TPD UNO

16 0 0
                                        


*Krrrriiiiinnnnnnnnggggggggg*

"Hello?"

"Kamusta ka na?"

At pinatay ko ang tawag. Hindi ang boses na yun ang gusto kong marinig sa mga panahong ito. Bumangon na ako at nag handa para pumasok sa eskwela.

"Good morning class. For today I will group you into five groups each groups consists of 10 members and I want you to do a group report about the significant places here in the Philippines. The group members will be your choice. Just give me the names tomorrow and you have the rest of the time to talk about it."

Tinignan ko lahat ng mga kaklase ko. Lahat sila ay may kanya-kanyang mga grupo na ako na lang ang wala. Sabagay hindi naman nakakagulat kasi wala naman akong kaibigan sa kanila. Papunta na ako kay Ms. Chua nang tawagin ako ni Levi.

"Bakit?"

"Sungit ha. Wala ka pang ka grupo?" Nakangiti niyang tanong.

"Wala pa."

"Samin ka na lang Ariah kulang kasi kami ng isa." Dagdag ni Cana.

"Okay lang ba?"

"Bakit naman hindi?" nakangiting sagot ni Carmina.

Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon.

"So what's the plan guys?" tanong nong babaeng medjo kulot ang buhok.

"Mag-isip na muna tayo tapos kita na lang tayo mamayang hapon hanggang anong oras ba ang pasok niyo?" Tanong ni Jin.

Halos sagot ng lahat ay hanggang alas tres lamang.

"Ah Jin may pasok kasi ako hanggang alas kwatro okay lang ba na sumunod na lang ako sa inyo?"

"Tsss. Sali-sali pa kasi hindi naman available." Sagot naman nong babaeng medjo kulot ang buhok.

"Sige walang problema Ariah sa gilid ng kapilya lang kami."

Tumango na lamang ako at nagsi-alisan na silang lahat.

"Levi let's go."

"Mauna ka na Ash."

"Tssss whatever."

Tinitigan ko si Levi sabay sabing "Ano pang ginagawa mo rito?"

"Alam mo ikaw ang sungit-sungit mo sa akin hindi naman kita inaano."

"Ah pasensya na."

"Ariah may tanong ako."

"hmmm?"

"Bakit umiyak ka nong nakaraan?"

"Ah yun ba? Wala naiyak lang ako naawa kasi ako dun sa magulang nung babae eh."

"Akala ko kung ano na."

"Ah Levi" bigla ko syang hinawakan sa palapulsuhan.

"Bakit?"

"Ah pwede bang humingi ng favor?"

"Sige pwede naman. Ano ba yun?"

"Pwede bang samahan mo ako sa bahay nung babaeng namatay?"

"Bakit?"

"Bawal na bang makiramay? Sabi mo nga kamag-aral natin yun dito."

"Sige sunduin kita sa inyo."

"Okay. .... Ha? Teka alam mo pala address ko?"

Bigla niyang nilapit mukha niya sa akin kaya bahagya akong napaatras.

The Phantom of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon