Part 5

17 5 0
                                    

Tahimik na umuwi sina Andrew at Carmie ng hapong iyon. Walang naglakas ng loob na magsalita sa kanilang dalawa. Kahit na dumating na sila sa kanilang apartment ay wala pa rin silang imikan.

Pumasok na lang si Andrew sa loob ng kwarto. Umupo siya sa gilid ng kama at matamang nag isip. Gustong- gusto niyang i comfort si Carmie pero alam niyang mali dahil wala siyang karapatang manghimasok sa sarili nitong buhay. Agad siyang nagbihis at lumabas ng kwarto.

                            "Anong ginagawa mo?" nakita niyang  nasa kusina si Carmie at naghihiwa ng wala.

                             "Nagloloto". wala sa loob na sabi nito.

Binawi niya ang kutsilyo na bitbit nito at hinila ito papunta sa sala. 

                              "Magbihis ka lumabas tayo." 

                              "Saan naman tayo pupunta?"

                              "Basta,... saka mo na malalaman. Sige na bihis na".

                               "Wala ako sa mood umalis ng bahay eh".

                                "Puwes ako rin".

                                "Kung ganun eh di dito na lang tayo sa bahay magloto na lang tayo ng hapunan."

                                "Magbibihis ka o bibihisan kita?"

Nagmadali siyang umiwas at kumuha ng damit at pumasok sa CR. 

Natawa na lamang si Andrew sa ikinikilos nito.

                                  "Alis na tayo?" mahinang wika niya.

                                   "Mm... let's go." nakangiti nitong sabi.

Naglakad lang sila papuntang labasan at naghintay ng jeep na masasakyan.

Nagpunta sila ng mall na medyo malapit sa bahay nila at dumiretso sa game zone. Sa simula ay hindi sila masyadong nagsasaya dahil unang beses nilang makapunta sa lugar na yon. Pero kalaunan ay naging kampante na rin silang dalawa sa isat-isa. Naglaro sila ng basketball at electronic dance. Halos makalimutan na ni Carmie ang kanyang lungkot dahil sa gabing iyon.

                                   "Thank you". sabi ni Carmie ng makauwi na sila sa apartment.

                                    "Ayos lang yon. Ahm Carmie...."

                                    "Hmmm...?"

                                     "Pwede bang magtanong?"

                                      "Ano yon?"

                                      "Anong relasyon meron kayo  ni Michael?"

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita ulit.

                                      "Hmmm... mahirap ipaliwanag eh. Childhood friends kami hanggang niligawan niya ako for 1 year. Kasisimula lang namin ng Grade 8 noong maging kami pero dalawang buwan lang ding naging kami dahil bigla na lang siyang nawala na parang bula. Makalipas ng tatlong taon nagkita ulit kami kanina at parang wala lang sa kanya ang nangyari. Hindi ko alam kung pano ko pa siya pakikisamahan ngayon." sabi niya.

Matamang tumitig lang sa kanya si Andrew.

                                      "Magpapahinga na ako Andrew  magpahinga ka na rin may pasok pa tayo bukas". 

"You're  still the one"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon