Chapter 43: Corona

21.5K 159 35
                                    

Chapter 43: Corona

“Wow Jessica you look like a real  princess” sabi ni Rosa nang makita ang magandang batang dalaga suot ang kanyang pink dress at may corona pa ito sa ulo. “Tita talaga nakalimutan yung always, I always look like a princess” pacute ni Jessica kaya natawa sina Rosa at Robert.

“Happy Birthday Ikang” bati ni Enan sabay inabot ang kanyang regalo. “Andoy! Sabi ko naman sa iyo wag na mag gift e” reklamo ng batang babae. “E birthday mo e” sabi ni Enan. “Sige na nga, thank you Andoy…ay pahawak mo muna kay tita kasi kailangan ko yung escort ko…tara na Andoy” sabi ni Jessica.

“Ganito apo” sabi ni Flora sabay pinayakap niya yung isang braso ng batang babae sa braso ni Enan. “Ganyan, teka lang kukunin ko yung camera” sabi ng matanda. Naglibot yung dalawang bata, si Enan naiilang pagkat nakasuot siya ng pink din na polo. “Para akong bakla” bulong niya.

“Andoy smile, iikot tayo sa bahay para makita ako ng aking mga bisita” sabi ni Jessica. “Wag kang kakaway, ako lang yung kakaway” bulong ng batang babae. Napagod sila kakaikot kaya naupo muna sila sa isang tabi.

“Masakit na kamay ko Andoy” sabi ni Jessica kaya minasahe ng batang lalake yung kamay ng kanyang kaibigan. “Andoy pakialis naman crown ko kasi mabigat din siya e” lambing ni Jessica. Inalis ni Enan yung corona, tinuloy niya yung pagmasahe sabay nakarinig sila ng malutong na pagcrack.

Paglingon nila nakita nila yung isang matabang lalake na naupuan yung corona, si Jessica natulala at naiiyak pero si Enan nagliyab ang kanyang mga mata sabay sinipa ng sobrang lakas yung bisita.

“Ukinam! Gago ka! Sinira mo crown niya!” hiyaw ng batang lalake kaya nagulat ang lahat. “Enan!” sigaw ni Robert, “Sige bata” bulong ni Arturo nang makita na titira ng suntok si Enan. Naawat agad ni Robert si Enan at nailayo, napingot ang tenga ng batang lalake habang dinadala sa labas ng bahay.

Sisigaw narin sana si Jessica pero nakita niya si Enan sa labas na pinapagalitan. “I am so sorry I did not see it” sabi ng bisita. Huminga ng malalim si Jessica, tumalikod sabay tumakbong palabas na luhaan.

Walang may kaya pakalmahin si Jessica kaya si Enan lumapit at niyakap ang kanyang kaibigan. “Tama na Ikang, wag ka na iiyak” lambing niya. “Di na ako princess” bulong ng batang babae.

“Princess ka parin, kahit wala naman yung crown mo e. Nandito naman ako magsasabi e. Diba kaibigan mo ako, di mo na kailangan yon. Sinabi ko sa iyo princess ka kaya maniwala ka din sa akin” sabi ni Enan.

Pinunasan ni Enan yung mga luha ng kanyang kaibigan kaya ang daming naantig. Ginabayan ni Enan itaas yung kamay ng dalaga, si Jessica napangiti at nagsimulang kumaway. “O kita mo na, alisin mo na yung tears mo para princess ka na talaga” sabi ni Enan.

“Baboy yon” bulong ni Jessica. “Wag Ikang, wag mo sabihin yon. Princess ka kaya dapat good ka. Sinaktan ko naman na siya e, diba ako yung soldier mo?” sabi ni Enan na narinig ng lahat.

Tumabi si Arturo sa matabang bisita, “Magsakit sakitan ka” bulong niya. “Ano po?” tanong nung lalake. “Magsakit sakitan ka o sasaktan talaga kita?” bulong ng matanda kaya kunwaring umaray yung matabang lalake at iika iika. “O tignan mo o, sinaktan ko na siya” sabi ni Enan kaya lalong napangiti si Jessica.

Artistahin: CrossroadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon