Nasa cafeteria ako kumakain ng biglang may umupo sa harap ko.
"May club ka na ba?" Akala ko si Levi, hindi pala. Tinitigan ko ang lalaking nakaupo sa harap ko sabay taas ko sa kanya ng kilay?
"Marcus nga pala" sabay lahad niya ng kamay niya tsaka ngumiti sa akin. Tumango na lang ako sa kanya.
"Ah, ka klase mo nga pala ako sa History. Architecture ang kurso ko." Pagpapaliwanag niya. Tinaasan ko ulit siya ng kilay.
"Ah, Ariah sorry ha nakita ko kasi yung file mo sa office you're into writing din pala."
"Oh? Tapos? Ano meron?"
"Balak sana kitang yayain sa club namin." Sabay ngiti niya sa akin.
Hindi ko na siya sinagot at umalis na. Wala akong oras para magsulat!
Nang makarating ako sa bahay sinubukan ni Nana na kausapin ako pero iniwasan ko siya. Hindi ko pa nakakalimutan ang nangyari sa amin ni Nana. Tsaka nahihiya ako sa ginawa ko sa kanya. Alam kong mali ang sigawan at sagutin siya pero hindi ko alam kung paano kontrolin ang sarili ko.
Kinatok ako ni Nana sa kwarto dahil mag hahapunan na raw. Nang makababa na ako tahimik kaming tatlo sa hapag ng biglang basagin iyon ni papa.
"Pupunta ako ng Manila sa makalawa Ariah."
"Okay. Ingat ka sa byahe pa." Simpleng sagot niya sa akin.
"May gusto ka bang -------" hindi pa siya tapos magsalita binaba ko na ang kubyertos ng padabog sabay tayo,
"Tapos na po ako. Salamat sa pagkain Nana." At umalis na ako papunta sa kwarto.
Ayuko ng pahabain pa ang usapan namin ni papa at baka saan pa kami mapunta. Naisipan kong buksan ang isang laptop ko. Ang laptop na laman lahat ng nakaraan ko. As much as I want to start again I just can't. I am not ready to close it and begin another chapter. It's hard to let go of the things that give you too much to remember.
Naalala ko ang sinabi ni Marcus kanina kung hindi dahil sa kanya baka pati yun nakalimutan ko na. Hindi ko na nga maalala kung kailan akong huling natuwa na magsulat. I am not confident because I am not the person I used to be. Kung sana yung niyaya ni Marcus kanina ang iyong Ariah two years ago, baka sumama na siya. Totally different from the Ariah right now, nakakatawa lang dahil pati sarili ko niloloko ko na. Tinulog ko na lang lahat ng mga naiisip ko nag babakasaling baka bukas makalimutan ko na sila lahat.
"Bakit ang dilim? Anong nangyari? " Naglalakad ako sa lugar na hindi pamilyar sa akin. Nasaan ako?
"Nana? Papa? Bakit po madilim?" Hindi ba naming bahay to? Nasaan ba kasi ako?
"Ariah?" May tumatawag sa akin.
"Sino po yan? Nasaan po kayo? Nasaan ako? Bakit ang dilim po?" Sunod-sunod kong tanong.
"Ariah" Sabi ulit nung boses.
"Andito po ako. Nasaan po kayo?"
"Ariah"
Sinusundan ko ang boses na tumatawag sa akin hanggang sa nakarating ako sa lugar na medyo makulimlim.
"Ariah"
"Sino ka?" Tanong ko sa babaeng na sa harap ko. Hindi ko makita ang mukha niya.
"Nasaan ako?" Nasaan si papa at si Nana?"
"Ariah"
"SINO KA BA?" Tanong ko na pagalit.
"Ariah" at ipinakita niya na ng tuluyan ang sarili sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/206763543-288-k482658.jpg)
BINABASA MO ANG
The Phantom of Dreams
Fiksi UmumAbout a certain girl who thinks she can deal with anything, but one certain event happened that made her change for the rest of her life.