Chapter 50: Change

8.2K 158 37
                                    

Chapter 50: Change

Pagpasok ni Shan sa campus agad nagbulungan ang mga babae sa buong paligid. Ngumiti ang binata, nagtuloy ang lakad ngunit napatigil nang makita si Enan sa gilid ng building mag isa.

Nilapitan ni Shan ang kanyang kaibigan, “Uy ano ginagawa mo dito?” tanong niya. “Uy Shan, sige mauna ka na” sagot ni Enan. “Tara doon, hanapin natin section natin” sabi ni Shan. “Sige mauna ka na” sabi ni Enan.

“Pare ano problema?” tanong ni Shan. “Si Ikang” bulong ni Enan kaya nakaramdam ng sobrang guilt ang binata. Tumabi si Shan, si Enan napabuntong hininga sabay napalingon sa buong paligid. “I don’t like it here” sabi niya.

“First day palang sasabihin mo na yan?” tanong ni Shan. “Di maganda dito” sabi ni Enan sabay niyuko ang kanyang ulo. Napalingon si Shan at nakita niya yung nandidiring titig ng iba sa kanyang kaibigan.

“Tara, ako bahala sa iyo” sabi ni Shan kaya inakbayan niya kaibigan niya saka sila naglakad. Madaming napatingin sa kanya kaya todo yuko talaga si Enan. “Enan, taas mo noo mo. Kasama mo ako pare, I will not let anyone bully you here” sabi ni Shan.

“Mas madali to pag nandito si Ikang” bulong ni Enan. “Get over it, nandito ako pare. Walang babangga sa atin dito” sabi ni Shan. “Syempre walang kotse dito e, try natin sa labas mamaya” banat ni Enan kaya natawa si Shan. “Hoy! Tinatawanan niyo ba ako?” sigaw ng isang fourth year student sa malayo.

“Shit first day pa naman” bulong ni Enan. “I got this” sabi ni Shan kaya nung lumapit yung higher year humarap si Shan. “Wow si mister pogi matapang, oooh scary friend” banat ng higher year kaya nagtawanan yung iba.

Binagsak ni Shan bag niya, bago siya makaporma nagulat siya pagkat hawak ni Enan sa leeg yung higher year. Napatayo yung ibang higher year pagkat tila hindi na makahinga yung kasama nila. TInapik ng higher year yung balikat ni Enan.

Nagtitigan yung dalawa kaya bumitaw si Enan. Umatras yung higher year, pinalayo niya yung mga kasama niya kaya si Shan gulat na gulat. Nagtuloy sila ng lakad hanggang sa nahanap nila yung section nila.

May mga napatingin kay Enan, muling nagulat si Shan nang lapitan sila ni Enan. Nakipagbanggan si Enan ng dibdib kaya agad siya hinila ni Shan. “What the hell is wrong with you?” tanong niya. “Gusto ko magpa expel…ayaw ko dito” sabi ni Enan.

“Hoy pare ano ka ba? First day palang natin dito” sabi ni Shan. “Di ko kaya ganito araw araw…tapos wala si Ikang” sabi ni Enan. “You need to grow up, para kang bata” sermon ni Shan. “Easy for you to say kasi ganyan ka, matatanggap ka agad dito” sabi ni Enan.

“Tsk I told you ako bahala sa iyo. Magtiwala ka naman sa akin. Kaibigan kita, sagot kita” sabi ni Shan. “Well baka nga ikaw pa sumagot sa akin kasi nabigyan mo na ng first impression yung upper years” dagdag niya. “Ewan ko…bahala na” sabi ni Enan sabay pumila na.

Samantala sa loob ng isang exclusive all girls school naglalakad si Jessica ng sobrang bagal pagkat nangungulila siya. May bumangga sa likuran niya kaya agad siya napalingon. “Sorry sorry” sabi ng isang babae na mukhang nahihiya sobra.

Artistahin: CrossroadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon