Chapter 36: Ikang
Bumilis tibok ng puso ni Enan sa nerbyos, pansamantala siyang nanigas pero kitang kita talaga na mabilis yung takbo ng kotse papunta sa kanya. “Miss alam ko ako ang pinakagwapong lalake sa buong mundo pero habulin mo ako ng tumatakbo at wag habang nagmamaneho! Magpapahabol ako promise!” sigaw niya.
Agad siya siya tumalikod, tinaas ang dalawang kamay niya sabay tumakbo. Masyado mabilis yung takbo ng kotse, ang dalagang nagmamaneho napapikit na sabay dalawang paa tinapakan ang preno.
“Oh God why now?” bulong ni Enan, patakbo siya papunta sa isang dead end. Kumagat na yung preno pero tuloy ang pag skid ng kotse paharap patungo sa kanya. Nakataas parin ang dalawang kamay niya hawak ang fries and baso ng juice. Wala na siya tatakbuhan, nagdesisyon na siyang tumalon papunta sa kanan.
Papatalon palang siya, yung kotse saktong tumigil pero nabundol parin ang pwetan niya kaya nadapa face first and binata. “Oh my God, oh my God, nakapatay ako ng tao” bigkas ng dalaga na agad pinatay yung makina ng kotse sabay lumabas.
“Oh my God” bigkas ng dalaga paulit ulit, nabalot siya ng takot, napalingon sa paligid pero walang nakakita sa pangyayari. Dahan dahan siya lumapit, narinig niya ungol ng binata kaya agad siya lumuhod sa tabi nito.
“I am so sorry, are you okay?” tanong niya. Si Enan nakapikit, unang tinignan niya yung hawak niyang fries at baso ng juice. “Oh no, please say you are okay, please I don’t want to go to jail” sabi ng dalaga pero napasigaw siya nang makita yung dugo sa gilid ng mukha ng binata.
“I don’t have my phone, do you have a phone?” tanong ng dalaga kaya agad niya kinapkap yung katawan ng binata. “It’s not blood” bulong ni Enan. “What? What did you say? Don’t move baka lumala yung mga bali mo..oh no..oh no” tanong ng dalaga kaya nilapit niya mukha niya sa tenga ng binata.
“Catsup” sabi ni Enan kaya tinitigan ng dalaga yung parang dugo sa gilid ng mukha ng binata. Isang daliri niya humaplos, tumikim siya kaya agad siya tumawa. “Catsup! Oh thank God, but are you okay?” tanong niya.
“What do you think?” tanong ni Enan na dahan dahan napatingin sa kaliwa. Ang dalaga napanganga sa gulat, ang binata nanigas pagkat titig na titig siya sa mga hita ng dalaga at sumisilip nitong panty sa loob ng maluwang niyang silk shorts.
“Oh my God” sigaw ng dalaga kaya si Enan pumikit. “Sorry…sorry…I didn’t mean to…look at your Hello…meow meow…Kitty panty” sabi ng binata. Tumawa yung dalaga sabay binatukan sa ulo ang binata. “Naaksidente na nga ako babatukan mo pa ako. Konting silip lang naman” reklamo ng binata.
“Oh my God, long time no see!” sabi ng dalaga kaya tinignan na ng binata ang mukha ng dalaga. “Do I know you?” tanong niya. Ang dalaga ngumiti sabay piningot ang ilong ng dalaga. “Andoy!!!” sigaw niya sa tuwa.
Napatigil mundo ni Enan, muli niya tinignan yung magandang mukha ng dalaga sabay inuga ang kanyang ulo. “Imposible” bigkas niya. “Its me, the most beautiful girl in the whole world…nakaka insulto naman na di mo ako nakikilala” pacute ng dalaga.
“Ikang?” bigkas ni Enan. “Hi Andoy, I cant believe I almost killed you” sabi ng dalaga. “Ikaw nga, sinasadya mo ata e. Di mo parin ako napatawad ata e” sabi ng binata. Tumawa ng malakas yung dalaga sabay ginulo ang buhok ng binata. “Hey are you okay? Give me your phone at tatawag ako ng ambulance” sabi ni Ikang.
BINABASA MO ANG
Artistahin: Crossroad
RomanceA modern day Beast in search of true love Sundan muli ang pagpapatuloy ng kwento ni Enan sa ikatlong libro ng Artistahin BOOK 1 http://www.wattpad.com/story/9009893-artistahin BOOK 2 http://www.wattpad.com/story/15583369-artistahin-take-two