TPD DISE OTSO

4 0 0
                                        


Bisperas ngayon ng pasko at habang aligaga ang lahat para sa noche buena mamaya, andito ako sa aking silid nagkukulong. Naririnig ko mula rito ang mga kantahan ng namamasko at preparations ng mga kapitbahay namin.

Umalis ako sa amin para mamasyal sa aming subdivision. Tanaw ko ang bawat bahay na nagkakasiyahan sa parating na pasko. Mayroon ding mga bahay na walang tao siguro mag papasko sa ibang lugar o bansa. Habang naglalakad nakakita ako ng bata,

"Mama totoo po ba yung sinabi ni kuya na pag hindi ako naging mabait hindi ako bibigyan ni Santa ng gift?" Tanong ng bata na siyang dahilan para ngumiti ang kanyang ina,

"Naku! Huwag kang maniniwala sa kuya mo, ikaw pa makakalimutan bigyan ni Santa eh ang bait bait mo kaya!" Sabi ng kanyang ina.

"Alam mo mama, di baling hindi na ako bigyan ni Santa ng regalo basta bigyan niya lang kayo ng mataas na mataas na buhay yung mga 1 million dollars na buhay" Sabi ng bata sabay yakap sa kanyang nanay.

Napangiti ako, ganyan din ang hiling ko taon taon pero isang taon lang na nag-iba ang hiling ko tinupad niya naman agad.

Nang sumapit ang alas otso ng gabi tinawag na ako ni Nana dahil kakain na raw kami. Habang papalapit pa lamang ako sa hapag kainan nabubusesan ko na siya. Dumiretso ako sa aking upuan ng walang sinasabi na kahit ni isa man sa kanila.

Tahimik kaming lahat habang kumakain na aakalain mong kumakain ang lahat ng santo sa langit. Nang matapos na kaming kumain dumiretso silang lahat sa sala upang mag usap-usap at kung ano-ano pa.

Pumunta ako ng kwarto para lamang mag bihis na dahil hindi ko sasalubungin ang pasko na sila ang kasama ko. Nang makababa ako ng hagdanan unang nakapansin sa akin si Iron,

"Shobe saan ka pupunta?"

"Aalis ka? Mag papasko na AR" Dalo naman sa akin ni Ace

Kahit kinausap ako ng pinsan ko tinuon ko lahat ng atensyon ko kay Iron,

"Aalis ako." Simpleng sagot ko sa tanong niya.

"Bakit ka aalis?"

"Hindi ba obvious sayo? Ibig sabihin hindi ako rito mag papasko." Sabi ko sa kanya ng akmang aalis na.

"Hindi ka pwedeng umalis!" Sabi niya sa akin habang hinahawakan ang palapulsuhan ko.

Tinanggal ko ang sarili sa kanyang pagkakahawak at hinarap siya.

"Sino ka ba para pag bawalan ako?" Tanong ko sa kanya.

"Ariah" Tawag ni papa sa akin.

Tinignan ko ng matalim si papa, no pa, no one can stop me, not even you.

Patuloy lang ang alis ko ng biglang umalingawngaw ang sigaw niya.

"SHOW SOME RESPECT IN THIS FAMILY ARIAH!" Na naging dahilan para lingunin ko siya.

"Respect? To whom? To Iron?" Tanong ko na parang natatawa

"Ariah that's your ahia" Sabi naman ng Tito Greg ko

Nilingon ko siya, "Yeah right! I need to show some respect to my older brother kahit na pinakikialaman niya na ang buhay ko!." Sabi ko ng lumilingo.

"Merry Christmas every ---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla siyang sumigaw ulit.

"SHOBE!" Na naging dahilan para balingan ko siya ng aking atensyon.

"WHERE'S YOUR RESPECT AND MANNERS? DID YOU FORGET TO BRING THAT BACK HERE IN MANILA?" Kinuyom ko ang kamao ko sa sinabi niya. Magsasalita pa sana ako nang magsalita siya ulit,

The Phantom of DreamsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon