biglang may kumatok sa pinto. Nagmamadali siyang pinagbuksan ang tao nasa labas.
BINABASA MO ANG
"You're still the one"
RomancePagkatapos ng maraming taong paghihintay ay matatapos na rin ang kurso ni Carmie at makakauwi na rin siya ng Pilipinas. 5 taon din siyang nanirahan sa America at nag aral. 5 taon din ang matuling lumipas miss na miss na niya ang kanyang buong pam...