CHAPTER 18

1.7K 46 0
                                    

NADITO NA KAMI  sa bahay nila Lance at mag iisang oras ng start ang party nya dito.
Maya maya ay aalis na kami para pumunta sa hotel na inayusan namin para sa suprise kay Lance.

"Wala talaga kayong regalo sakin? "Tanong ulit ni Lance samin. Kanina niya pa kami kinukulit.

"Wala nga pre, nakalimtan naming bumili" sabi ni Steven dito.

"Grabe naman kayo di niyo ko pinansin kahapon at di kayo pumasok kanina tas wala pa kayong regalo. Tas sasabihin mo na nakalimutan niyo. Nagtatampo na talaga ko. "Sabi nito.

Hindi na kami umimikpa. Ilang minuto ang lumipas ay tumunong ang cellphone ko. Kaya kinuha ko yun at binasa ang text doon.

From:Hunch💞

Tara na alis na tayo 7:15 na

Tumingin ako kay Janrey at tumango.

"Ahm, Lance? " tawag ko.

"Bakit? " lumingon toh sakin.

"Ahm, uwi na ko" sabi ko.

"Bakit?" tanong ulit nito na nakakunot noo na tumingin sakin.

"Di kase maganda pakiramdam ko" sabi ko.

Ok mag aartista na muna ko ngayon hahahah.

Naramdam kong umakbay si Janrey dahil katabi ko lang toh.

"Ano ba nararamdaman mo? "tanong nito.

'Sige mag aartista na kaming lahat dito ng mga tropa ko' sabi ko sa isip ko.

"Medyo nahihilo ko eh" sabi ko sabay hawak sa ulo ko.

"Halika hatid na kita. "sabi nito.

"Ah sige Dei, ingat kayo "sabi ni Lance.

"Sorry huh" sabi ko dito.

"Di ok lang sige na mag pahinga ka na huh, ingat sa pag drive pre" sabi nito.

"Pasensya na talaga pre" sabi ni Janrey na tumayo na at inalalayan ako tumayo.

Lumapit muna ko kila Sheyn at Steven at bumiso sa kanilang dalawa at pasimpleng bumulong.

"Text ko kayo pag sunod na kayo huh" sabi ko at tumango lang itong dalawa.

"Lance una na kami huh" paalam ko ulit dito.

Tumayo toh at lumapit samin "Hatid ko na kayo sa labas" sabi nito at sumabay samin hanggang makapunta kami sa labas ng bahay nila.

"Sige salamat Lance" sabi ko.

"Wala yun, sige ingat kayo" sabi ulit nito.

Humalik din ako sa pisngi nito "Happy birthday ulit, sorry babawi ako next time" sabi ko dito.

"Wala yun, sige na. Mag pahinga ka huh" sabi nito. Tumango lang ako.

Naglakad na kami ni Janrey sa kotse nito at pinagbuksan ako ng pinto at inalalayan na maka pasok dun. Siya naman ay umikot sa driver seat.

MABILIS  KAMING nakapunta ni Janrey sa hotel. Tenext ko na rin sila Sheyn na sumunod.

"Kinakabahan ako" sabi ko kay Lance na naka upo sa lababo ng cr ako naman ay pabalik balik lang na nag lalakad.

"Hon, wag ka ng pabalik balik pls ako nahihilo sa totoo lang" sabi nito kaya huminto ako sa harap nito at iniyakap ang mga braso sa bewang ko. "Tawagan mo na" sabi nito kaya ginawa ko.

Ilang ring lang ay sinagot na nito ang tawag ko.

"Yes, napatawag ka. "tanong nito.

Napalingon kami ni Janrey sa pinto ng bumukas yun at pumasok sila Sheyn at Steven. Magsasalita sana si Sheyn kaya sininyasan ko na wag na magsalita dahil kausap ko na si Lance.

My Professor Is My Ex (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon