TPD SINGKO

6 0 0
                                    


Nandito ako sa school kahit wala namang pasok. We are preparing for the upcoming intramurals and I need to cheer for my college. Napadaan ako sa kapilya, habang tinititigan ko ito naalala ko iyong mga panaginip ko, pero mas naalala ko yung unang pagtatagpo namin dito ni Levi. Dahil sa kanya nagkaroon ako ng mga matatawag kong acquitance, hindi ako mag-isa. Napangiti ako sa sariling mga iniisip.

"Bakit nakangiti ka?" Nilingon ko yung boses at nakita ko si Levi na nakatayo sa gilid ko.

"Wala lang marami na rin kasing nangyari simula noong nag-aral ako rito, and everything is very unexpected natutuwa lang ako." Sagot ko sa kanya.

"Mabuti naman at masaya ka." Ngiti niya sa akin, at tumango lang ako sa kanya.

"Saan ka ba papunta?"

"Ah, kukuha ako ng materials sa stock room para e decorate sa both namin. Responsibility daw kasi yun ng mga seniors eh, wala naman akong ginagawa kaya nag presenta na lang ako."

"Madami ka bang kukunin?" Tanong niya.

"Hindi ko alam kong marami to pero ito yung listahan na binigay sa akin ni Audrey, siya rin pala kasi yung president ng SSG namin" Sabay pakita sa kanya sa papel.

"Alam mo ba kung saan ang stock room?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Nang hindi ako makasagot bigla na lang siyang nag lakad palayo sa akin.

"Tara samahan na kita." Sabi niya sa akin.

Sinundan ko na rin siya kasi hindi ko talaga alam. Nang makarating kami sa stock room pinapirma pa ako sa mga papers kasi kailangan daw yun for liquidations tinulungan naman ako ni Levi sa mga ginagawa.

Nang makapasok na kami ni Levi sa stock room,

"Ako na kukuha sa mga gamit na kakailanganin ninyo para hindi ka na mahirapan."

"Hindi na Levi ako na -----" bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

"Shhhh ako na." Ang lapit ng mukha niya sa akin. *dug dug* dug dug*

Tanginang puso to bakit ako kinakabahan? Tinititigan ko si Levi habang abala siya sa pagkuha sa mga gamit. Ibang-iba siya sa mga nakilala ko sa Manila. Hindi niya ako kilala pero ang bait niya sa akin. Hindi niya alam kung ano ang pinang-gagalingan ko pero hindi siya nag atubiling kilalanin ako kung sino ako ngayon. Matanggap niya kaya ako kung sakaling malaman niya kung sino talaga ako?

Habang abala siya mga ginagawa niya bigla ko na lang siyang tinanong,

"Levi, bakit mo nga pala ako nilapitan sa kapilya nung unang beses tayong nagkakilala?"

"Hindi ko rin alam. Basta dinala na lang ako ng mga paa ko patungo sayo." Sagot niya.

"Hindi kaya naaawa ka lang sa akin?"

Bigla niya akong nilingon at tinitigan, "May dahilan ba ako para kaawaan ka? Dapat na ba akong maawa sayo dahil palagi kang mag-isa? Yung totoo Ariah, hindi ko talaga alam kung bakit kita nilapitan sa araw na yun, pero isa lang ang sigurado ako hindi yun dahil sa naawa ako sayo." Sabay balik niyang lingon sa mga gamit sa harap niya.

Sana Levi pwede kong ibahagi sayo ang totoong Ariah. Sana pag nagawa ko yun hindi mag-iba tingin mo sa akin. Tinititigan ko lamang siya.

"Ariah"

"Ariah"

"Ariah"

"Hoy Ariah!" Bigla niyang hawak sa akin. Bigla akong nagising sa reyalidad at ang mukha ni Levi ang tumambad sa akin.

"Okay ka lang?" Pag-alala niya sa akin.

"Ah, oo sorry."

"Mabuti naman tara na." Ngiti niya sa akin sabay lakad palayo.

The Phantom of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon