Bumalik na si Eros sa kung saan man siyang lupalop nanggaling. All this time akala niya may something sa amin ni Levi at this time it's for real, too bad his calculations are all wrong. Matapos nilang makilala si Eros at masaksihan ang kabaliwan nito hindi naman na nila tinanong kung ano talaga ang meron sa amin at hindi na rin ako nag atubili pa na mag paliwanag sa kanila.
Nandito kami ngayon ni Audrey sa social hall nag-aaral kasi sa susunod na araw na ang finals para sa unang semester ng klase.
"Ariah break muna tayo? Napapagod na ako eh." Sabi niya.
"Okay, gusto mong kumain?" Tanong ko sa kanya.
Tumango siya sabay sabing, "pwede pa suyo? Pwede ba na ikaw na lang ang bumili ng pagkain ko?"
Tumango lang ako sa kanya sabay hingi ng pera sa kanya.Nang malapit na ako sa canteen nakasalubong ko yung kaibigan ni May babatiin ko na sana siya ng bigla siyang nagsalita,
"Kamusta ka na?" Tanong niya nang nakangiti
"Okay lang naman ikaw? Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya pabalik.
"Ito oh" sabay taas niya sa mga gamit na dala niya
"Inutusan kasi ako ng mama ni May na kunin ang mga natitira niyang mga gamit dito sa school. Busy kasi yung mama niya sa paghahanap kung sino ang gumawa non sa kanyang anak. Mas determinado siya ngayon kasi nga mag uundas na." Tango lang ang tanging nasagot ko sa kanya.
Paalis na sana ako ng bigla siyang magsalita, "pupunta ka ba sa annual souls celebration ng school niyo?"
"Ha? Ano yan?" Tanong ko sa kanya.
"Para siyang isang gathering ng mga estudyante kung saan pag-uusapan nila ang mga tungkol sa patay, kaluluwa at kung ano-ano pa." Paliwanag niya.
Magsasalita na sana ako ng bigla siyang umalis. Hindi ko na lang din siya hinabol. Bumili na ako ng mga pagkain namin ni Audrey ng makasalubong ko si Levi.
"Oh? Hindi ka rito kakain?" Tanong niya
Lumingo ako sabay sabing, "kasama ko kasi si Audrey nasa social hall kami nag-aaral para sa finals." Ngiti ko sa kanya.
Tumango naman siya sinabi ko.
"Ikaw? Ikaw lang mag-isa kakain?" Tanong ko.
"Hindi, kasama ko sila Jin" sabay lingon sa kanyang mga kaibigan.
"Uh, Levi pwede mag tanong?"
"Oo naman, ano ba yun?"
"Alam mo ba yung annual souls uh ..." Iniisip ko kasi kung ano ang karugtong non.
"Annual souls celebration ba ang ibig mong sabihin?"
Tumango naman ako sa kanya.
"Oo, bakit? Gusto mo bang sumama?" Tanong niya na ikinagulat ko kaya agad kong sinabi na hindi.
"Kahit naman sino pwedeng sumama." Sabi niya sa akin.
"Hindi na, hindi rin ako papayagan ni papa eh." Ngiti ko sa kanya
"Pupunta naman si Carmina sumabay ka na lang sa kanya."
"Naku huwag na nakakahiya."
"Yayain mo si Audrey may motor yun pwede kang ihatid nun pauwi." Sabi niya sabay alis.
Iniisip ko yung sinabi ni Levi at nung kaibigan ni May, okay lang kaya talaga na pumunta ako? Ano bang meron dun sa gathering na yun? Dahil nga sa interesado ako tinawagan ko si Audrey.
"Hello?" Sagot niya.
"Audrey alam mo ba yung annual souls celebration?" Tanong ko
"Oo, bakit?" Tanong niya

BINABASA MO ANG
The Phantom of Dreams
General FictionAbout a certain girl who thinks she can deal with anything, but one certain event happened that made her change for the rest of her life.