Dahil sa pagwawala ni Eros ay pinalabas ako ni chief
"Okay ka lang?" Pagsusuri niya sa akin.
"Sinaktan ka ba nila? Pinahirapan ka ba? Bakit ka nakakulong? Sinong nagkulong sayo?" Sunod-sunod niyang tanong.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya na mangha parin sa nakita.
"Just to check you." At sinuri niya na naman ako para tignan kung may galos ako.
"Okay lang naman ako tsaka nakulong lang ako saglit pero okay lang talaga." I assure him.
"Are you nuts? Ariah it's still the same! Nakulong ka." Sabi niya.
Bigla namang dumating ang mga magulang ni Ash
"Bakit nakalabas to?" Bungad agad ng mama niya.
"Chief ginagawan ko na ng paraan para bumaba na ang warrant of arrest, bakit nasa labas to?" Sabi ng tatay ni Ash.
"Ikaw nag pakulong kay Ariah?" Bintang agad ni Eros sa kanya.
"Oo, ako nga sino ka ba?" Sagot naman ng tatay ni Ash sa kanya.
"I am Atty. Eros Riffle Cheung, abogado niya."
Pinaupo ako ni Eros sa gilid at nag simula na silang mag-usap ni Atty. Gonzales kasama si Chief pagkatapos na ilang diskusyon nagdeklara na lang si Eros na tapos na at pagod na raw siya.
"Let's go Ariah"
At tuluyan na nga kaming umalis. Habang nasa sasakyan kami bigla na lang sumagi sa isip ko kung ano talaga ang ginagawa ng lalaking to rito.
"Teka nga Eros bakit ka ba nandito?" Tanong ko.
"Dapat kasi talaga si Ace yung pupunta rito kaso may inasikaso ata siya sa iniwan ni papa na mga trabaho eh kaya nag presenta ako na ako na lang."
"Ganon ba talaga ang pag-aalala niyo sa akin?" Bigla niyang hininto ang sasakyan,
"Ariah this isn't the place for you to hide. You don't need to run but to face it. You've been running for years already. No need to be afraid I'll be with you." Nginitian ko siya, alam ko Eros alam ko.
"Hinahanap ka na ni I, huwag mong hayaan na siya ang tumapak dito. You don't need to face him right now just answer his damn calls." At nagpatuloy na siya sa pagmamaneho.
The presence of Eros made me safe, I feel like no one can hurt me as long as he is here with me.
Bumalik na rin kami lahat sa klase at tinigilan na rin ako ng mga magulang ni Ash hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Eros pero nagpapasalamat ako sa kanya. Si Ash naman tila iniiwasan ako hindi ko naman alam bakit.
Si Eros naman hindi ko alam kung kailan siya uuwi sa Manila tila nawiwili na siya rito, ito talagang lalaking to.
"Hoy kailan kaba uuwi?" Tanong ko
"Pinapalayas mo na ba ako?" Tanong niya sa akin na nakataas ang mga kilay
"Kung hindi mo pa nakukuha parang ganon na nga." Sabi ko sa kanya na natatawa.
"Ah ganon? Matapos kitang iligtas doon sa lalaking mukhang unggoy." Teka? Papa ba ni Ash ang tinutukoy niyang unggoy?
"Siraulo! Countless times din kaya kita niligtas FYI!" Sagot ko pabalik sa kanya.
"Ah ganon," at kiniliti niya na ako ng tuluyan.
"Tumigal ka Eros Riffle! Uupakan kita" Sabi ko sa kanya
"Mas magaling parin ako sayo Ariah Riffle Gervacio!" Tawa niya ng makitang bigla akong nagulat sa pagtawag niya sa akin.
"TANGINA MO!" At nag walk-out na ako. Lahat kami na apo may "Riffle" ang pangalan kahit babae kasi mahilig ang lolo ko sa baril tsss.

BINABASA MO ANG
The Phantom of Dreams
General FictionAbout a certain girl who thinks she can deal with anything, but one certain event happened that made her change for the rest of her life.