CHAPTER 4

3.3K 87 0
                                    

DEI's POV

NADITO na kami sa Korean Restaurant na sinasabi nila. Pero patapos na kami kumain dahil mga PG kami pag dating sa korean food hahaha.

"Busog na ko." Sabi ko na sumandal at hinihimas ang tyan.

"Oo halata eh nakadalawang ramen ka eh." Sabi ni Lance na hinihimas din ang tyan sa tabi ko.

"Ubusin niyo na yan Sheyn sayang pag nagtira pa kayo. Konti nalang din naman yan." Sabi ko kay Sheyn na tuloy parin sa pag kain.

"Oo naman bawal mag sayang ng pag kain, madaming na gugutom na tao sa labas." Sabi ni Steven na isa sa malakas kumain samin mag trotropa pero di naman tumataba at magaganda parin ang mga katawan.

"Oo dalian niyo jan ng makapag lakad lakad tayo para bumaba ang kinain at mag pa libre naman ng DQ kay Lance hahaha." Sabi ko.

"Hays, puro ako nalang nag lilibre try niyo kaya na kayo naman mang libre noh ,kahiya eh." Sabi ni Lance na pinikit ang mga mata.

"Wews pala gastos ka lang sabihin mo araw araw libo libo ang baon mo para lang pumasok ng 7 hours sa school." Sabi ni Steven na ikinatawa namin.

"Bakit libo libo din naman baon nyo ah." Protesta pa ni Lance.

"Mas malaki naman baon mo kaya wag kana magreklamo." Sabi ko dito.

"Oo na ako na ulit" Sabi nito.

"Yan Very good talaga ni Lance hahaha." Sabi ko.

Ilang saglit lang ay tapos na rin sila Sheyn kumain kaya umalis na kami agad para mag lakad lakad at bumili ng DQ.

NADITO na kami sa bilihan ng DQ at syempre ang bumubuli ang mag lilibre hahaha.

"Ang bilis talaga mauto nito ni Lance noh" Sabi ko.

"Oo nga eh, puro siya nang lilibre satin." Sabi ni Sheyn.

"Uy next week na birthday nyan, suprise natin." Sabi ni Steven.

"Oo nga pala noh ,magandang idea yan ,chaka na tayo mag usap, najan na siya eh." sabi ko

"Oh ice cream nyo kahiya sa inyo ,ako na nag libre ako pa bumili." Nakasimangot siya nang iabot niya samin yung ice cream.

Inakbayan ko siya "Ok lang yan mabait ka naman." Sabi ko dito.

"Tsk." Sabi nito at tinanggal ang pagkakaakbay ko dito.

"Nag tatampo na naman baby namin oh" Sabi ni Steven na nakangiting aso. Si Lance kase ang pinaka bata samin. I mean matatanda lang kami ng buwan dito.

"Tigilan nyo nga ko." Sabi nito na ikinatawa naming tatlo.

"Hahahhaaha" Tawa namin dito, nanguna na itong mag lakad samin.

HABANG kinakain namin yung DQ ay nag lalakad na kami papunta sa sasakyan ni Lance.

"Uwi na ba tayo?" Tanong ni Lance samin.

"Oo uwi na tayo na eebs ako eh." Sabi ni Sheyn.

"Ah sige." Sabi ni Lance.

MALAPIT NA kami sa subdivision ng bahay namin ni Sheyn.

"Lance dito nalang sa labas ng subdivision mo kami ibaba ni Sheyn." Sabi ko .

"Ipapasok ko nalang para di na kayo mag lalakad." Sabi nito na nakatingin sa daan.

"Di na malapit lang naman ang bahay namin sa gate ng subdivision ,kaya ok lang diba Sheyn?" Sabi ko dito at tumingin kay Sheyn sa likod na nanahimik.

"Oo nga Lance jan nalang para di kana iikot sa loob." Sabi ni Sheyn.

"Ah sige kayo bahala." Sabi nito at hininto na ang sasakyan sa labas ng gate.

Bumaba na kami ni Sheyn at nag paalam sa dalawa.

"Ingat sa pag uwi huh."  Sabi ko at tumalikod na kami.

Nakapasok na kami sa gate at binati kami ng bantay doon "Magandang gabi po Miss Roan at Miss Cornejo." Bati nito samin.

"Magandang gabi din po Mang berto." Sabay naming bati ni Sheyn at tumuloy na sa pag lalakad papunta sa bahay namin.

"Dei tingnan mo yung kotse na yun oh." Nguso ni Sheyn sa kotse na nasa tapat ng bahay namin.

"Oh ano meron?" Tanong ko dito.

"Parang kay Janrey yun eh." Sabi pa nito na parang sinusuri ang sasakyan.

"Baka ka mukha lang naman." Sabi ko dito at lumiko para makapasok na sa gate ng bahay.

"Hindi,  kay Janrey nga." Sabi nito kaya nilingon ko ulit ang sasakyan at may papalapit saming isang bulto ng lalaki.

'ginagawa nyan dito?" tanong ko sa isip ko.

"Ahm ,Sir Janrey kayo pala." Magalang na sabi ni Sheyn.

"Dei iwan na kita huh na eebs na talaga ko." Sabi nito naikinatawa ko.

"Sige ,sige." Sabi ko dito.

Binalik ko ang tingin sa taong nasa unahan ko.

"Ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Janrey na huminto na sa harapan ko.

_________

Orayt hahahahha pls vote po sa story salamat hehehe love you allllll😘

My Professor Is My Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon