Hindi ko alam kung ano tong trip ni Levi at nandito kami ngayon sa bayan. Ang sabi niya sa akin pupunta raw kami sa burol nung babaeng namatay pero mukha ba tong burol? Hay naku.
"Bakit nakasimangot ka?" Tingin niya sa akin na may pagtataka.
Hindi ko siya sinagot at tumingin na lamang sa mga paninda rito. This place is totally different from the city. Who would have thought that a market should be put in the street? Crazy right? Instead na manood, bumili na lang ako ng mga pasalubong para kina Nana at papa tiyak na matutuwa yung dalawang yon hindi na ako makapaghintay sa mga mukha nila.
"Ang dami mong pinamili ha?"
"Minsan lang kasi ako makapunta rito sa merkado ng bayan, nilubos-lubos ko na. Hindi lang naman to para sa akin eh, para rin to kina Nana at papa." Sabay ngiti ko.
"Alam mo yung kaluluwa nung babaeng ginahasa pagala-gala raw."
"Paano mo nasabi?"
"May mga biktima na raw eh. Sila ang nagkwekwento."
"Weee? Di nga?"
"Oo nga. Malamang yung kaluluwa nong babae pagala-gala talaga kasi wala pa raw suspek sa panghahalay eh."
"Hindi naman totoo ang mga multo. Katulad mo lang na baliw ang maniniwala dyan hahaha."
"Ariah?" Tawag sa akin ni Levi.
"Ah, bakit?" sagot ko.
"Bakit nakatulala ka sa dalawang ale? Kilala mo sila?" Tinignan niya rin ang dalawang ale na kani-kanina lang nag-uusap tungkol sa aming kamag-aral.
"Hindi. Nagtatalo kasi sila kung totoo ba yung mga multo o hindi," sabi ko sa kaniya.
"Ahhhh, eh ikaw naniniwala ka ba sa multo?" Tanong niya sa akin.
Napatitig ako kay Levi. Multo? Sabi niya sa akin dati totoo raw yung mga multo. Minsan pa nga yun yung panakot niya sa akin eh pero ang nakakatawa, I never got scared kasi since bata pa ako mas takot na ako sa tao. Now that I am older the more I am convinced that humans are way scarier than ghosts. Well, I remember so many people.
"Ariah?" Hinawakan ni Levi ang aking mga kamay.
"Oh?" Bigla kong sagot sa kaniya.
"Nagulat ka ba sa tanong ko?"
"Ha? Ah, hindi napaisip lang sorry. Multo? Hindi eh. I don't believe in ghosts. To see is to believe for me eh. Ikaw ba?" Pabalik kong tanong sa kaniya. Naniniwala kaya to?
"Oo naniniwala ako sa mga multo at yun yung hilig ko." When I look at Levi's eyes I felt something, yung parang mga mata na maraming tinatago. Yung mga matang -----
"ARIAH!"
"Ahhhhh sorry. Pasensya ka na. Ano nga yung sinabi mo?" Tanong ko ulit sa kaniya.
"Sabi ko halika na at pupuntahan natin yung babae."
"Ha? Pupuntahan? Saan?"
"Anong saan? Malamang sa bahay nila huwag mong sabihin sa pinangyarihan ang iniisip mo?"
"Ah, *Ehem* hindi ah ang ibig kong sabihin saan ang bahay nila."
"Sa Pelayo Street daw natanong ko kanina sa isang ale mga dalawang kanto galing dito. Ano? Tuloy pa tayo?"
"Sige tara." At sumakay na kami ni Levi papunta sa Pelayo Street.
Pagkarating na pagkarating namin ni Levi hinarang kaagad kami ng isang lalaking lasing at hiningian ng abuloy. Tatanggi na sana si Levi ngunit inabot ko ang isang libo sa lalaki.

BINABASA MO ANG
The Phantom of Dreams
General FictionAbout a certain girl who thinks she can deal with anything, but one certain event happened that made her change for the rest of her life.