Tanghali na nang ako'y magising at nang tignan ko ang sarili sa salamin napansin ko agad ang namamaga kong mga mata. Nagpadala agad ako kay Nana ng cream para rito.
"Umiyak ka ba kagabi Ariah?"
Lumingo ako, "may napanaginipan lang po akong hindi maganda Nana."
"Palagi ka na lang nananaginip ng hindi maganda. Patingin ka na kaya kay Iron?"
Tinignan ko siya ng matalim , "hindi na po kailangan Nana."
"Para mabigya ----"
"Umalis na po kayo Nana maliligo na po ako."
Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at umalis ako ng bahay. Nagmamaneho ako sa direksyon na hindi ko naman plinano, pero kahit ganon alam ko kung saan ako papunta. Naalala ko yung eksena ni papa kagabi sa basement paano niya kaya nakakayanan mabuhay kung nawala na sa kanya ang taong pinakamamahal niya?
Huminto ako sa pamilyar na lugar. Sa loob pa lang ng sasakyan nababasa ko na ang katagang "MUSELEO DE CHEUNG" Bumaba ako at kinuha ang mga rosas na dala ko.
For the first time in almost three years pumunta ako rito. Pagpasok ko pa lamang nakita ko na ang litrato ni Mama. Tinignan ko ang nakaukit sa libingan niya, "Ma. Cecelia Cheung Gervacio. February 4, 1970 – June 12, 2017"
Nagtirik ako ng kandila para kay mama at umupo sa isang sofa namin.
"Ma, saan ako magsisimula? Pasensya ka na ha ngayon lang nakadalaw si shobe sayo" Ngumiti ako sa kanya.
"Sa loob ng higit dalawang taon ma hinugot ko lahat ng lakas na kailangan ko para makapunta rito. Hindi ko pa kasi talaga kaya na ibaon sa limot ang nangyari sayo. Akala ko ma malakas ako, akala ko kaya ko na wala ka pero yung totoo akala ko lang pala yun."
"Kung maibabalik ko lang lahat ma gagawin ko. Ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Hindi ko alam ma kung paano ko nakayanan mabuhay sa loob ng panahon na wala ka na. Nakakatawa kasi they see me as a tough person pero yung totoo? I'm breaking and dying inside." Hindi ko na napigilan ang luha kong tumulo.
"Ma patawarin mo ko. Kasalanan ko kaya wala ka na ngayon. Kasi dapat tumawag ako agad ng inatake ka hindi yung umiyak lang ako sa gilid mo. Ma ang dami kong SANA na iniisip ko sa loob ng higit dalawang taon. Iniisip na kung hindi ka sana nawala magagawa natin ang mga bagay na gustong-gusto kong gawin natin."
"Ma gusto na kita makita ulit. Gusto ko nang mayakap, at mahalikan ka ulit. Ma miss na miss na kita. And I don't know anymore how to function well. Perhaps this is my fate, for cursing you. When I lost you ma, I lost myself in the process of finding your presence in other people's eyes. "
"Sana hindi ako nabuhay na galit sayo. Sana ma, sana."
Pagkatapos kong bisitahin ang puntod ni mama nag desisyon akong pumunta sa opisina ni Eros. Kailangan ko ng private investigator para ipahanap ang babaeng yun. Hindi ko hahayaan na matulad siya sa akin.
"Mam mahirap po yang pinapagawa niyo."
"Kaya nga kinuha kita diba?"
"Kahit litrato lang po mam wala kayo? Kahit pangalan?"
"Wala. Yan lang ang impormasyong meron ako. She is working in this bar for almost 12 years or more than 10 years ago."
"Sige po susubukan ko."
"Good. I need that before new year. Thank you."
Aligaga sila Nana at ang ibang katulong na pinadala ni tito para sa Noche Buena mamaya. Lumingo ako, seriously they really think na something will change kung sabay naming sasalubungin ang pasko? Tssssss.

BINABASA MO ANG
The Phantom of Dreams
Genel KurguAbout a certain girl who thinks she can deal with anything, but one certain event happened that made her change for the rest of her life.