Chapter 11: Moving

12.5K 200 10
                                    

Chapter 11: Moving

Sabado ng hapon nagulat si Clarisse nang dumalaw si Enan sa tahanan nila. “Uy is that for me?” tanong ng dalaga nang makita yung karton ng brownies na hawak ng binata. “No, sakto nung paalis ako ng bahay e dumating sina Earl at Sally. Bigay ni Sally ito tapos hinatid pa nila ako dito” sabi ng binata.

Napanganga si Clarisse sa gulat kaya natawa ang binata. “Oh don’t be shocked, kilala mo naman ako Risse, di naman ako marunong magtanim ng galit. Kung marunong lang sana ako madami na ako inani ngayon” biro ng binata.

“Earl and Sally? Sila naghatid sa iyo dito tapos binigyan ka ng brownies” bigkas ng dalaga. “Magkaibigan na kami e, papasukin mo na kaya ako para matikman mo ito. Ang sarap grabe” sabi ni Enan.

“Ma! Nandito si Enan” sigaw ni Clarisse. “E di papasukin mo na” sagot ng kanyang nanay. Sa salas sila dumiretso, si Enan agad naglabas ng brownies sabay sinubuan ang dalaga. “Safe ito promise, sige na tikman mo” sabi ni Enan.

Kumagat ang dalaga sabay dahan dahan ngumuya. Ilang saglit napangiti siya at agad inagaw yung karton mula sa binata. “Ang sarap naman nito” sabi ni Clarisse. “Good, buhay ka pa so pwede na ako kumain” sabi ni Enan kaya nanlaki ang mga mata ng dalaga. “Joke lang to naman, tignan mo nga nakakain na ako ng isa kanina sa kotse nila no” sabi ni Enan.

“I still cannot believe that you are friends with them” sabi ni Clarisse. “Ako nga din e pero okay naman pala sila” sabi ng binata. “Does she make these? Wala ako nababasa sa box, parang home made” sabi ni Clarisse. “Ewan ko lang, di ko na tinanong kasi libre naman” biro ni Enan kaya nagtawanan sila.

“O bakit ka pumunta dito?” tanong ni Clarisse. “Para umakyat ng ligaw” banat ni Enan kaya natawa si Clarisse. “Tumigil ka nga Enan, seryoso bakit ka nandito?” tanong ng dalaga. “Makulit ka talaga, connect the dots, lalake bisita babae, may dalang sweets, o diba manliligaw yon? May kulang ba? Kailangan ko pa ba mag beautiful eyes?” tanong ni Enan.

Napatawa ng malakas si Clarisse, pinagkukurot ang binata sabay sinupalpal na pacute ang isang brownie sa bibig nito. “You know its bound to happen, mala prinsesa mong ganda meets my irresistible artistahing image” hirit ni Enan kaya napahalakhak ang dalaga at labis na nakiliti.

“Enan umayos ka nga, wag ka nga nagbibiro ng ganyan” sabi ni Clarisse. “Fine, nasan yung lalake mo?” sagot ni Enan. “As usual may laro sila. Winning streak daw sila. Oh you know what I think you inspired Greg. Shan told me na naging halimaw daw si Greg lately sa basketball” sabi ng dalaga.

“Kahit naman hindi naglalaro yon halimaw talaga yon e” banat ni Enan kaya napatawa ng malakas ang dalaga. “I think yung term na halimaw he used means gumaling daw ng husto si Greg” nilinaw ng dalaga. “Alam ko naman yon, anyway pano ko naman siya nainspire e sa aming lima ako pinaka tanga maglaro ng basketball?” sagot ng binata.

“Shan feels that since you now excel in singing, Greg naman daw now excels in basketball. Madami daw nabibilib sa kanya lately” kwento ng dalaga. “Uy talaga? Happy ako para sa kanya, sana magtuloy tuloy yan. Para pag nakikita siya wala na masyado yung lait, mangingibabaw na yung magaling na basketball player” sabi ni Enan.

Artistahin: CrossroadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon