Buong ingat si Carmie na hindi matuklasan ng mga kaklase nila ang katotohanan kaya minabuti niyang dumistasya sa mga ito. Lagi siyang nasa gymnasium para sa kanyang ensayo. Kapag may free time ay nagtatago siya sa library.
"Nasan ka?", tanong ni Andrew ng tumawag ito sa kanya.
"Nasa library bakit?"
"Wala sige puntahan kita diyan."
"...huh? Pero.." hindi na niya natapos pa ang kanyang sasabihin ng ibaba nito agad ang phone.
"Haisst... ano ba naman yan".
Makalipas lamang ang sampung minuto ay nakita niya ang paparating na si Andrew. Lihim siyang naasar. Pano ba naman kasi kung gano siya kaingat na makita ng mga kaklase nila ay ganun naman ang paglapit at pagsunod ni Andrew sa kanya.
"Kanina ka pa ba dito?"
"...mmm mga 30 minutes na siguro. Galing ako sa gym dumiretso lang ako dito pagkatapos ko doon. Bakit mo ko hinahanap?"
"Na miss lang kasi kita."
"Ano kamo?"
Tumawa lamang ito bahagya at umupo sa tapat niya.
"Labas tayo." nakangiting alok nito sa kanya.
"Kalalabas lang natin noong nakaraang araw ah."
"Bakit wala ka ata sa mood?"
"Pagod ako sa practise."
"Ice cream tayo".
"Sige na nga ang kulit mo eh".
"Aba napipilitan ka lang ata eh wag na lang."
"Eh di wag".
"Hindi ka naman mabiuro." hinawakan siya nito habang inalalayang makatayo ito na rin mismo ang nag ligpit ng mga gamit at nag bitbit habang papalabas ng library.
Nagtungo silang dalawa sa Trinoma. Ang dahilan ni Andrew kung bakit siya nito dinala sa lugar na iyon ay may bibilhin din daw ito sa book store. Mataman siyang nag hintay sa upuan ng ice cream store ng mag presenta si Andrew na umorder ng kanilang makakain. Pagka balik nito ay may dala na itong dalawang slice ng paborito nilang black forest at dalawang ice cream na paborito di nila pareho.
"Bakit nag aya ka ulit na lumabas?"
"Hmm... I have some good news for you".
"Ano yon?"
"Isa ako sa mga pumasang chemistry laboratory assistance."
"Talaga?"
"Mmm... at balak ko sanang ipasok ka sa team."
"Anong team yon?"
"Chemistry team".
Hindi agad nakapag salita si Carmie sa narinig. Naiisip niya na baka may maka tunog sa mga nangyayari sa kanila ni Andrew. Baka isipin ng iba na may relasyon nga sila dahil madalas na silang magkasama.
"Pag iisipan ko muna.Alam mo kasi medyo puno na ang schedule ko. Madalas na lang akong mag- aral baka bumagsak na ako kapag pinabayaan ko ang studies ko."
"Pwede naman kitang tulungan sa studies mo. Pwede mo akong gawing study buddy babawasan ko yong mga extra cor para makapag- aral tayo."
"Masyado na ata akong pabigat sayo eh".
"Huwag mo na kasing inaalala ang mga bagay na ganun".
"Pwede kitang maging study buddy pero medyo hindi ko yata kakayanin na maging Chemistry Lab assistant eh. Para sa maga genius lang na tulad mo ang mga bagay na ganun."
BINABASA MO ANG
"You're still the one"
RomancePagkatapos ng maraming taong paghihintay ay matatapos na rin ang kurso ni Carmie at makakauwi na rin siya ng Pilipinas. 5 taon din siyang nanirahan sa America at nag aral. 5 taon din ang matuling lumipas miss na miss na niya ang kanyang buong pam...