CHAPTER 3

3.5K 79 0
                                    

"YES tapos din ang test ang sakit sa ulo." Sabi ni Lance na nasa gilid ko.

"May ulo kaba? San ba? Taas o baba? hahaha." sabi ko dito ng nakangiti.

"Jusko Sab sinasaniban ka na naman." Sabi nito na ikinatawa ko.

"Di kana nasanay sakin." Sabi ko dito habang inaayos ang mga gamit ko.

Linapit nito ang upuan sakin. "Kain tayo sa labas, g ka?" Bulong na tanong nito sakin.

"Sige, san naman?" Sabi at tanong ko dito.

"May korean restaurant jan sa may ******* bagong bukas lang kahapon. " Sabi nito.

"Weh?" Tanong ko dito na di naniniwala.

"Ay grabe siya oh di na siya na niniwala sakin. Mag tatampo na ko nito. Sheyn si Sab oh inaaway ako." Sabi nito at tinawag pa si Sheyn para mag sumbong.

'isip bata talaga kahit kilan' sabi ko sa isip ko.

"Ano? Mag aaway na naman ba kayo na parang aso't pusa. "sabi nito.

"Hindi, parang timang toh sakalin kita jan Lance makita mo. Naninigurado lang eh." Sabi ko dito na nakapanguso at inirapan ito.

"oh pinapaikutan mo na naman ako ng mata. Inaaway mo na talaga ko Sab huh, ouch huhuhu, sabi nga kaseng merong bago doon. Sheyn diba shinare mo pa nga yun sa Facebook mo." Sabi nito at nag inarte pa na nasasaktan.

"Yung ano? " Tanong ni Sheyn kay Lance.

"Yung korean restaurant jan sa may ******"

"Ay oo nga pala Sab nakalimutan ko sabihin sayo kagabi kase busy ka mag review eh, bakit kakain tayo dun? " Nakangiting tanong ni Sheyn kay Lance ,matapos nitong sabihin sakin na nalimutan nito yun.

"Kaming dalawa lang." Sabi ni Lance kay Sheyn at inakbayan ako.

"Ay madaya dapat kasama kami." Sabi ni Steven nabigla nalang sumusulpot at tumabi kay Sheyn.

"Engs sige na nga." Walang magawang sabi ni Lance.

"Libre mo ba kami?" Tanong ko dito.

"Oo naman ako pa." Sabi nito.

"Edi ikaw na mayaman." Sabi ko.

"Uy parang ikaw hindi ah, mayaman ka din naman ah, baka nga mas mayaman ka pa sakin eh. Hahaha." sabi nito.

"Huy mas mayaman ka." Mataray na sabi ko dito.

"bagay talaga si Lance at Sabrilyn noh? "

"oo nga eh, nakakaselos tuloy"

"Tingnan mo parehas gwapo at maganda, parehas mayaman. San kapa diba"

"Sila Sheyn at Steven din bagay. "

"Na bingwet na nila ang dalawang gwapo sa basketball player at sa MDC (mendez dance crew)" naghihinayang na boses.

"Bagay naman sila talaga isang basketball player at dancer tapos volleyball player at dancer din diba. "

"medyo masungit nga lang si Sab "sabi pa ng isa.

'abay walengya yun ah' sabi ko sa isip ko

"Guys pag mag bubulungan kayo pwede pa hinaan para di namin ma rinig at alam kong bagay kami ni Sab. diba Sab." Sabi nito na may ngisi sa mga labi.

"yieehhhh"

"kinikilig talaga ko sa kanila. "

"Ang sweet talaga ni Lance"

Sabi nila na naman.

"Bbblllaaaggg"

Napalingun kami sa lamesa ng teacher doon dahil may na bagsak.

"Sir ayos kalang?" Tanong ni Bianca

"Sir bat parang galit kayo? " Tanong naman ni Jordan na sa likod ko naka pwesto.

"Ah oo ok lang ako at di ako galit. May narinig lang akong di nakakatuwa." Sabi nito at diniinan ang pag kakasabi sa huling sinabi nito.

"Ah ganun ba Sir." Nasabi nalang ni Jordan at binalik sa pag aayos ng gamit nito.

"Hahahaha" Tawa ni Lance sa tabi ko. Medyo malakas lang naman yung tawa nya. Pero sure ako na narinig yun ni Janrey.

"Luh? Gagi na babaliw ka na naman. "sabi ko kay Lance.

"Baliw sayo hahaha." sabi nito.

"whahah kinikilig ako sa kanila"

"namumula si Sabrilyn oh hahahah"
Sabi nila.

"Uy hindi blush on yan. "sabi ko sa mga yun.

"Husss aminin mo na kinikilig ka. "sabi ni Lance na nakangiti sakin.

"Ang kapal ng face mo." Sabi ko dito.

"Nakita mo yun na gagalit baby mo sa likod" bulong sakin ni Lance.

"Tumigil ka na nga" sabi ko dito.

Narinig namin na tumunog na ang bell, ibig sabihin ay pwede na umuwi.

"Tara na" sabi ni Lance

Tumayo na kami at lumabas na sa room. Habang nag lalakad kami sa hoolway ay nag tatawanan kaming apat.

------------------------------------------------
yes ang bilis ko natapos tong chapter 3 hahaha 4 am ako nag start tas 4:38am ko natapos hehehe share ko lang guys hahha

My Professor Is My Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon