Nagising si Carmie sa tunog ng kanyang alarm clock pero sa halip na alas 3 ay 4:30 na siyang nagising.
"Naku late na pala ako". nagmadadali siyang bumangon at nagligpit ng higaan.
Kinatok niya si Andrew sa kuwarto nito.
"Andrew gising na mala late na tayo". sabi niya bago nagtungo sa kusina.
Napahinto siya ng makita ang mga nakahandang pagkain sa dining table. Kinuha niya ang maliit na note na nasa ilalim ng baso at binasa ang nakasulat doon.
"Good morning!...breakfast muna bago pumasok sa school ...Andrew". Hmmm?.. ginawa niya to? Anong nakain non?" takang tanong niya sa sarili at sumubo ng kaunting egg omelet at uminom ng gatas bago pumasok ng banyo at naligo.
Mabilis siyang nag shower at nagmamadaling nag- ayos ng sarili. Minadali din niya ang kanyang breakfast at nagtatatakbong pumasok sa eskuwela kahit na may laman pa ang bibig niya. Naabutan pa niyang nasa school ground pa ang lahat para sa kanilang flag raising ceremony.
"Good morning students". bati ng kanilang head teacher matapos ang kanilang flag raising ceremony.
"Good morning Mr. Principal". ganting bati naman ng lahat.
"We would like to call all our athletes who join and earn their medals and trophies in the sports feast held at Quezon City Circle joined by most of our senior high school students. First we have our 1'st time MVP Michael and his team they won the championship. Second we have our very own SSG vice president Andrew dela Cerna who won the over all champion in quiz bee. And our new athlete who win her first championship league in Luzon. Let us all welcome our new athlete and our national qualifier Miss Carmiella Bello. We are all very proud of you. Let us all give them a round of applause". wika ng masayang masaya nilang principal.
Naghawak kamay sila at sabay-sabay na yumuko sa harap ng kanilang mga kaklase at mga kamag- aral. Natuon ang paningin ni Carmie sa kamay niyang hawak ni Andrew. Kakaiba ang hatid sa kanya ng pagkakataong iyon. Kinikilig na pinakikiramdaman niya si Andrew. Natulala pa tuloy siya kaya hindi na niya narinig ang sinabi ng ni Andrew sa kanya.
"Carmie tara na baba na". ulit nito sa kanya.
"Huh?"... natatarantang sabi niya.
Pinagtawanan tuloy siya ng mga estudyanteng nakakita sa kaniya sa eksenang iyon.
Napatingin siya sa kamay niyang hawak pa rin nito habang pababa ng hagdanan ng stage. Hila-hila siya nito hanggang makababa. Nakaramdam siya ng panghihinayang ng bitawan nito ang kamay niya ng tuluyang makababa. Pero ang akala niyang iiwan na siya nito ay inilahad pa siya nito para makasabay ritong bumalik sa kanilang linya. Sobrang sumama naman ang mukha nina Rhean at Micahel sa nakikita.Pero may kinikilig din naman sa kanila malamang yong mga babaeng hindi nagkakagusto kay Andrew dahil mas marami pa rin naman ang animo gusto siyang sakalin. Hindi niya tuloy malaman kung matutuwa o malulungkot sa mga nangyayari. Magkaiba kasi ang idinidikta ng puso at isipan niya sa kanya.
Kaya noong pumasok na siya sa classroom ay malungkot na siya. Hindi na tuloy niya napansin ang hindi pagsunod agad ng mga kaklase niya sa kanya. Pinihit niya ang door knob at bumukas naman iyon kaya pumasok na siya. Bumulaga sa kanya ang isang pulpete at banner na nagsasabing "thank you for giving us another honor Carmie, Congratulations Andrew and Michael. We are so proud of you".
Pumalakpak ang kanilang mga kaklase at lumapit sa tabi niya sina Michael at Andrew.
"Ginawa mo to?" hindi makontentong tanong ni Michael.
BINABASA MO ANG
"You're still the one"
RomancePagkatapos ng maraming taong paghihintay ay matatapos na rin ang kurso ni Carmie at makakauwi na rin siya ng Pilipinas. 5 taon din siyang nanirahan sa America at nag aral. 5 taon din ang matuling lumipas miss na miss na niya ang kanyang buong pam...