KUMAKAIN NA KAMI NI JANREY pero walang imikan as in tahimik lang kaming kumakain at wala na din akong paki sa mga bulungan ng mga classmate ko.
"Sorry" basag sa tahimik ni Janrey.
Inangat ko ang tingin ko sa kanya at tinapos ko ang nginunguya ko bago ako mag salita.
"Bakit ka nag sosorry? " nakakunot noo ko siyang tinanong."Dun kay Bea" sabi nito.
"Tsk!" sabi ko nalang at pinagpatuloy ang pag kain.
Nang maubos ko ang kinain ko ay iniligpit yun at tumayo na. "San ka pupunta? "tanong ni Janrey.
"Sa upuan ko lang" sabi ko at nag lakad na patabi kay Lance. Umupo ako sa tabi nya.
"Salamat pala kanina" sabi ko dito.
Tumingin sakin si Lance at nginitian ako "Wala yun, pati wag kang mag alala na kausap ko na si lolo. Ok lang daw yung relasyon niyo ni Janrey dito sa school parang apo ka narin daw naman niya. "nakangiting sabi nito pero hindi umabot sa mga mata nya ang ngiting yun. Umiwas na din siya agad ng tingin sakin..
"Salamat ulit" sabi ko.
Ilang minuto lang ay tumunog na ang bell, senyalis na uwian na.
Kaya tumayo na ko at inayos ang mga gamit. "Hahatid na kita" sabi ni Janrey na di ko naramdamang na kalapit na pala.
"May dala akong motor " sabi ko dito.
"Ah ok sundan nalang kita. " sabi nito. Tango lang ang sinagot ko dito.
"Uwi na ko Lance" paalam ko dito.
"Ah, sige ingat" sabi nito na nginitian ako at nag lakad na palabas.
Nauna akong mag lakad kay Janrey patungo sa parking ng school nasa tabi ko si Sheyn na kanina pa tahimik.
Di ko lang pinansin yun. Nang makarating kung saan naka parada ang mga motor namin ay nag kanya kanyang soot na kami ng leather jacket at helmet.
Lumingon ako kay Janrey na nasa tabi lang ng parking namin ang parking ng kotse na.
"Ingat sa pag mamaneho" sabi ko dito.
"Ikaw din. "sabi nito.
Umangkas na ko sa motor ko at pinainit muna yun. Lumingon ako sa kotse ni Janrey at kakapasok niya palang at binuhay ang makina nun.
Kay Sheyn naman ako tumining at pinapainit din niya ang makina ng motor niya.
"Tara na? "tanong ko dito tango lang ang sinagot niya sakin at na una ng mag paandar.
Sumunod ako sa kanya at 60 speed lang ang pagkakapagpatakbo ko.
Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa bahay namin ni Sheyn. Inayos lang namin ang pag kakaparada ng motor. Pag ka tapos ayosin ay pumasok na kami sa loob ng bahay.
Kakalapag at kakahubad ko palang ng jacket ay may kumatok sa pinto mismo. Napakunot noo ako, kung bakit sa pinto at hindi doorbell sa gate ang na ririnig ko.
Lumapit ako sa pinto at sinilip kung sino ang kumatok. Napa hinga ako ng maluwag ng si Janrey lang pala yun.
Binuksan ko na ang pinto at tiningnan to ng nag tatanong na tingin.
"Ginagawa mo dito? "kunot noo kung tanong.
"Wala, diba sinundan ko kayo" sabi nito.
"Tapos? "
"Pwede ba papasukin mo muna ko?" tanong nito.
"Oww, sorry, sige pasok" sabi ko at nilakihan ang pag bubukas ng pinto. Pumasok na siya at umupo na sa sala.
BINABASA MO ANG
My Professor Is My Ex (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT |R-18 When Janrey admitted to Sabrilyn that he would continue his teaching, Sabrilyn was no longer surprised because she knew what her feared would happen. they both know that it is forbidden to have a relationship between a...