Dumiretso sila sa trinoma at doon nagpasyang manood ng sine. Pinili nila dahil sa suggestion ni Andrew ang "The imitation game" na patungkol sa isang scientist. Sobrang nalukot ang mukha niya dahil akala niya isang love story ang panonoorin nila. Gusto pa sana niyang pumili ng isa pang palabas pero pinigil na siya ng kanyang ina dahil mag sha shopping pa raw silang tatlo at kakain sa labas pagkatapos ng isang movie.
Pero sulit naman ang entrance niya dahil hawak ni Andrew ang kamay niya at inalalayan pa siya nito hanggang sa makaupo sa kanyang puwesto. Pinagtabi pa sila sa upuan ng nanany niya. Yon nga lang sobrang sumakit naman ang ulo niya sa palabas na hindi naman niya maintindihan. Pati ang mama niya ay nakatulog lang din sa loob ng sinehan hanggang matapos ang palabas.
"Kumain na muna tayo sa labas bago mag shopping. Sobrang naubusan ako ng energy sa loob eh".
"Nakatulog ka lang kaya."
"Ayan ka naman nagsisimula ka namang makipag argue".
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah". natatawang sabi niya.
"Tara na nga". hinila na siya ng nanay niya.
Dinala sila ng nanay niya sa kamayan natuwa na sana siya yon nga lang naubusan na pala ng cash ang mama niya kaya napa abono pa tuloy si Andrew.
"Pasaway talaga tong si mama kahit kelan. Pano kung wala kang dalang cash eh di nakapaghugas tayo ng pinggan ngayon."
"Ayos lang yon Carmie huwag mo ng isipin yon".
"Nahihiya na nga ako sayo eh. Kaya naisip kong maghanap na lang ako ng part time job eh".
"Hindi mo naman kailangang gawin yon eh. Saka papayagan ka naman kaya ng mama mo kung gagawin mo yon?"
"Hindi niya malalaman kung hindi mo sasabihin ok".
"Kailangan nating mag-aral ng mabuti dahil matatapos na tayo sa senior high at kailangan pa nating paghandaan ang entrance exam natin sa college."
"Natin?" pagtatakang tanong niya sa sinabi nito.
"Ibig kong sabihin ikaw.... kaya huwag kang masyadong nag-iisip ng kung anu-ano". sabi nto.
Buti na lang bumalik na ulit ang kanyang ina galing sa CR.
"Pano mag-shopping na tayo."
"Pero ma diba wala ka ng cash?"
"Pwede naman sa credit card eh".
"Haizzt si mama talaga".
Bago pa siya ulit makipag argue ay hinila na siya ng kanyang ina sa department store. Madami itong pinamili pero sapatos lang ang ipinasukat nito sa kanya. Pati kay Andrew ay ganun din.
"Kukunin ko to pero wala ba kayong same color?"
"Couple shoes po ba ang gusto niyo ma'am?"
"Ah oo yon na nga."
"Ahhh saglit lang po ma'am kukuha lang po ako."
Nakita ni Helen na tumitingin sa mga teddy bear sina Andrew at Carmie kaya malaya siyang nagagawa ang gusto niya.
"Heto na po yong pinaka latest na couple shoes namin ma'am."
BINABASA MO ANG
"You're still the one"
RomancePagkatapos ng maraming taong paghihintay ay matatapos na rin ang kurso ni Carmie at makakauwi na rin siya ng Pilipinas. 5 taon din siyang nanirahan sa America at nag aral. 5 taon din ang matuling lumipas miss na miss na niya ang kanyang buong pam...