"Ariah! Ariah! Ariah!" Dinig na dinig ko ang pagkatok ni Nana sa pintuan. Anong oras na ba? Pag tingin ko sa aking orasan alas otso impunto. Bigla akong napabalikwas sa pagkakahiga sabay kuha ko sa aking tuwalya at dali-daling lumabas sa kwarto.
"Ari----" hindi ko na hinintay na mag salita pa si Nana kumaripas na ako ng takbo papunta ng cr. Patay ako nito sa mga ka grupo ko ano bang buhay to!
Pagkatapo kong mag bihis at mag ayos dumiretso na ako sa hapag at nakita ko si papa na kumakain na rin ng agahan.
"Ah pa----" biglang nagsalita si papa.
"Kung magpapahatid ka sa akin bilisan mo na kumain diyan. Anong oras ba dapat kayo magkikita?" Tanong ni papa sa akin.
"Ahhhhhh, 8 am po pa." Biglang binaba ni papa ang kubyertos niya at tinignan ako. Naku ito na naman po tayo anong sasabihin ko kay papa bakit late akong gumising ngayon? Dahil sa mga multo? Sa mga bangungut?
"Ariah ano ba ang sabi ko sayo tungkol sa pagpapahalaga ng oras ng iba?" Tanong niya sa akin.
"Eh pa naman napasarap po yung tulog ko eh tsaka hindi naman po siguro maagang dadating yung mga ka grupo ko tsaka kalahating oras pa naman akong late eh okay lang yun." Actually hindi ko yun sinasabi kay papa, I am just assuring myself that it is okay even though hindi ko talaga alam kung okay lang iyon.
Hindi na lamang nagsalita si papa dahil alam niyang hahaba lamang ang usapan namin kung pagsasabihan niya pa ako.
Hinatid nga ako ni papa sa labas ng paaralan namin. At tama ako wala pa ang mga kagrupo ko gusto kong ipagmalaki yun kay papa kaso hindi ko na ginawa.
Lumipas ang dalawang oras hindi pa sila dumarating. Mali ba iyong lugar na napuntahan ko? Oh baka binago nila tapos nakalimutan nila ako? Hay ewan kakain na nga lang muna ako.
Lumipas na ang tanghali at wala pa talaga. Naiwan ko pa naman ang cellphone ko sa pagmamadali, baka nga kasi talaga naiwan nila ako?
Pag totong ng oras sa alas dos umuwi na ako sa amin. Tinanong pa nga ako ni Nana kung kumusta raw iyong ginawa namin sabi ko "okay lang" kahit wala naman talagang nangyari. Naghintay lang ako sa wala.
Kinabukasan, hindi ko nakita si Levi, si Jin o kahit isa man lamang sa kanila. Pero naiintindihan ko iyon. Sa History class ko nilapitan ko ka agad sila Jin para mag sorry ayon naman sa kanila okay lang daw kasi akala nila hindi na ako darating. Pinagkibit-balikat ko na lang ang mga reaksyon nila sa akin.
Nag patuloy ang araw ko na hindi ko man lang nakakausap si Levi hanggang sa nakauwi ako. Napansin ni Nana ang pananahimik ko kaya pinuntahan niya ako sa kwatro.
"May problema ba?" Pambungad niya agad sa akin.
Nginitian ko si Nana sabay sabing, "wala naman po. Sadyang hindi lang maganda ang pakiramdam ko."
Hinawakan ni Nana ang mga daliri ko, "alam mo iha, simula bata ka pa lang kilala na kita. Tuwing tahimik ka may pinagdadaanan ka. Sige na, sabihin mo na kay Nana kung ano ba talaga ang problema."
Tinitigan ko si Nana, ayuko kung sabihin sa kaniya kasi alam kong mag-aalala lamang siya o worst baka ano pa ang isipin niya. Nginitian ko lamang siya, assuring her na I'm fine and doing good.
Bago pa makaalis si Nana bigla siyang nagsalita, "tumawag nga pala siya kanina tinatanong kung pwede ka niyang dalawin o kung pwede mo siyang tawagan."
Nagulat ako sa sinabi ni Nana, nanginig ang katawan ko at hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.
"Iha gusto ko---" pinutol ko ang pagbabadyang pagsasalita ni Nana.

BINABASA MO ANG
The Phantom of Dreams
Aktuelle LiteraturAbout a certain girl who thinks she can deal with anything, but one certain event happened that made her change for the rest of her life.