DEI's POV
Nadito na kami sa room at hinihintay nalang ang adviser namin para makapag test na Kami.
"Beh alam mo ba na may bago tayong teacher?" Tanong sakin ni Maica.
"Di pa sayo ko palang nalaman na may bago ng teacher." Sabi ko dito.
"Kung nakita mo lang ang cute at ang gwapo niya beh. Nung kapapasok palang nga niya dito sa school natin ang dami ng nagtilian syempre kasama na ko don hahaha. Tas inakala pa ng iba na student din dito." Mahabang kwento nito sakin.
"Ah ganun ba." Nakangiting sabi ko dito.
Nag hintay lang kami ng ilang minuto pero hindi ko sinayang ang ilang minuto na yun nag review pa ko ng ibang subject na test namin ngayon, habang nag papatugtog ako gamit ang airpods.
"OMGEE teacher natin siya hehehe God ang gwapo niya talaga." Tilian ng iba na narinig ko parin kahit naka airpods ako.
Kaya tinanggal ko na ang airpods ko at tumingin sa pinto. Nagulat ako kung sino yung pinagkakaguluhan nila.
"Janrey." Bulong kong sabi.
"Babe si Janrey yun diba" sabi sakin ni Shey. "Huy tulalang tulala ah ano inlove parin." Naka ngiting sabi sakin ni Shey.
"Tsk." Sabi ko at binalik sa pag rereview ang tingin pero lumilipad ang isip ko sa kanya. Kaya ibinalik ko sa tenga ko ang airpods na suot ko.
"Good morning Class im your new Professor." Sabi nito. Hininaan ko na ang volume ng sound ko.
Napaangat ang tingin ko sa kanya.
Nakatingin din ito sakin. Hindi ko binawi ang tingin ko dito."anung pangalan mo Sir?"
"oo nga sir ano pangalan nyo?"
"ang gwapo nya talaga"
"sir akin ka nalang hehehe."
Mga sigawan ng kaklase ko.
"Tsk" ayun nalang ang nasabi ko at ibinalik sa pag rereview ang tingin. Nakapatong ang noo ko sa may kamao ko habang binabasa ang mga kailangan kong alahanin.Binalik ko ulit ang ting dito pero palihim na yun. Ngumiti muna si Sir bago nag pakilala
"Im Janrey Macutay." Pakilala nito."bwahahha ang ganda ng pangalan niya bagay sa kanya."
"bwahahha Sir ano tatawag namin sayo Sir Janrey o Sir Macutay "
"Sir Macutay is good." Sabi nito.
"Sir dika ba nag tatagalog?" Tanung nila.
"Nag tatagalog ako hahaha." Sabi naman ulit nito.
"Ahh"
"Sir bat ang gwapo nyo"
"Hahaha diko alam." Sabi nito.
"Mag start na tayo ng test niyo." Sabi nito at siya mismo nag bigay ng test paper.
Yung iba kung classmate ay di mawala ang tingin sa kanya.
'Ano naman sayo kung tumitingin sila kay janrey, break na kayo remember' sabi ng isang parte ng isip ko.
'Bwesit, cool off lang. I need space you know brain.' away ko sa sarili ko.
Nakatungo lang ako ng iabot niya ang test paper sakin. kinuha ko naman yun at hindi niya binitawan kaya nag angat ako ng tingin sa kanya at tinaasan ko ito ng kilay, tiningnan ko ito ng nag tatanong.
"Tanggalin mo ang airpods mo Miss Dei." Mahinang sabi nito pero di parin nakatakas sa malapit sakin.
"what, pano niya nalaman ang pangalan ni Sabrilyn?"
" tapos Dei pa tinawag niya diba ayaw niya na may tumatawag sa kanya nun."
"oo nga pano niya nalaman."
"Hindi pa naman tayo nag papakilala eh.". Bulungan nila na naririnig ko naman.
Lumingun ako sa kanila at tumingin sa mga mata nila na seryoso at tinaasan ng kilay. Nag baba naman ito ng mga tingin sa test paper ng mga ito. Pero ang iba ay nag bubulungan parin
Binalik ko ang pag kakatingin ko kay Sir Janrey kuno . Tinanggal ko ang pag kakasalpak ng airpods ko sa tenga ko.
"Ok na ba?" pilosopo kung tanong dito. "Happy now?" Sabi ko pa ng bitawan nito ang test paper ko.
"Sab!" Tawag sakin ni Lance, lumingun ako dito at tiningnan niya lang ako ng seryosong tingin. Kaya tumungo nalang ako.
"Tsk." Nasabi ko nalang at nag test na kahit wala pa siyang sinasabi.
"Ok, class start your exam now." Sabi nito at umalis na sa tabi ko.
'Ako pa talaga ang huling binigyan ng test paper.' sabi ko sa isip ko.
Nag simula na rin silang mag test. Ang iba ay seryoso at ang iba ay nag iisip talaga ng isasagot. Gaya namin nila Lance, Sheyn at Steven. Well need namin na maging mataas sa lahat ng test kaya pinagbubutihan talaga namin.
------------------------------------
ang sungit ni Sabrilyn noh heheheh.
BINABASA MO ANG
My Professor Is My Ex (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT |R-18 When Janrey admitted to Sabrilyn that he would continue his teaching, Sabrilyn was no longer surprised because she knew what her feared would happen. they both know that it is forbidden to have a relationship between a...