CHAPTER 1

4.6K 86 0
                                    

1 MONTH AND 1 WEEK LATER

DEI's POV

Nagising ako sa ingay ng cellphone ko.
Inabot ko ito sa table ko at tiningnan kong bakit nag iingay ito.

Pucha alarm lang pala 7:35 palang naman mamaya pa pasok namin 9.

"Hays test nga pala ngayon nang Midterm"

Antok pa ko. Tumingin ako sa katabi ko buti pato ang himbing pa ng tulog. Hays sana all hahahaha. Gigisingin ko nga hehehe.

Tinapat ko sa tenga niya ang bibig ko at sinigaw ang "MAY SUNOGGG." Natatawa kong sabi.

Kumaripas naman siya ng bangon at nag mulat agad ng mata.

"bwahahahahhahahahahah" tawa ko ng mahulog siya sa higaan.

"Ouch, pucha naman Dei oh, ganda na ng panaginip ko eh." Sabi nito habang nag kukusot ng mata.

"Ano ba panaginip mo? na kayo na ulit ni Steven? Hanggang panaginip ka lang gurl." Tumatawang sabi ko dito.

"Uy hindi. Ano ba yun ang aga pa nang gigising kana" nakasimangot pang sabi nito.

"Ligo na tayo para maaga tayo makapasok." Sabi kay Shey.

"Mauna kana." Sabi nito.

"Mag luto ka muna ,ano di tayo kakain edi wala tayo nasagot sa test ngayon shunge kadin eh noh." Sabi ko dito at tumayo para mag inat inat.

"Oo na ito na ,marunong naman mag luto eh." Sabi nito pero yung dulo ay pahina nang pahina.

"Huy, Narinig ko yun. " Sabi ko dito.

"Tsk." Sabi nito at tumayo na at pumunta na nang kusina.

Ako naman ay bumangon narin at nag handa para maligo. Nag tungo na ko sa cr at nag hilamos muna at sipilyo. Nag hubad na ko lahat ng suot ko at tinimpla muna ang tubig sa shower. Saglit lang yun kaya pumailalim na ko sa shower at nag simulang maligo.

Para di sayang yung oras, dapat kase 8:20 nakaalis na kami dito sa bahay para pumunta sa school na ang byahe ay 30 minuto.

Matagal ako maligo kaya ako parati pinapauna niya, pero minsan ay siya ang nauuna maligo dahil nga matagal ako maligo.

Tapos na ko maligo at nag bihis muna nang mga panloob sa uniform. At lumabas na ko nang kwarto.

"Ay nako Dei na sasanay ka nang ganyan parati ang suot kapag tapos mo maligo kung lumabas dito sa kusina. Pag ikaw ni lamig bata ka bala ka, tignan mo soot mo, naka short at push up bra. Tsk." Sabi nito.

"Bayaan mo na pag tapos ko namang kumain magbibihis na rin ako agad, Nay." Pang aasar ko pa dito hahaha.

"Sige na tara na at kumain na tayo para makaligo na rin ako at makaalis na tayo." Sabi nito

Kaya kumain na kami. Mabilis natapos si Sheyn kaya naligo na sya, ako naman ang nagligpit at nag hugas nang pinag kainan namin.

Pag katapos ko dun ay nag bihis na ko nang uniform na pamasok at nag ayos na. Nakapag bihis na din si Sheyn.

"Ayusin ko na buhok mo." Sabi ni Sheyn.
Tumango lang ako.

Natural nang straight ang buhok namin ni Sheyn, pero madami akong baby hair ,so nilalagyan niya ng spray net ang buhok ko.

Pag katapos niyang ayosin ang buhok ko, umalis na kami ng apartmet.

Sumakay na kami sa jeef para maka punta sa school. 28 minutes naka rating na kami sa school.

Tumingin ako sa orasan ko 8:53 palang naman kaya maaga pa kami.

"Tara na." Sabi ko kay Sheyn. Tumango lang siya at humawak sa braso at nag tungo na kami sa room namin.

-----------------------------------

My Professor Is My Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon