Sa panghuling araw ng paghahanda nilang lahat para sa darating nilang sports fest ay nakuha pa nilang lumabas ni Andrew para mamili ng mga babaunin nila sa kanilang event.
"Piliin mo yong mga gusto mong kainin pero wag yong mga chips lang huh." utos nito at kumuha na ng tray na paglalagyan ng mga napili nila.
Balewala lang sa kanya ang sinasabi ni Andrew dahil nakapukos lang siya sa pagpili ng mga pagkain. Naglibot- libot sila sa buong department store.
"Ang dami naman ng mga napamili natin".
"Tatlong araw tayong magkakaroon ng event sa school kaya kailangan natin ang mga yan".
"Hmmm sabagay tama ka."
"Kaya sa halip na magreklamo ka dyan mas maganda kung tatahimik ka na lang at kumuha pa ng pagkain natin."
"Sige na nga". zi nipped niya ang kanyang bibig.
Natawa tuloy si Andrew sa ginawa niya natawa na rin siya.
"Salamat nga pala dahil hindi mo 'ko pinahirapan ngayong linggo kahit na pareho tayong busy sa school."
"Pahirap ba talaga ako sayo?" nakakunot ang noo nito ng magtanong.
"Hindi... ang ibig kong sabihin eh pinagaan mo yong mga gawain ko at tinutulungan mo pa ako."
"Wala yon".
Natahimik na lamang sila habang binabaybay ang daan pauwi. Lumilipad na naman ang kanyang imahinasyon. Iniisip niya na supper sweet nila ni Andrew habang pauwi sa kanilang apartment. Magkahawak ang kanilang mga kamay habang nagtatawanan.
Hanggang sa matisod siya sa maliit na bato at kamuntikan ng madapa. Mabuti na lang at mabilis naman siyang nasalo ni Andrew kaya hindi siya natumba. Natulala siya at agad na umayos ng tayo.
"Ano na naman ba yang iniisip mo? Nag e elusyon ka na naman diyan kahit nasa daan. Pano kung wala kang kasama eh di nadapa ka?"
"Huwag kang mag alala never pa naman akong nadapa sa kalsada eh". natatawang sabi niya.
"Kaya kinakailangan mong mag ingat baka madapa ka".
Natawa siya sa mga pinagsasabi nito. Hindi kaya concern lang naman siya kaya niya nasabi ang mga 'yon? Wala sa loob na nilingon niya si Andrew at napangiti. Ang cute naman kasi nito sino ba kasing babae ang hindi lilipad ang isip kapag ito ang kasama. Sa school maraming beses na may nakita siyang mga babaeng kinikilig kapag dumudaan ito sa gawi nila. Napapangiti ang iilan kapag nakikita itong tumatawa siya. Lalo na kapag nakikita nila itong tumutugtog ng gitara o organ sobrang dami ng na fo fall na babae rito. At babae din naman siya at hindi naman siya bato para hindi makaramdan ng kung ano para rito.
"Nasa bus number 1 ang mga athlete. Carmie sa bus number 1 ka kulang pa sila ng dalawa." sabi ng kanilang principal.
"Yes sir".
Sumunod sa kanya si Andrew kaya ito ang kumumpleto sa buss na iyon. Kumaway sa kanya si Micheael ng makita siya nito. Nag- iisa lang kasi ito sa kanyang upuan. Pero nilagpasan niya ito at pumuwesto sa dulo kahit na may mga bagahing nakalagay doon. Inayos na lang niya konti ang mga gamit para makaupo siya.
BINABASA MO ANG
"You're still the one"
RomancePagkatapos ng maraming taong paghihintay ay matatapos na rin ang kurso ni Carmie at makakauwi na rin siya ng Pilipinas. 5 taon din siyang nanirahan sa America at nag aral. 5 taon din ang matuling lumipas miss na miss na niya ang kanyang buong pam...