Nagpupumiglas ako sa taong may hawak sa akin. Hinila niya ako palayo sa dagat ng mga tao. Pagdating namin sa gilid ng kalsada bigla niya akong hinila paharap sa kanya at laking gulat ko na ang taong humila at nagtakip sa bibig ko ay si Levi.
Gusto kong umiyak sa inis, takot at galit pero kinalma ko ang sarili ko at nakipagtitigan kay Levi. Nang manapansing wala siyang balak magsalita nilunok ko ang malaking bukol na nakabara sa lalamunan ko na nagbabadyang lumabas.
"Ikaw lang pala yun! Akala ko kung sino na tinakot mo naman ako." Ngiti ko sa kanya sabay hawak sa dibdib ko.
"Nakita kasi kita na tumatakbo at parang takot na takot akala ko may humahabol sayo."
"Walang humahabol sa akin. Ako yung may hinahabol ayuko kasing napag-iiwanan ako kaya nung nakita ko si Aaron hinabol ko siya kaso dumating ka." Pagsisinungaling ko sa kanya.
"Ganon ba? Tara hanapin natin sila." Sabi niya sabay lakad ulit.
"Uhh Levi? Bakit hindi mo sila kasama?" Tanong ko
"Bigla rin silang nawala. Hindi naman yun kataka-taka eh marami rin kasing tao so isang lingat mo lang may mawawala talaga sayo." Sabi niya.
Pagkatapos nun hindi na ako nagsalita ulit. Hinayan ko na lang ang sarili kong manahimik. Hinanap namin sila sa buong plaza pero ni anino ng isa sa kanila wala kaming nakita. Napag desisyunan naming umuwi sa bahay na nirentahan namin at baka umuwi na sila. Habang papunta kami sa bahay nadaanan namin ang isang bar kung saan may nakita kaming babae na pilit isinasama nung tatlong ma ma napatigil kami ni Levi.
"Miss sige na halika na babayaran ka naman namin."
"AYUKONG SUMAMA SA INYO BITAWAN NIYO NGA AKO!" Sigaw niya habang nagpupumiglas.
"Miss mag-eenjoy ka pangako! Sige na halika na." Sabi nung ika-lawang lalaki.
"MAAWA KAYO BITAWAN NIYO KO AYUKONG SUMAMA SA INYO." Sigaw niya ulit.
"Aba huwag kang umakto na para kang santo miss baka nakakalimutan mong bayaran ka lang!" Sabi nung pangatlong lalaki.
"Huwag ka ng magdalawang isip na sumama. Diba ito naman ang gusto mo? Nasasarapan ka na kikita ka pa." Sabi nung ika-lawang lalaki.
"Propesyon mo to pwes panindigan mo!." Hila sa kanya nung pangatlong lalaki.
Ang babae ay sigaw parin ng sigaw ngunit tila bingi ang lahat ng nakakarinig at bulag ang mga nakakakita sa kanya. Sapilitan siyang isinama ng mga lalaki ng biglang lumapit si Levi sa kanila.
"Bitawan niyo siya!"
Tumakbo agad ako sa gilid ni Levi at hinila ang dulo ng damit niya.
"Levi"
"Bakit niyo pinipilit ang babae na sumama sa inyo kung ayaw niya!" Sabin i Levi sa kanila ng kalmado lamang.
"Bata hindi mo pa maiintidihan sa ngayon pero pag may edad ka na malalaman mo rin." Sabi nung unang lalaki.
"Maawa kayo sa akin ayukong sumama sa inyo." Iyak na sabi nung babae.
"Bitiwan niyo siya!" Sabi ulit ni Levi.
"At bakit namin bibitawan? Ulam namin to bata!" Sabi nung pangalawang lalaki.
"Respetuhin niyo ang desisyon niya, ayaw niyang sumama sa inyo!" Sumisigaw na si Levi kaya hinila ko ulit ang dulo ng damit niya
"Levi"
"Itong babaeng to? Rerespetuhin namin? Ni hindi niya nga magawa sa sarili niya kami pa kaya? Bayaran siyang babae trabaho niya na hindi respetuhin!" Sabi nung ikatlong lalaki sabay tawa
![](https://img.wattpad.com/cover/206763543-288-k482658.jpg)
BINABASA MO ANG
The Phantom of Dreams
Narrativa generaleAbout a certain girl who thinks she can deal with anything, but one certain event happened that made her change for the rest of her life.