Sa school ground niya nakita si Andrew. Lumapit din naman ito kaagad sa kanya ng makita siya nito.
"Uwi na tayo".pagyayaya nito sa kanya.
"Sige". nakangiting tugon niya dito.
Magkasabay na lumabas sila ng campus.
"Hindi ko lubos maisip na isa ka palang atleta. Ilang taon ka na bang atleta?"
"Nasa elementarya pa lang ako nang nagsimulang maglaro ng taekwondo. 10 years old ako noong makuha ko yong black belt at nasa 4'th grade na ako ngayon."
"Hmm... ano ba yong pinakamataas na rank sa taekwondo?"
"9'th degree or 9'th dan black belt. Mdalas na tawagin silang grand master sa larangan at award ng mga nabubuhay bilang athlete."
"Ibig sabihin hanggang kamatayan ang pagiging grand master?"
"Oo. Yon yong time na madalas ang iba sa kanila at nagtuturo sa mga gym o sa Campus"
"I see,.. Balita ko nag a archery ka rin."
"2 years pa lng ako sa larangang iyon. Marami pa akong kakaining bigas para makuha ang rank na gusto ko."
Sobrang natutuwa ni Andrew sa mga achievements ni Carmie. Hindi niya akalain na ganun pala ito ka cool. Sobarang simple nitong tingnan at napaka humble pa.
"Andito na tayo".
Tumango lang si Andrew at pumasok na silang dalawa sa loob.
Sa school usap usapan pa rin ang nangyaring event. Ipinagtataka ng lahat ang unang pagdalo ni Andrew sa event nila sa school.
"Ang swerte naman niya nakasayaw niya yong dalawang pinaka kilala dito sa school natin." sabi ng isa nilang kaklase.
"Hindi kaya nag fi feeling lang siya?" tugon ng isa pa.
"Pero balita ko magaling siyang athlete ah".
"Saka yong suot niya sobrang bumagay sa kanya."
"Parang gusto ko na tuloy siya."
Maya- maya ay dumating naman sina Rhean at Kesha. Tinitingnan siya ng mga ito ng masama. Inirapan pa siya bago umupo ni Rhean.
"Ayan na ang felengera". sabi ni Kesha.
"Hindi naman siya kagandahan pero kung makadikit sa lalaki parang diyosa ang tingin sa sarili."
"Yaks naman ano kaya siya sa lugar nila."
Tahimik lang si Carmie na nakaupo sa kanyang upuan bago dumating si Andrew.
"Good morning Andrew." bati nina Rhean at Kesha.
''Good morning". ganting bati nito sa dalawa.
Ngumiti ito sa kanya ng makatapat sa kanya.
BINABASA MO ANG
"You're still the one"
RomancePagkatapos ng maraming taong paghihintay ay matatapos na rin ang kurso ni Carmie at makakauwi na rin siya ng Pilipinas. 5 taon din siyang nanirahan sa America at nag aral. 5 taon din ang matuling lumipas miss na miss na niya ang kanyang buong pam...