Chapter 14: Full Time
Biyernes ng tanghali nag inat si Enan pagkalabas niya ng kanilang building. “Manners naman” narinig niya kaya agad siya napalingon at nakita si Sally. “Manners?” tanong ng binata. “Oo kasi kinakalat mo yung body odor mo sa lahat e” pacute ng dalaga sabay tawa.
“Excuse me, ginagawa ko ito para sa mga nagnanasa sa akin. Kinakalat ko ang aking body aroma para tulungan sila sa kanilang pagpapantasya sa akin” banat ni Enan. “Ew, kadiri ka” sabi ni Sally. “Kadiri ba? Bakit may BO ba talaga ako?” tanong ni Enan sabay amoy sa kanyang kili kili.
“No naman, actually you smell good always” sabi ni Sally. “Ikaw ha, siguro inaamoy amoy mo ako lagi no?” biro ni Enan kaya nagtawanan sila. “Gagi ka talaga, e sa mabango ka naman talaga lagi” sabi ni Sally. “Ikaw din naman, well anyway san ka punta Salina?” tanong ni Enan.
“Wala naman, naglakad lakad lang. Ikaw san ka pupunta?” sagot ng dalaga. “Sa mall kasi kailangan ko bumili ng attire ko para sa aking shooting” sagot ng binata. Nagtakip ng bibig si Sally sabay nagbungisngis. “Ay ayaw maniwala. Tapos na exams so full time artistahin ulit ako. Ako yung nakuha sa fifty shades of Gray e, alam ko halos buong movie borles ako kaya bibili lang ako ng bathrobe o kaya tapis” sabi ni Enan kaya napahalakhak ng husto ang dalaga.
“Oo na sige na. Whatever Enan” pacute ng dalaga. “Joke lang, kailangan ko lang ng bagong maisusuot para sa mga set ko” sabi ng binata. “Ay oo nga no, napanood ko pala yung trending video niyo. Ang galing mo, congrats ha” sabi ni Sally. “Wala yon no, tsamba lang yon” sagot ng binata.
“You always say tsamba, minsan wag ka masyado humble. Nakakairita din no” sabi ni Sally. “Ay ganon ba?” sagot ni Enan na pabulong. “Uy don’t take offense, pero minsan naman mag thank you ka nalang ganon. O kaya ngumiti ka lang ganon. Sorry talaga prangka akong tao” sabi ni Sally.
“Okay lang, e di thank you” sagot ni Enan. “Yeah you should buy some clothes kasi yung suot mo sa video…hmmm it was okay pero since you are singing in front of a paying crowd e magbihis ka naman konti. Para di nila sabihin na, ano ba yan di man lang pumorma e nagbabayad naman tayo ng cover charge” sabi ng dalaga.
“E sabit lang naman talaga ako don e” sabi ni Enan. “Kahit na, if you say sabit ka then you also should make Mikan look good. Siguro sasabihin mo gusto mo makilala ka sa sariling style mo, saka mo na gawin yon pag sikat na sikat ka na talaga. For now na papasikat ka palang e you have to make porma naman too” sabi ni Sally.
“Papasikat” bigkas ni Enan sabay tumawa. “Grabe ka di ko naman habol yon. Nakikisabit lang ako because she asked me too at extra income din” dagdag niya. “E kung sinabi mo nalang kasi na ginagawa mo yan para makalimutan mo yung sakit? You can be honest with me you know” sabi ng dalaga kaya nagulat si Enan.
“Buking, its okay lahat tayo may para paraan naman. At least ikaw parang shooting two birds with one stone ka. You are trying to get rid of the pain at the same time papasikat ka” sabi ni Sally. “Papasikat, di ko habol yon talaga” sabi ni Enan. “Hay Enan wag kang magsisinungaling, admit it, gusto mo din e” sabi ng dalaga kaya natawa na ang binata.
“Ang dami mong alam Salina, samahan mo nalang nga ako sa mall. Parang mas magaling ka sa fashion compared to Clarisse. Magpapasama sana ako sa kanya e pero pag may time ka ngayon samahan mo nalang ako. Treat kita lunch” sabi ng binata.
BINABASA MO ANG
Artistahin: Crossroad
RomanceA modern day Beast in search of true love Sundan muli ang pagpapatuloy ng kwento ni Enan sa ikatlong libro ng Artistahin BOOK 1 http://www.wattpad.com/story/9009893-artistahin BOOK 2 http://www.wattpad.com/story/15583369-artistahin-take-two