Prologue

25.5K 289 40
                                    

Prologue

“Tol kumusta ka na?” tanong ni Greg sabay haplos sa likod ng kanyang kaibigan. “Ayos lang ako pare” bulong ni Enan. “Pare, you can open up with me. We are friends” sagot ni Greg. “E kung magaibigan tayo bakit ayaw mo maniwala sa sinasabi ko?” tanong ni Enan.

“Halata naman na hindi ka okay pare e” sabi ni Greg. “Halata naman palang hindi e bakit ka pa nagtatanong? Akala ko ba magkaibigan tayo? E di dapat alam mo na ano nararamdaman ko. Unless manhid ka” bulong ni Enan. “Tol naman e, I want to hear it from you. Halata na hindi ka okay pero I want you to tell me” drama ni Greg.

Huminga ng malalim si Enan sabay tinitigan ang kanyang kaibigan, “Kung sinabi ko totoo sa iyo are you willing to hug me? Will you let me cry on your shoulders? Will you cuddle with me and watch movies about love love love?” landi ni Enan.

“Gago naman to e, seryosong usapan na nga ito e” sabi ni Greg. “Okay lang ako pare” sabi ni Enan. “Tara pare inom tayo. Sagot ko pero kung gusto mo mas private sa bahay tayo” sabi ng kanyang kaibigan.

“Walanghiya ka tinatakot mo na ako. Alam mo sa mga movies e pag may nabigo sa pag ibig tapos may nagcomfort sa kanila e ending nila naghahalikan sila. So no thank you” sabi ni Enan. “Siraulo ka! Bakit naman kita hahalikan?” sigaw ni Greg.

“E ganon naman mga napapanood natin e. May na hurt broken, tapos may eentrada magtatanong are you okay bla bla bla. Tapos mamaya dinner sila or konting drinks, tapos mag oopen up na. Tapos mamaya romantic na sila tapos ayon alam mo na” kwento ni Enan.

“Kadiri ka talaga. I am being a friend to you tapos ganyan pa iniisip mo” sabi ni Greg. Sabay kinilabutan yung dalawa kaya agad sila nagtawanan. “Masakit pare. Di ko maipaliwanag pero ang sakit sakit” bulong ni Enan.

“Tol okay lang naman kung umiyak ka e. Siguro wala ka pinagsabihan so you can let it out. Dude magkaibigan tayo kaya sige lang” sabi ni Greg. “Ewan ko ba pare, basta ang sakit e. Parang nawalan ako ng isang itlog. Alam ko we don’t feel we have two, pero now parang di ka mapakali kasi alam iisa nalang” kwento ni Enan.

Nagpigil ng tawa si Greg, hinaplos nalang niya likod ng kanyang kaibigan. “Alam mo ba yung feeling na yon pare? Di naman natin talaga nararamdaman kung nandon pa yung dalawa e. Actually we don’t even think about that, pero the moment alam mo iisa nalang e parang iba ka na”

“Parang yun nalang lagi mo iniisip na iisa nalang. Parang nararamdaman mo na bigla na iisa nalang. Sorry pare pero di ko na alam pano mo ihahambing tong nararamdaman ko e. Pero do you understand what I am feeling?” tanong ni Enan.

“Pare boses mo palang nararamdaman na may mabigat kang dinadala, tara inom tayo” alok ni Greg. Sumama si Enan sa kanyang kaibigan, pagpasok nila sa kotse agad nag ayos si Greg. “Ganyan talaga siguro pag maganda, pag may nakita nang iba e don agad sila” sabi niya.

Bigla siyang tinignan ng masama ni Enan kaya si Greg umatras konti. “Wag na wag mo siyang pagsasalitaan ng masama” banta ni Enan. “Pare she hurt you” sagot ng kanyang kaibigan. “Wag na wag mo siya pag iisipan ng masama, pag sasalitaan ng masama, naiintindihan mo ba ako?” tanong ng binata.

Artistahin: CrossroadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon