Nagkaroon ng kaguluhan ng makita ang nakahandusay na si Ash sa sahig, agad naman siyang dinaluhan ni Levi.
"TUMAWAG KAYO NA AMBULASYA BILIS!" Sigaw niya kina Jin
"ANO NA? BILISAN NIYO!" Sigaw naman ni Glenda
"ASH MAKINIG KA SA AKIN HUWAG KANG BUMITAW OKAY?" At kinarga na nga siya ni Levi sa bisig niya.
"Pre dito" Sabi ni Jin
Bigla na lang tumulo ang luha ko, fuck may mawawala na naman ba?
"Ariah okay ka lang?" Dalo naman sa akin ni Audrey
Gusto kong sumigaw na hindi ako okay pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Niyakap na lang ako ni Audrey at wala na siyang ibang sinabi.
Lahat ay pinapunta muna sa hospital.
"May masakit ba sayo iha?" Tanong ng doctor.
Lumingo lamang ako bilang sagot. Nang matapos ng busisiin ng doctor ang mga kamag-aral ko lumabas na kami. Kasama ko sina Audrey and Carmina.
"Kamusta na kaya si Ash?" Pag-aalalang tanong ni Carmina.
"Magiging okay din si Ash tiwala lang." Sagot naman ni Audrey.
Biglang lumabas ang doctor sa kung saan man siyang lupalop galing.
"Doc kamusta po siya?" Si Levi agad ang unang nag tanong.
"Ka ano-ano ka ng pasyente?"
Pagkatapos mag tanong ang doctor ay parang tila narinig ng sanlibutan ang kaniyang tanong ng biglang sumugod ang mga magulang ni Ash sa kanya.
"How's my daughter doc?" Tanong ng mama ni Ash.
"As of now mam she's okay but we need to monitor her condition dahil medyo malalim ang pagkakasaksak sa kanya."
"Doc, do everything you can and we will pay you."
Dumating naman ang mga police para kumuha ng statement at mag report.
"How's the investigation chief?" Tanong ng papa ni Ash
"Attorney hindi pa namin na sisimulan dahil medyo gulantang pa ang mga bata pero bukas magsisimula na kami and we will give you an update right away." Sagot naman nung police.
Inaya na kami ni Carmina na umuwi dahil masyado ng gabi ihahatid na lang daw kami ng tatay niyang tricycle driver. Pumayag naman kami ni Audrey. Paalis na kami ng bigla akong tinawag ng mama ni Ash,
"Ikaw! Ikaw yung sinasabi ni Ash na nagbanta sa buhay niya!" Paratang ng mama niya sa akin.
"Po? Hin ----" Hindi pa ako nakakapagpaliwanag isang malutong na sampal na ang sinalubong niya sa akin.
"Ang kapal ng mukha mong pag bantaan ang anak ko! Ikaw na nga yung bago rito kung maka-asta ka parang ang dali lang sayo na kunin ang buhay!" Sunod-sunod niyang sabi.
"Tama na yan. chief ikulong niyo na to." Sagot naman ng tatay ni Ash.
"Teka lang naman po" Apila ni Carmina.
"Hindi niyo po ako pwede arestuhin. Nasa batas po yan." Sagot ko.
"Dito sa atin walang kinikilalang batas! Abogado ako at alam ko yun. Chief sige na damputin niyo nato."
Bago paman ako mahawakan ng isang police I just snapped.
"Don't you dare touch me with your filthy hands!" Tinignan ko sila ng matalim na naging dahilan ng pag-atras nila.
"Aba matapang ka pa ha." Hawak sa akin ng papa ni Ash.
"Tito tama na po." Pagkuha sa akin ni Jin.

BINABASA MO ANG
The Phantom of Dreams
Ficción GeneralAbout a certain girl who thinks she can deal with anything, but one certain event happened that made her change for the rest of her life.