"Ano ba yang dala mo Andrew?" tanong niya rito ng makabalik ito sa clasroom nila galing sa library.
Pinaghintay kasi siya nito doon dahil may pupuntahan daw ito sa library.
"Literature books to para sayo".
"Ano? ...pero diba malayo pa naman bago ko magamit ang mga yan?"
"Kailangan mong basahin ang mga fundamentals para magkaroon ka ng idea kung gusto mo nga talagang maging novelist."
"Hmm... saka ko na siguro gawin yon kapag nasa college na ako no".
"Pag-aralan mo mula ngayon ang mga subjects na sa tingin mo'y mahina ka. Tapos kapag may free time ay basahin mo ang mga yan. Hindi kung anu-ano ang pinagagawa mo. Sinasayang mo ang oras mo sa mga walang kwentang bagay. Mauna ka na ring umuwi ako nang bahala kay Michael bukas na kayo mag-usap."
"Pero?...."
"Nasa bahay ang nanay mo kung mahuhuli kang uwi siguradong magtataka yon at baka pagdudahan ka pa kung saan-saan ka nagpupunta at kung anu-ano ang mga pigagawa mo sa achool. Kaya ako na muna ang bahala kay Michael. Ikaw na ang bahalang magdahilan sa mama mo".
"Pero Andrew teka lang"...
"Ano naman ba yon Carmie? nangunot na ang noo nito kaya halatang naiinis na sa kakulitan niya.
"Ah wala... Mag-iingat ka uwi ka ng maaga." nasabi na lang niya kahit na gustong-gusto niyang sumama rito pero baka magalit naman ito.
"Mmm... tumango lamang ito bilang tugon sa kanya. Mag-iingat ka rin sa pag-uwi. Pipilitin kung makauwi ng maaga kapag nakita ko agad si Michael".
"Sige. Bye bye".
"Bye".
Pinagmasdan niyang makalayo si Andrew. Bitbit ang gamit nito at ng sa kanya ay binaybay niya ang daan pauwi sa apartment.
"Andrew... Carmie..."
"Michael bakit nandito ka?" nagtatakang tanong ni Carmie.
"Gusto ko sanang makipaglaro kay Andrew eh. Nasan nga pala si Andrew bakit hindi mo siya kasama?" takang tanong nito ng mapansing hindi niya kasama si Andrew.
"Anak ikaw pala haleka pasok ka".
"Ma heto ipasok niyo muna po ito. Hahanapin ko lang po muna si Andrew."
"Huh? ...bakit ano ba ang nangyari? Nasan si Andrew?"
"May isang tao po kasi dito na sobrang napaka makasarili at ni hindi niya iniisip ang kapakanan ng mga taong nakapaligid sa kanya. Pero heto't masaya pa siyang ginagawa ang mga gusto niya. Ni hindi niya iniisip ang iba. Makasarili ka pa rin Michael at yon ang hindi ko nagustuhan sayo. Pumasok ka sa school at mag-aral ka ng mabuti Michael dahil hindi ka ganoon ka importanteng tao para pag alalahanin ang mga taong nakapaligid sayo." sabi niya at mabilis na umalis.
Hindi maikubli ni Michael ang hiyang nararamdaman niya. Kaya agad siyang nagpaalam kay Helen na uuwi na lang. Pero hindi na muna siya umuwi. Tahimik siyang sumunod kay Carmie.
BINABASA MO ANG
"You're still the one"
RomancePagkatapos ng maraming taong paghihintay ay matatapos na rin ang kurso ni Carmie at makakauwi na rin siya ng Pilipinas. 5 taon din siyang nanirahan sa America at nag aral. 5 taon din ang matuling lumipas miss na miss na niya ang kanyang buong pam...