Kinabukasan nagkita ulit sila ni Andrew sa daan papunta sa C.R. Kumaway pa ito sa kanya ng makita siya nito.
"Hayan na pala ang boyfriend mo eh". kinikilig na sabi ni Leah.
"Hindi ko nga siya boyfriend".
"Hmmm sige na nga sabi mo eh... pero pupusta ako gusto ka niyan".
"Aba malay ko."
"Ang haba ng hair ni ate ang pogi kasi ng suitor niya... ayeei."
"Hindi niya rin ako nililigawan no".
"Maghintay ka lang darating din yon". sabi nito sabay kiliti sa kanya na itinawa niya ng malakas.
Biglang dumungaw sa pinto ng C.R si Andrew at tumingin sa kanila.
"Hay naku... baka magalit si prince charming." saad ni Leah at hinila siya nito papasok sa lood ng banyo.
Natawa na lamang siya sa ginawa nito at sumunod dito. Dahil may 10 minutes lang din sila sa pagligo ay nagmamadali sila para matapos agad bago pa man tumunog ang bell para sa kanilang breakfast. Eksaktong katatapos lang ni Carmie na magsuklay ng buhok ng tumunog naman ang kanilang bell. Kaya imbes na bumalik sa camp ay dumiretso na sila sa kanilang canteen para kumain ng agahan.
"Carmie dito na tayo". tawag sa kanya ni Andrew pagkakita nito sa kanya na pumipila para makakuha ng kanyang pagkain.
"Ok". sagot niya rito.
"Ayeei... kinikilig si ate". panunudyo sa kanya ni Leah.
"Hindi ah." napapangiti siya dahil sa kiliti nito.
"Hmm... kunwari pa to. Nagba blush ka na nga diyan eh".
Nang makalapit na sila sa mga pagkain ay tahimik siyang kumuha ng mga ito at hinintay muna saglit si Leah na makakuha ng sa kanya. Subalit ng makabalik na sila sa upuan ni Andrew ay naroon na pala sina Rhean at Kesha sa tabi nito. Nag-alangan pa tuloy siyang umupo.
"Carmie kasya pa naman tayo dito eh." tawag ni Andrew ng balakin niyang maghanap ng bakanteng upuan.
"Oh tawag tayo ni Mr. pogi."
Napilitan siyang umupo sa tapat nito.
"Bakit hindi ka kumuha ng fruits?" tanong nito ng makita ang mga pagkaing nasa plato niya.
"Wala namang fruits doon eh".
"Nasa kabilang mesa yon."
"Ah ok"... akma na sana siyang tatayo ng pigilan siya ni Andrew.
"Ako nang bahala."
"Salamat".
Tiningnan siya nina Rhean at Kesha ng masama at umirap pa ang mga ito sa kanya.
"Heto"... sabi nito ng makabalik sa upuan.
"Ang dami naman nito."
"Ahm Andrew pwede mo rin ba akong ikuha ng apples?"
"Wala nang apples doon Rhean eh".
BINABASA MO ANG
"You're still the one"
RomancePagkatapos ng maraming taong paghihintay ay matatapos na rin ang kurso ni Carmie at makakauwi na rin siya ng Pilipinas. 5 taon din siyang nanirahan sa America at nag aral. 5 taon din ang matuling lumipas miss na miss na niya ang kanyang buong pam...