Simula noong pasko hindi na ako umuuwi sa bahay. Doon ako umuuwi sa condo ko mag-isa katulad noon. Simula rin noong nangyari yun sa amin ng pamilya ko parang wala lang din nangyari kasi hindi naman ako hinahanap sa bahay eh. Papunta sana ako sa mall nang makita kong nag park ang sasakyan ni Eros kaya imbis na tumuloy umiwas ako. While on my way home dumaan ako sa isang kilalang fast food chain para bumili ng dinner, dumaan din ako sa convenience store para bumili ng alak. Ng nasa bahay na ako pinili kong mag tambay sa balcony habang kumakain at umiinom ng alak.
Tinignan ko ang mga bituin sa langit tiyak isa dyan ang mama ko kasi bukod sa siya ang ilaw namin, kasing ganda niya rin ang mga bituin. Habang naiisip ko si mama naalala ko kanina nung makita ko si Eros, ngumiti lang ako sa kawalan.
Kung hindi nangyari yun sa bahay baka nilapitan ko na si Eros kaso nangyari yun eh. Nahihiya ako magpakita sa kanya matapos ang nangyari sa bahay. Nahihiya ako kasi hindi ko napigilan ang sarili ko. Nahihiya ako kasi nawala ko yung respeto ko sa kanila, dinamay ko pa yung mama niya.
Isa sa mga rason ko kung bakit ayukong umuwi sa bahay dahil nahihiya ako kay papa. Nahihiya ako kasi hindi niya naman ako pinalaki ng ganun. Hindi nila kami pinalaki ni Iron na walang respeto sa nakakatanda at sa pamilya. Nahihiya ako kay papa kasi hindi ako nakinig sa kanya. Nahihiya ako kasi hindi ko na control yung sarili ko. Hinayaan ko yung sarili ko na ilabas lahat ng galit na meron ako sa loob ko. Lahat ng mga bagay na insecure ako. Pinakita ko kay papa na all this time hindi pala sapat para sa akin yung atensyon at pagmamahal na binigay at binibigay niya. Nahihiya lang ako sa kanya dahil simula noong mawala si mama nag iba ako, na kahit ako hindi ko na makilala ang sariling ako.
Tumingin ako sa mga bituin,
"Why do I feel like I don't deserve any amount of happiness? Is it too much to ask?"
"Why is the universe is taking its back against me?""
"I hope my other self in the other dimension is happy right now, unlike me na sa sobrang dami ng pinagdadaanan wala nang maramdaman.
Pagkatapos kong aliwin ang sarili niligpit ko ang mga gamit ko sa balcony. Pinatay ko na ang mga ilaw at papunta na sana sa kwarto ng may narinig akong kaloskos sa kusina. Nang puntahan ko ito wala namang kung ano nang may narinig akong umiiyak. Hinanap ko ang boses ng may nakita akong anino na nakatayo sa balcony nang medyo na hawi ang kurtina may nakita akong babae na kasing tangkad ko na tumingin sa direksyon ko, tatanungin ko na sana kung sino siya ng makita kong tumulon siya bigla sa balcony ko.
"HUWAAAAAAG!" Sigaw ko ng tuluyan ng makatalon ang babe tinakbo ko kaagad ang distansya ko papunta sa pintuan ng balcony. Nang tignan ko kung may komusyon ba sa baba nagulat ako na parang wala naman. Kaya para masagot ang tanong ko kailangan kong bumaba nang malapit na ako sa pintuan narinig ko na naman ang iyak ng isang bata. Hindi ba ang babae ang umiiyak?
Nakita ko ang sarili ko na papunta sa aking kwarto ng buksan ko ang pinto tumambad sa akin ang batang babae na nakayuko sa aking cabinet umiiyak, humahagolgol.
"Sorry po. Sorry." Sabi ng bata. Nilapitan ko siya.
"Bakit ka humihingi ng tawad bata?" Tanong ko. Patuloy parin siya sa pag-iyak
"Sorry po. Sorry hindi ko na uulitin. Sorry po." Hinawakan ko ang ulo niya
"Shhhhhh tahan na okay lang yun."
"Sorry po. Sorry po."
"Bata?" Ginilaw niya ang sarili at biglang
"SORRY PO! SORRY PO HAHAHAHA" Sabi niya sa akin sabay tingin ng masama sa akin.
"BAKIT HINAYAAN MO YUN?"
"Anong sinasabi mo?" Tanong ko.
"BAKIT MO HNAYAAN NA MAMATAY YUN!" Sabi niya palapit sa akin.
BINABASA MO ANG
The Phantom of Dreams
General FictionAbout a certain girl who thinks she can deal with anything, but one certain event happened that made her change for the rest of her life.
