"Umalis kana, umalis ka na, umalis ka na, umalis ... AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH" , biglang sigaw ko. Binabangungut na naman ako. Napanaginipan ko na naman siya.
"Anong oras na ba?" Napatingin ako sa aking cellphone at nakita ko alas tres impunto na ng hating gabi.
Papunta ako sa kusina para uminom ng tubig ng may makita akong anino sa may kurtina.
"Binangungut ka na naman ba?" Bigla akong nasamid sa aking pag-inom.
"Nana naman! Mag abiso nga po kayo na nandyan kayo hindi yung bigla-bigla na lamang po kayong manggugulat."
"Pasensya na iha nakita kasi kita na tila malalim ang iniisip. Eh napapainom ka lamang naman ng tubig sa ganitong oras sa tuwing may napapanaginipan kang hindi maganda."
"Hindi naman po. Nagising lamang po talaga ako ngayon. Sige po tulog na po ulit ako."
"Iha?"
"Po?"
"Matagal-tagal na noong nagsimula ang pasukan may mga kaibigan ka na ba?"
Hindi ko sinagot ang tanong ni Nana bagkus ay nginitian ko lamang siya. Nang makapasok na ako sa kwarto inisip ko yung tanong niya? Kaibigan? Hindi ko ata kailangan non.
"Ariah gising na! Ariah"
"Hmmmm opo ito na po."
Alas singko pa lamang ng umaga pero kailangan ko ng bumangon dahil sa layo ng bahay namin mula sa paaralang pinapasukan ko. Medyo may pagkakaiba sa kinalakihan kong buhay pero sabi nga nila masasanay din ako.
Bumaba na ako at nakita ko si Nana na aligaga masyado sa gawaing bahay. Natawa na lamang ako sakaniya.
"Pa, maliligo na po ako sasabay ako sa inyo"
"Naku Ariah huwag kang sumabay dyan sa tatay mo at paalis na yan hindi ka pa kumakain."
Hindi ko na sinagot si Nana at dumiretso na ako sa cr para maligo. Nang matapos ko na ang pagliligo at pagbibihis narinig ko na ang busina ng sasakyan ni papa dali-dali akong bumaba dala ang aking bag at saka nag paalam kay Nana.
"Ariah hindi ka ba kakain muna?"
"Hindi na po may baon naman po ako eh salamat po."
At tumakbo na ako papunta sa sasakyan namin.
"Hindi ka na naman kumain."
"Pa, may 8 am class po ako e ayaw ko naman pong ma late syempre pagkakain pa ako edi iniwan mo na ako. Ayaw kong mag commute kaya!"
Hindi sumagot si papa at umalis na kami ng bahay.
Habang nakikinig ako ng musika natatanaw ko ang bawat lugar na nadadaanan namin ni papa. Ang ganda talaga rito sa amin. Nakangiti lamang ako buong byahe. Hindi ko namalayan nasa tapat na pala kami ng aking skwelahan. Paalis na ako ng biglang nagsalita si papa,
"Ariah"
"Po?"
"Yung napagkasunduan natin."
"Pero pa"
Tinaas ni papa ang salamin ng sasakyan at umalis na kaagad. Kailangan ba talaga noon?
Pumunta na ako sa tinatambayan ko palagi pag nandito na ako sa paaralan at nakita ko na may dalawang babae na nakaupo sa usual spot ko and honestly I hate it, but binalewala ko na lamang ito. Nag hanap ako ng ibang mauupuan ng bigla akong tawagin nung isang babae. Upon looking at her you will know na galing siya sa isang may kayang pamilya unlike the other girl she's with.
BINABASA MO ANG
The Phantom of Dreams
General FictionAbout a certain girl who thinks she can deal with anything, but one certain event happened that made her change for the rest of her life.