Chapter 29: Happy Christmas
Nakangiti si Mikan habang pinapanood si Enan na nag iihaw ng barbeque. “Alam mo, pag ganitong oras its either nasa stage ako or nasa back stage na at nag aantay nalang oras” bulong ng dalaga. “Well may thirty minutes pa bago twelve, sakto maluluto to” sabi ni Enan.
Pinaatras ni Enan ang dalaga para di siya mausukan kaya si Mikan tumayo sa likuran ng binata sabay dahan dahan sumandal. Humawak ang dalaga sa baywang ng binata sabay dumungaw sa kanyang balikat. “Thank you Enan” bulong niya. “You are most welcome Mikaela” sagot ng binata kaya naglakas loob na ang dalaga na yakapin ito.
“Okay lang?” bulong ni Mikan. “Oo naman, sakto giniginaw ako” banat ni Enan. “Kanina pa ring ng ring phone mo, bakit ayaw mo sagutin?” tanong ng dalaga. “Mamaya na, dapat masanay ka na kasi ganyan talaga ang artistahin in demand” sabi ni Enan.
“Ah this one looks ready…para sure na walang lason magsasacrifice na ako para inyo” landi niya sabay kain sa barbeque. Bungisngis si Mikan kaya lumingon ang binata at pinakagat ang dalaga. “Hmmm..tastes good” pacute ng dalaga. “Secret timpla ni mommy, hinaluan niya ng pawis niya, konting muta at libag” sabi ng binata kaya nagtawanan sila.
“Sinabi ko na e, mamaya busog na kayo” sabi ni Rosa na biglang sumulpot kaya nanginig si Mikan at gusto nang bumitaw. Sumandal si Enan sabay pinakagat pa yung dalaga, “Ma, isa lang naman e, at para makasiguro lang naman kung masarap. Kung hindi e di syempre pack up na kami” biro ng binata.
“Mag tira kayo para sa amin” sabi ni Rosa. “Bakit po tita inuubos ba lagi ni Enan ang barbeque?” tanong ni Mikan. “Lagi, magtitira lang yan ng apat na piraso. Ang ganda ng katawan niya kaya di ko alam saan niya tinatago ang bulate niya” biro ni Rosa. “Ma may aaminin si Mikan sa iyo” sabi ni Enan. “Uy wala ha” sabi ng dalaga. “Ma, she got me pregnant. Buntis ako ma, nagdadalang tao na ako” banat ni Enan kaya natawa si Rosa habang si Mikan pinag uuga ang binata.
“Iha bantayan mo yan, pigilan mo siya pag kukuha pa ng isa” sabi ni Rosa sabay umalis. “Alam mo Mikaela sanay na mama ko sa mga biro ko. Minsan ride on ka lang. Happy happy lang dapat habang nandito ka sa amin” sabi ni Enan. “Sobrang happy, kanina na nga lang nung live stream grabe tuwang tuwa sila sa iyo” sabi ng dalaga.
“Bakit mo sila sinisingit, tungkol ito sa iyo. Ang importante mapasaya ka. Masaya ka ba?” tanong ni Enan kaya napangiti ang dalaga. “Sobra. Never been this happy” sabi ni Mikan. “Good to hear” sabi ni Enan.
“I am so amazed you speak Japanese and Spanish” sabi ni Mikan kaya natawa si Enan. “Kasi noon nagka crush ako ng half Japanese half Pinay, e sakto mahilig ako sa anime so nag aral ako ng salitang Hapon konti. You know to impress her, yung tipong babanat ako ng Hapon para pansinin ako. Bwisit half Japanese nga siya pero di pala siya marunong mag Niponggo, useless para lang ako tanga”
“Then nagaka crush ako ng tisay, nakakatawa talaga kasi usually mga tisay may Spanish sounding surnames. Akala ko talaga Spanish sila so nag aral din ako ng Spanish. Pangit problems. Kailangan mo mag aral ng sobrang dami para lang makilala yung gusto mong makilala”
“Had to learn how to draw, how to play the guitar, pati pagkanta kasi may crush din akong mahilig kumanta…siya yung medyo lakas tama ako talaga kaya todo practice ako sa banyo sa pagkanta. Basta kanta ng kanta, in the end pangit parin ako” sabi ni Enan sabay tumawa mag isa.
BINABASA MO ANG
Artistahin: Crossroad
RomanceA modern day Beast in search of true love Sundan muli ang pagpapatuloy ng kwento ni Enan sa ikatlong libro ng Artistahin BOOK 1 http://www.wattpad.com/story/9009893-artistahin BOOK 2 http://www.wattpad.com/story/15583369-artistahin-take-two