TPD TRESE

2 0 0
                                        


Nasa library ako gumagawa ng thesis ng makita ako ni Audrey,

"Hi Ariah magkikita kami lahat mamaya sa pub office baka gusto mong sumama?" Tanong niya

"Hindi na Audrey marami pa kasi akong gagawin tsaka kailangan mataas ang matatapos ko rito sa paper ko eh at may quiz tayo bukas di ba?" Sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"Oo nga pala no? Pero hindi ka na sumasabay sa amin hindi ka na rin nagpapakita sa pub office masyado ka atang sobsob sa pag-aaral ha?" Sabi niya sabay tawa

"Kailangan eh delayed na ako kasi nga transferee tapos may iba pa akong minors na hindi ko nakuha last sem so kailangan ko talagang magmadali." Sabi ko sa kanya.

"Sige pero kung sakaling magbago ang isip mo text mo lang ako." Sabi niya ng paalis na siya.

Higit isang buwan na ang nakalipas simula noong nangyari yun sa amin ni Levi at simula noon hindi na kami ulit nagkita rito sa school ewan ko rin ba bakit siguro dahil parehas kaming busy.

Nag-aantay ako ng tricycle ng nakita ko ang mama ni May na nakasakay sa isa pang motorsiklo ewan ko ba pero bigla ko lang pinara ang parating na tricycle,

"Kuya sundan niyo po yun please paki bilisan po." Sabi ko sa driver.

Hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa pero something is really off and I cannot stop myself from doing this. I found myself in the public cemetery kung saan din bumaba ang mama ni May.

"Kuya pwede po bang hintayin niyo ko saglit? Babalik din po ako agad." Sabi ko at pumayag naman si manong driver.

Sinundan ko ang mama ni May na akala ko ay dadalawin siya ngunit mali pala ako. Nakatayo siya sa isang puntod na hindi pamilyar sa akin. Sino to?

"Kung hindi mo ginawa yun kay May hindi siya mawawala. Kung hindi mo siya pinagkaitan ng kalayaan at tinanggalan ng kamusmusan hindi siya mamamatay." Saad ng nanay niya.

"Ikaw ang sumira sa kanya. Ikaw at ang pamilya mo!" Sigaw niya.

"Paano ko hahanapin ang taong gumawa sa kanya nun kung ako mismo ay takot na takot? Saan ako magsisimula?" Iyak niyang sabi.

"Kung hindi kita nakilala hindi sana magiging ganon ang kahihinatnan ng anak ko! Hindi mawawala sa akin si May"

Nahihiwagaan ako sa nanay ni May sino pa kaya ang pwede niyang bisitahin sa sementeryo maliban sa anak niya? Nag-isip isip ako hanggang sa maalala yung sinabi ng kaibigan ni May na namatay ang tatay niya pagkatapos malaman ng lahat sa kanila na ginahasa siya ibig sabihin tatay niya yun?

Kinabukasan pumunta ako sa wet market ng San Jose Javier dahil may inutos na rekados sa akin si Nana para sa lulutuin niya mamayang hapunan. Matapos kong mabili lahat pauwi na sana ako ng makita ko ang tiyuhin ni May at sa di inaasahang pagkakataon nilapitan ako nito.

"Iha di ba kaibigan ka ni May?" Paunang tanong niya at kahit hindi ay napilitan na lamang akong tumango.

"Alam kong matagal na pero pasensya ka na sa nangyari nung burol ha?" Sabi niya sa akin sabay ng pag tap niya sa balikat ko.

"Okay lang po yun sige po una na ako." Nang malagpasan ko ang tiyuhin ni May eksakto naman na may nakabangga akong lalaki na halos ka edad ko lang.

"Sorry miss" Dalo niya agad sa akin.

"Okay lang." Tinulungan niya akong pulutin ang mga nahulog kong mga dala.

Tumango lamang ako sa kanya bilang pasasalamat sa tulong. Habang nag-aantay ako ng masasakyan sa abangan ng mga tricycle sa gilid ko nakita ko yung lalaking nakabangga ko kanina sa loob. Mag sosorry na dapat ako at magpapasalamat sa naitulong niya sa akin kanina ng tinabihan siya ng tiyuhin ni May.

The Phantom of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon