Part 23

10 0 0
                                    

Nag enjoy ang lahat sa maghapong swimming na iyon. Naiwaksi nina Andrew ant Carmie ang parehong pangamba sa mga nangyari. Masayang- masaya sila kasama ng kanilang mga kaibigan. 

"Alam mo naisip ko lang na sana hindi na lang tayo uuwi pa sa mga magulang natin at magsaya na lang tayo dito hanggang sa magsawa na tayo at mapagod." biglang nasabi ni Michael ng magpasya silang umahon at humiga sa buhangin na magkakatabi. 

"Lahat tayo may mga alintuntunin na dapat nating sundin bilang mga kabataan. Hindi natin pwedeng piliin na lang mga panandaliang kasiyahan kapalit ng ating magandang kinabukasan. Alam kong bawat isa sa ati ay may kanya kanyang hangarin. Gawin natin ang sa tingin natin ay makakabuti para sa ating lahat." wika ni Andrew.

"Alam kong iyon din ang iniisip ng mga magulang natin ang ating magandang kinabukasan. Kaya kahit na medyo masakit na para sa atin isipin na lang natin na ginagawa nila iyon para sa ikabubuti ng buhay natin sa pagdating ng araw." lahat parang pinkiramdam ang mga sinabi nilang dalawa at walang sinumang nagsalita.

"Kahit anong mangyari gusto ko sana sa pagdating ng araw ganito pa rin tayo. Masaya walang inaalala at malayang nagagawa na mga ninanais nating lahat." muling sabi ni Andrew.

"Magsasama pa rin kaya tayo sa pagdating ng panahon?" malungkot na tugon ni Carmie.

"Gagawin ko ang lahat para makabalik sa lugar na ito kapag natupad ko na ang mga bagay na gusto ko at kapag kaya ko ng panglagaan ang mga taong mahal ko. Sana hintayin nila ang pagkakataong iyon." tumulo ang luha ni Andrew ng masabi ang bagay na iyon. Mahal na nga niya si Carmie pero dahil mga bata pa sila kailangan nilang maghintay ng tamang panahon upang maisakatuparan ang mga bagay na gusto nila. 

Naluha din si Carmie sa narinig. Isinumpa niya sa mga bituin na tinitingala nila ng mga oras na iyon na hihintayin ang tamang panahong iyon na muli silang pagtagpuin ni Andrew at masunod ang tibok ng kanilang mga puso.

Nagpaalam na na babalik na ng Manila sina Andrew at Michael kinabukasan. Malungkot man ay tinanggap nila ang katutuhanan na hindi na nga sila magkikita pang muling dalawa. Subalit malaki ang pinanghahawakang pag asa na sa pagdating ng tamang panahon ay magtatagpo silang muli at iibig sa isat'-isa. Mahigpit siyang niyakap ni Andrew bago ito pumasok ng airport. 

"Tutuparin ko ang pangako ko Carmie kahit na anong mangyari. Hintayin mo ako dito okay."

Tumango tango habang lumuluha si Carmie sa sinabi ni Andrew.

"Kaya mo yan friend alam ko namang matatag ka eh."

"Alam ko saka bata pa ako marami pang pwedeng mangyari."

"Pano magpa -enrol na tayo ulit sa University."

"Sige".

Pagkauwi ni Carmie ay inihanda na niya ang sarili sa mga disisyon ng mga magulang niya. Nakahanda na rin ang mga papers niya sa paglipat niya ng University. 

"Nag -enjoy ba kayo sa swimming?" tanong ng nanay niya ng makauwi siya kinabukasan.

"Opo nay. Saka kasama po namin sina Andrew at Michael."

"Talaga?... nagpunta pala siya dito ulit? Nasan na siya ngayon bakit hindi man lang siya ngpakita dito sa atin?"

"Bumalik na po sila ni Mchael kagabi ng Manila nay."

"Talaga? Ang bilis naman yata."

"May pasok pa po kasi sila kaya kailangan po niyang mag refresh ng mga lessons."

"Para may kasama ka sanang bumalik ng Manila."

"Po?.. ano pong ibig niyong sabihin ma?"

"Nag -usap na kami ng tatay mo kagabi pumayag na siya na bumalik ka ng Manila at doon ipag patuloy ang pag- aaral mo sa isang kondisyon."

"Ano po yon ma?"

Tiningnan siya ng seryoso ng kanyang ina.

"Sigurado ka bang gusto mo nang malaman?"

"Po?... ano po yon ma?"

"Tinatanggap na niya ang alok ng mga magulang ni Andrew".

"Po? Anong alok po yon ma?"

"Ang ipakasal kayong dalawa."

"Po?.. pero ma mga bata pa po kami. Bakit umabot pa po kayo sa mga bagay na ganon pwede naman po akong manatili na lang dito sa probinsya eh."

"Ganunba talaga ang gusto mo?"

"Ma.. mga bata pa po kami...

"Hindi yon ang gusto kong malaman."

"Ano po yon ma?"

"Naaalala mo pa ba yong batang nasa picture mo noong walong taong gulang ka pa lang? Itinanong mo sakin dati kong sino ang batang yon hindi ba. Ito na marahil ang tamang panahon para malaman mo ang tungkol sa mga bagay na yon anak."

Katatapos lang nya ng Elementary noon ng makita niya ang litratong iyon. Kuha iyon bago mamatay ang kanyang lolo na isang heneral. Nakasuot siya ng puting kasuotan at may nakalagay na bulaklak sa palibot ng kanyang noo. Ang ganda niya sa litratong iyon. Nagmukha siyang isang diwata sa kanyang ayos. Katabi niya ang patpating bata na nakasuot ng puting tuxedo. Subalit hindi maiaalis na ang kaguwapuhan nito ay hindi mo maikukumpara sa iba. Magkahawak ang mga kamay nila kaya nagtataka siya dahil doon. Hindi naman ito kapatid niya hindi din pinsan at hindi din naman niya ito kamag anak. Sabi ng nanay niya matalik na magkaibigan ang mga angkan nila subalit hindi niya maalala na naging magkaibigan din sila ng batang iyon. Lagi niya itong itinatanong sa pamilya niya subalit laging sagot ng mga ito ay malalaman din niya pagdating ng panahon.

"Ito na ang panahong iyon Carmie. Ang panahon para malaman mo kung sino ang batang nasa litrato."

"Sino po ba talaga siya ma?"

"Siya ang lalaking nakatakda mong pakasalan."

"Po?"

"Itinakda ka ng mga kanuno nunoan natin para kay Andrew." napatakim bibig si Carmie sa narinig.

Hindi siya halos makapaniwalang ang lalaking laman ng kanyang puso't isipan ay kanyang palang mapapangasawa.

"Pano po nangyari yon ma?"

"Nakasaad sa ating family will of testament na nilagdaan noon ng iyong lolo na ipapakasal ang ikatlong henerasyon sa pamilya ni Andrew at ikaw nga yon Carmie."








"You're  still the one"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon