MAAGA Kaming umuwi ni Dei para mag ayos sa graduation nya at maya maya na yun. Buti nalang at 10 yun ng umaga, mag papaayos pa kase si Dei na alam kung oras ang aabutin. Sa school nalang din kami mag kikita ng pamilya ko at pamilya ni Dei.
Nag plano na din ako na ngayon ako mag propose kay Dei. Ito na talaga plano ko noon pa at ito na nga ang hinihintay kung araw.
Hinihintay ko nalang na lumabas si Dei sa kwarto dahil nag bibihis nalang ito. Habang papalapit ang oras ay kinakabahan ako. Sana yes ang isagot nya dahil alam kung mahal nya ako.
Flashback
"Dei? "tawag ko sa girlfriend ko.
"Hmm? "sagot nito habang may laman ang bibig.
Ngayon ang isang taon na mag nobya/nobyo kami ni Dei at sinurpresa ko sya na tuwang tuwa na dito kami sa palawan ngayon dahil nag bakasyon kami dito ng pamilya ko at pamilya nya. Pangalawang bakasyon ko ito na kasama si Dei dito sa palawan at next month ay sa korea kami.
"Pag niyaya ba kitang mag pakasal, ano isasagot mo? "kinakabahang tanong ko dito.
"Seryosong sagot ko ba? "matawa tawang sabi nito. Tumango ako bilang sagot, dahil kinakabahan talaga ako sa magiging sagot.
"Syempre oo." sabi nito.
"Talaga? "nakangiting tanong ko dito na alam ko hanggang sa mata ko ang ngiti ko.
"Oo naman" nakangiting sabi nito.
END OF FLASHBACK.
Ilang minuto pa ang lumipas ay lumabas na si Dei. Na naka puting dress at nakasabit sa kamay nya ang toga nya.
Nakangiti itong tumingin sakin na sinuklian ko naman agad. Tumayo na ko sa pagkakaupo ko sa sofa. Lumapit na ako dito at kinuha ang toga nito.
"Let's go? "aya ko dito na tango lang ang sinagot nito.
Bumaba na kami ng bahay at lumabas na at lumapit sa kotse ko, pinagbuksan ko ito ng pinto na pumasok agad isinabit ko sa sabitan sa kotse ang toga nya.
Umikot ako papunta sa driver seat at pumasok doon. I-nis-start ko na ang makena at inilabas na sa gate ng bahay. At pinaandar yun patungo sa school.
"Di ako maka paniwala na gragraduate na ko ngayon" biglang basag ni Dei sa katahimikan sa gitna ng traffic.
"Parang kahapon lang ang pasukan eh" may tawa pang sabi nito.
"Oo nga eh" nasabi ko nalang dahil kinakabahan parin ako sa surprise ko para mamaya.
Pinaandar ko na ulit ang kotse hanggang sa makarating na kami sa school, pinagbuksan ko ng pinto si Dei at inalalayan ito. Kinuha ko naman sa backseat ang toga,bago ilock ang kotse. Habang nag lalakad ay nasa beywang nya lang ang kamay ko. Isinuot na din nito ang toga.
Madaming bumati na ibang students kay Dei ng congratulations/congrats. Nag papasalamat lang ang babae sa mga ito. Buti nalang at good mood ito ngayon at hinidi mainit ang ulo.
Nasa unahan ng mga upuan ang mga magulang namin at lumapit na kami doon, nakipag yakapan at besohan lang kami doon.
Hinatid ko muna sa upuan nya si Dei at hinalikan ito sa labi.
"Pag may kailangan ka nadoon lang ako huh" turo ko sa pwesto ng magulang namin. Tumango lang ito at ibinigay sakin ang wallet nito.
Umalis na ko doon at lumipat sa pwesto ng magulang namin.
BINABASA MO ANG
My Professor Is My Ex (COMPLETED)
RomanceWARNING: MATURE CONTENT |R-18 When Janrey admitted to Sabrilyn that he would continue his teaching, Sabrilyn was no longer surprised because she knew what her feared would happen. they both know that it is forbidden to have a relationship between a...