Part 18

7 0 0
                                    

Maagang gumising si Carmie ng umagang iyon pagkatapos na ayusan ang sarili ay lumabas na siya ng kuwarton para gawin ang kanyang trabaho. Pero nagulat pa siya ng makita ang pawisang si Andrew na may dalang timba papunta sa kanilang balon. Ngumiti pa ito sa kanya bago nagpatuloy sa paglalakad. Nakita niya ang tatay niya na nagkakape at nagpupunas ng basang buhok.

                      "Pa bakit niyo siya hinayaang mag igib?" tanong sabay turo kay Andrew na wika ni Carmie.

                       "Hindi naman namin siya pinipilit eh. Siya ang nagkusang mag  igib ng tubig."

                        "Good morning ate". bati ng kambal niyang kapatid.

                        "Kalalabas lang din ng mga ito sa banyo.

                         "Gusto mo rin bang maligo Carmie? Leka na sabay na tayo." tawag nakangiti niyang ina.

Eksakto namang kakarating lang ni Andrew dala ang isang baldeng tubig.

                          "Maliligo ka rin ba Carmie?" tanong nito kahit na bigat na bigat na ito sa dala nito.

                          "Hindi pa ...nakalimutan ko kasing magdala ng mga samit eh".

                           "Ako ng bahala diba ako naman ang nagligpit ng mga damit natin sa maleta?"

Kinilig sa narinig ang kanyang ina. Samantalang napapailing na lang ang kanyang ama.

                           "Leka na Carmie si Andrew na raw  ang bahala sa tuwalya at mga damit mo". nakangiting saad ni Helen.

Sumunod na lamang siya sa kanyang ina bago pa man ito mangulit. Si Andrew naman ay umakyat na sa bahay nila para kumuha ng mga gamit ni Carmie. Nang makabalik ito ay iniwan na lamang nito ang mga iyon sa dingding ng CR saka muling nag igib ng tubig para kay Carmie.

                            "Pano yan namamanhikan na ata si Andrew sayo." biro ng kanyang ina.

                            "Kayo talaga bakit niyo pinahihirapan yong tao. Hindi sanay  sa mabibigat na gawain yon baka magkasakit pa yong tao."

                            "Siya lang naman  ang may gusto non eh. Pagkagising namin kanina sabi niya siya na raw ang bahaang mag igib ng tubig. Hmmm.... saka ikaw huh sobrang mahal mo ba para mag-alala ka ng ganyan sa taong yon?"

                             "Hmm.. hindi ah. Magkaibigan lang po kami. Ilang bases na ba niyang ipaliwanag sa inyo yon".

                              "Sa pagkaka alala ko hindi yata magkaibigan lang ang sinabi ni Andrew sa amin eh. Dahil sabi niya mahal ka na niya matagal na pero hindi pa tamang panahon kaya't ayaw na muna niyang madaliin ang lahat para sa inyong dalawa."

                              "Naguguluhan po ako ma eh".

                              "Alam ko na yata kung bakit. Pero mas maganda na rin ang nangyari dahil mas nakikita mo na ngayon kung ano talaga  ang tunay niyang hangarin para sayo."

Natahimik na lamang silang dalawa ng mag paalam na ang kaniyang ama na pupunta na sa palayan para magtrabaho. Nagmamadali silang maligo para makapaghanda ng kanilang agahan at madalhan ng agahan ang kanyang ama sa palayan.

                           "Saan ka pupunta?" tanong ni Andrew ng makita ulit siya nito sa baba.

                          "Dadalhan ko si papa ng pagkain niya".

                          "Pwede bang ako na lang ang magdala niyan sa kanya?"

                          "Ayos lang ba talaga huh Andrew? Kanina ka pa kasi nagtatrabaho eh baka napapagod ka na".

                          "Hindi naman Carmie gusto ko lang kasing maipakita kung ano talaga ang gusto ko. Sige na ako na ang bahala diyan para makapag- usap naman kami ng salirinan ng tatay mo".

                         "Sige mag iingat ka na lang doon huh. Susunod na lang ako mamayang tanghali. Pupuntahan ko muna ang mga kaibigan ko sa kanila para mapag usapan ang tungkol doon sa gagawin namin karoling for needy".

                        "Ok. Uwi ka kaagad huh."

                        "Oo naman."

Ibinigay na lamang ni Carmie ang baon na para sa papa niya at pinanuod muna na makalayo ang binata bago bumalik sa bahay at mag paalam sa kanyang ina na pupunta sa mga kaibigan niya. Napangiti siya ng maalala ang sinabi nito kanina. Masarap sa pakiramdam ang narinig niya mula rito. Nang makapag paalam sa kanyang ina ay tumuloy na siya sa kanyang mga kaibigan.

Sa kabilang dako nakarating na rin si Andrew sa palayan kung saan nagtatrabaho ang ama ni Carmie. Nakita niyang nagpupunas ito ng pawis. Napag alaman niyang magkaibigan na pala ang mga magulang simula pagkabata hanggang sa makilala nito ang kani kanilang napangasawa. Magkaparehas na anak ng mga magsasaka ang mga ama nina Carmie at  Andrew subalit nagkahiwalay ang mga landas nila ng sumakabilang buhay ang mga magulang na tatay ni Carmie. Parehong nakatanggap ng mga Scholarship ang apat subalit ayaw sumama ni Anton sa Manila dahil kamamatay lang ng mga magulang nito. Dahil nagmamahalan na noon sina Anton at Helen ay nakapagpasya ang mga ito na magpakasal na lang at bumuo ng pamilya. Habang ang kanyang mga magulang na nooy magkasintahan na rin ay lumuwas ng Manila at nag aral. Maswerteng nakakuha ng masteral degree sa ibang bansa at doon na rin nanirahan. Doon na siya ipinanganak sa Amerika subalit dahil sa kagustuhan niyang makabalik sa Pilipinas ay pinauwi siya ng mga magulang niya at sa Pilipinas na nag aral ng high school.

Bakit sa kanyang kaalaman ang tungkol sa pamiya nina Carmie nais ng mga ito na ampunin ang dalaga at patirahin at pag aralin sa Amerika. Subalit ng makita niya ito sa unang pagkakataon ay pinakiusapan niya ang mga magulang niya na sa Maynila na lamang pag aralin si Carmie.

At dahil na rin malamang sa kagustuhan ng mga magulang niya na magkita at magkasama sila sa personal ay agad naman sumang ayon ang mga ito. Saka lang din natunghayan ni Andrew kung gano kamahal ng mga magulang si Carmie ang isa't isa. Pati ang mga anak nito ay pantay pantay kung tratuhin ng kanilang mga magulang. Hindi tulad ng mga magulang niya na kahit mag isa siya ay hindi naman napunuan ng pagmamahal ng mga magulang niya ang puso niya. Masaya siya dahil napunta siya sa probinsya nina Carmie at makilala ng lubos ang buong pamilya nito.

                           "Aheem.." nagulat pa si Andrew ng makarinig ng boses.

 Nakalapit na pala Anton at hindi man lang niya ito  napansin. Ngayon ay nasa harapan na niya ito nakapa maywang at mataman siyang pinagmamasdan.  

                           "Ahhh tito he.. heto po ang pagkain niyo."

                          "Bakit ikaw ang nagdala niyan nasan na ba ang batang yon?"

                          "Ah... ako po ang nag presentang magdala niyan tito kay huwag po sana kayong magalit kay Carmie."

                         "Ikaw ang nag presrnta?..."

                         "Opo"...

Tumango tango lamang ang tatay niya at naupo na sa may damuhan at binuksan ang baong gala ni Andrew para sa kanya. 



"You're  still the one"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon