TPD KATORSE

4 0 0
                                    


Habang kumakain kami ng hapunan nagsalita bigla si papa

"Sa Manila tayo mag papasko at bagong taon Ariah" Sinabi niya yun na casual lang na naging dahilan para makuha niya ang atensyon ko.

"Bakit doon?" Kalmado kong tanong.

"Anong bakit doon?" Tanong niya pabalik sa akin.

"Pa" Sagot ko sa kanya na may halong pagbabanta

"It's natural Ariah Manila is our home!" Sabi niya.

"You're impossible!" Sabi ko sa kanya, sabay bitaw sa kubyertos na hawak ko at pasok sa kwarto.

Bigla naman pumasok si Nana sa kwarto ko.

"Ariah iha? Intidihin mo na lang ang papa mo." Bungad agad ni Nana pagkadating niya.

"Nana naririnig mo ba yang sarili mo?" Tanong ko sa kanya na naging dahilan para hindi siya magsalita.

"Nana maayos yung usapan namin ni papa kung bakit ako nandito! Sige sabihin natin na sa simula ayuko rito because this place is totally different from the place I used to live pero Nana okay na ako. Bakit ramdam ko na kailangan ko ulit balikan kung sino talaga ako sa labas ng lugar na to? Why do I feel like I need to please them again?" Naiinis kong sabi kay Nana

"Ariah huminahon ka, baka may matinding dahilan ang papa mo. Baka sa tingin niya okay na bumalik ka na sa dating ikaw."

"Nana ang usapan tatapusin ko ang pag-aaral ko. Sa susunod na taon pa ako magtatapos , halos anim na buwan pa lang ang nakakalipas tapos babalik na kami agad?" Paliwanag ko kay Nana

"Ano bang problema iha kung babalik ka? Natatakot ka bang harapin ang katotohanan kaya mas pinili mong magtago at tumakbo palayo?"

Huminga ako ng malalim tsaka nag salita, "Nana pinipilit kong baguhin ang nakasanayan ko. Pinipilit ko halos araw-araw na kalimutan yung mga nangyari to move forward pero Nana tao lang po ako napapagod. Gustuhin ko man na kalimutan ang lahat hindi ko magawa. Nana everyday of my life I am trying to repent for all the sins I've committed. Everyday Nana I am trying to be a better person. Ni hindi pa nga ako nangangalahati sa gusto kong ma achieve tapos ganito na?" Paliwanag ko sa kanya.

"Ariah, wala kang kasalanan sa nangyari. Sa tingin ko iha hindi mo kailangan pagbayaran ang lahat ng mga nangyari kasi hindi mo naman kasalanan. You used to tell me na hindi mo dapat pagsisihan ang mga bagay na ginagawa mo dahil kahit anong resulta nun pinili mo yun at paninindigan mo." Sagot ni Nana.

Tumayo ako para makahinga ng maayos "Nana yun na nga! Gustuhin ko man isiping hindi ko kasalan yun pero dito?" turo ko sa ulo ko "sinasabi nito Nana na kasalanan ko." Saad ko sa kanya at hindi ko na napigilan ang mga luha ko.

"Ariah hindi ka ba napapagod na tumakbo at umiwas?" Sagot ni Nana

"Tingin mo Nana hindi? Nana hindi ako ganito pero kailangan ko. Hindi naman kasi nila ako naiintidihan at ni isa sa inyo hindi niyo ko naiintindihan. Nana paano ako babalik sa lugar na binago lahat ng pagkatao ko? Paano ko titignan ang pamilya ko na minsan naging iba ang tingin sa akin? " Sabi ko sa kanya habang inaalo ang sarili

"Nana binaon ko ang kalahati ng Ariah na nakilala mo noon. The Ariah you are talking right now is totally different from the Ariah before. I want this version to be better, braver and wiser Nana mahirap ba yun?" Sagot ko sa kanya.

Hinawakan ni Nana ang mga kamay sabay ngiti, "Kahit anong sabihin mo iha ikaw parin yung alaga ko. Sabihin mo mang hindi na ikaw yung Ariang kilala naming alam ko dyan" turo niya sa puso ko "Alam ko nagtatago lang siya diyan. Iha hindi mo kailangan magtago, huwag kang tumakbo at harapin mo ang dapat mong harapin dahil doon mo malalaman kung hanggang saan lang ang kaya mo."

The Phantom of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon