TPD DYES

4 0 1
                                        


"Ano bang problema mong bata ka?" Salubong agad sa akin ni papa pagkabukas ko ng pinto.

Hindi ko siya sinagot at bumalik ako sa kama para matulog ulit.

"Ariah" Sabi ni papa.

"Go away pa!" Sagot ko sa kanya. Tinanggal niya ang kumot na nakatabon sa akin at binuksan ang kurtina para ma arawan ako.

"PA!" Sigaw ko sa kanya ng makabangon ako at binalik sa dating posisyon ang kurtina.

"Ano ba? Umalis nga po kayo rito!" Pabalik na sana ako sa kama ng magsalita si papa.

"Ano bang problema mong bata ka? Dalawang araw kanang nagkukulong dito ni hindi mo kami kinakausap ni Nana mo."

"Pa, I just want to have a good sleep okay? Kaya please!" Sabi ko sa kanya.

"Ayaw mo ba siyang dalawin?" Tanong ni papa.

"Kung gusto niyo siya puntahan then go ahead! Pwede ba? Let me sleep in peace go away!" Sabi ko sa kanya sabay higa sa kama.

Lately masyadong mainitin ang ulo ko at mabilis din mag bago ang mood ko. I think I need to unwind I don't know how.

Sa sumunod na tatlong araw ay mas nag kulong pa ako sa kwarto bumababa lang ako kung kakain at maliligo minsan hindi ko rin ginagawa. Isang araw biglang kumatok si Nana,

"Bakit po?" Tanong ko.

"May naghahanap sayo."

"Ha? Sino naman po?" Tanong ko.

Hindi naman sinagot ni Nana ang tanong ko kaya wala akong nagawa kundi tignan kung sino ang naghahanap sa akin. Nang makita ko ang naghahanap bigla agad kumunot ang noo ko.

"Bakit niyo ko hinahanap? Anong kailangan niyo?" Sunod-sunod kong tanong.

"Ito naman oh hindi ba pwedeng na miss ka namin?" Sagot naman ni Audrey.

Tinignan ko lang si Levi na parang unang beses niyang umapak dito sa bahay.

"Na saan ang papa mo?" Tanong niya. Nagkibit balikat lang ako dahil hindi ko naman alam kaya tinanong ko si Nana na naghahanda ng meryenda.

"Naku iho umuwi ng Manila may pinuntahan." Sabi ni Nana.

"Ano? Pumunta siya Nana?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, hindi ka na niya tinanong kung gusto mong sumama kasi alam niya na ang sagot. Magkikita lang sila ng kapatid mo tsaka pupunt -----"

"May kapatid ka Ariah?" Tanong ni Audrey na nagagalak.

"Bakit hindi niyo siya kasama?" Tanong niya ulit.

"Naku iha yung kapatid niya kasi nag tra----"

"Nana" Tawag ko sa kanya na may halong pagbabanta. Tinignan naman ako ni Levi. Bago umalis si Nana may sinabi siya.

"Dito na kayo mag hapunan mga bata minsan lang may dumalaw kay Ariah." Lumingon naman siya sa akin,

"Ariah tumawag ahia mo." Yun lang sinabi ni Nana at umalis na siya.

Tinignan nila akong dalawa na para bang may maling sinabi si Nana hindi ko na lang pinansin yun.

"Ano bang kailangan niyo?" Tanong ko.

"Kasi nga may outing ang lahat ng members ng publication baka gusto mong sumama?" Sabi ni Audrey.

"Huwag na Audrey may ginagawa kasi ako rito sa bahay kayo na lang." Ngiti kong sagot sa kanya.

The Phantom of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon