"Pero ma hindi po magandang pakinggan kung magsasama po ulit kami ni Andrew sa iisang bahay lalo na kung may makaalam na engage na kaming dalawa. Baka kung ano po ang masabi nila tungkol sa aming dalawa."
"Wala naman sigurong masama kung magsama ulit kayo sa iisang bahay diba. Saka alam kung maasahan namin kayo ni Andrew. Alam naming hinding- hindi kayo gagawa ng mga bagay na makakasira sa kinabukasan niyong dalawa. Ganon kalaki ang tiwala nami ng mga magulang niyo sa inyong dalawa ni Andrew. Saka pwede mo namang ilihim muna ang mga nalalaman mo sa ngayon eh."
Nahulog siya sa malalim na pag- iisip dahil sa sinabi ng kanyang ina. Naalala niya ang mga nangyari noong hindi pa niya alam ang totoo. Kinapa niya ang kanyang dibdib at tumingin sa kanyang ina.
"Ma... "
"Hmm?"...
"Pano po ba malalaman kung in love na ang mga tulad namin ni Andrew?"
Napangiti ang nanay niya sa kanya.
"Alam mo kasi anak hindi naman maiiwasan ang mga bagay na yon lalo na sa mga tulad niyo ni Andrew. Alam naming balang kapag magkakatagpo kayong dalawa ay magugustuhan niyo rin ang isa't -isa."
"Pano niyo po alam na may gusto nga kami ni Andrew sa isa't- isa?"
"Noong una alam naming imposible yon dahil nagmula kayo sa iba't ibang estado ng buhay. Pero dahil may pagkaka pareho kayo ni Andrew ng ugali ay malayong magkakasundo kayong dalawa. Base sa mga titig at mga kilos ni Andrew na inilalaan sayo alam naming gusto ka na nga niya."
"Ganun po ba yon ma?"
"Pag isipan mo yong mga sinabi ko sayo at bilisan mong mag desisyon dahil pasukan na sa susunod na araw."
"Opo ma salamat po".
Tumango lamang ang kanyang ina. Napangiti siya sa mga nangyayari sino ba kasing ponsyo pilato ang nag desisyon ng mga bagay na yon at ang ganda naman ng kinalabasan. Napapailing iling siya sa isiping naka destined pala talaga silang dalawa ni Andrew. Napukaw na lamang muli ang imahinasyon niya ng tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya ang caller niya napapikit siya at bahagyang napangiti ng mabasa ang caller ID.
"Hello Andrew bakit?"
"Hmm... aalis na ako. Nagkausap na ba kayo ng mga magulang mo?"
"Huh?... ah oo nag kausap na kami tungkol sa pag lipat ko ulit ng university."
Narinig niyang napabuntong hininga ito sa kabilang linya. Napangiti siya kung alam lang talaga nito ang mga nangyayari ano kaya ang magiging reaksyon nito.
"Di bale hahanap ako ng paraan para mapuntahan ka ulit."
"Sige. Mag iingat ka sa flight mo."
"Okay. Ingat ka rin lagi. Tatawag ako lagi para kamustahin ka."
"Sige".
"Papa andar na ang eroplano ibaba ko na ang phone."
"mmm.."
Napangiti ulit siya bago lumabas ng kuwarto at hanapin ang kanyang mga magulang. Kainlangan niyang mag desisyon agad dahil mag sisimula na ulit ang pasukan.
Papababa na si Carmie sa eroplano ng tumatawag si Andrew sa kanya.
"Nasan ka kanina pa ako tumatawag un available ang phone mo. May pinuntahan ka ba?"
"Andito ako sa NAIA."
"Ano?"
"Hehehe... andito na nga ako sa NAIA. Gusto sana kitang i- surprise kaso nga lang ang kulit mo ang dami mong tanong."
"Huwag mo nga akong binibiro."
"Totoo nga. Andito na nga ako. Kalalapag lang eroplano kaya kabubukas ko lang ulit ng phone."
"Andyan na ako hintayin mo ko diyan. Huwag kang aalis diyan."
"Okay".
Nakangiting ibinaba ni Carmie ang kanyang phone at matamang naghintay ng pag sundo ni Andrew.
Makalipas ang halos 15 minutes ay may humintong taxi sa harapan niya. Lumabas mula doon si Andrew at lumapit sa kanya. Niyakap siya nito ng mahigpit.
"Na miss kita sobra. Bakit hindi mo sinabi saking pinayagan ka palang bumalik dito."
"Surprise nga diba?" nakangiting tugon niya sa binata.
"Akala ko talaga hindi ka na nila pababalikin dito sa..."
"Sir sasakay po ba kayo ulit o hindi na?" sigaw ng tsuper.
Napangiti si Carmie sabay bitaw sa yakap ni Andrew.
"Let's go".
"Mmm..." tumango siya bilang tugon rito.
Pumasok na sila sa taxi at pinaandar naman agad ito ng tsuper. Pasulyap sulyap ito sa kanilang dalawa habang nagma maneho. Naisip ni Andrew na parang may gustong itanong ang mama sa kanila subalit baka siguro nahihiya itong mag tanong sa kanilang dalawa. Nag pasya na lamang silang hindi mag usap sa loob ng sasakyan.
"Salamat po sir/ma'am."
"Walang anuman po manong". saad ni Andrew ng makababa sila ng taxi sa tapat ng kanilang bagong condo.
Sabi kasi ni Andrew pinalipat na siya ng mga magulang niya sa may dalawang kuwarto. Mas malaking sala at kusina. Mas maganda din kesa dati ang lugar kung saan sila mananatili. Napag alaman niyang binili na rin ng mga magulang ni Andrew ang condo na iyon para sa binata. Naisip ni Carmie na malamang iyon na nga ang napag kasunduan ng mga magulang nila. Payag ang mga ito na tumira sila sa iisang bahay subalit kailangan nila ng medyo may privacy sa isa't isa.
"Nakapag report ka na ba ulit sa school?"
"Hindi pa. Balak ko na sanang mag punta ngayon eh. Tas tatawag sayo kapag nasa school na ako. Naisip ko kasi baka na miss mo yong campus kaya gusto kong ipakita sayo sa video."
"Ganunba?"
"Buti naman at pinayagan ka na nilang bumalik dito sa Manila".
"Oo nga eh. Buti na lang at nag bago pa ang pasya ng mga magulang ko".
Kailnang na muna niyang ilihim kay Andrew ang lahat gaya ng mga napag kasunduan nila ng mga magulang niya.
Pinag tulungan nilang dalawa ni Andrew ang pag aayos ng mga gamit niya sa kuwarto na sinabi nitong para sa kanya.
"Kamusta naman ang pamilya mo Carmie?"
"Ayos lang sila saka dalasan mo raw ang pagtawag sa amin syempre anak ka ng kaibigan ng mga magulang ko kaya gusto rin nilang malaman ang takbo ng buhay mo." gaya ng napag kasunduan nila ng mga magulang niya hindi niya pwedeng amini kay Andrew agad ang napag usapan nila. Kaya limitado na ang mga sasabihin niya kay Andrew mag mula ngayon. Ipinagbilin din ng mga ito na kung maaari ay umiwas muna siya na mapalapit ng husto sa binata.
Nang gabing iyon din nagyayang manood ng sine si Andrew. Gaya pa rin naman ng dati ang mga ipinapakita nito sa kanya. Mas naging sweet at caring pa nito dahil lagi na itong naka alalay sa kanya sa lahat ng pagkakataon. Hindi ito pumapayag na mahiwalay sa kanya kahit saglit.
BINABASA MO ANG
"You're still the one"
RomancePagkatapos ng maraming taong paghihintay ay matatapos na rin ang kurso ni Carmie at makakauwi na rin siya ng Pilipinas. 5 taon din siyang nanirahan sa America at nag aral. 5 taon din ang matuling lumipas miss na miss na niya ang kanyang buong pam...